Kabanata X

18 2 0
                                    

Luke

"Nagpakawala ng reconaissance team ang mga aliens, Luke" pagbabalita sakin ni Sab at pinakita samin ang mga kakaibang bagay na lumilipad sa ibat-ibang panig ng mundo.

"Kumikilos na sila" sabi ko na mag pagkabahala.

Maya-maya'y biglang tumayo si Sab at akmang aalis.

"San ka pupunta?" tanong ni Lance

"Kung sasabihin ko sa inyo, pipigilan nyo lang ako" sagot nito at dere-derechong lumabas.

Alam ko na agad kung ano ang plano nito at kung saan ito pupunta. Hahanapin nito ang conqueror at kakausapin nya ito.

"San mo sya hahanapin?" tanong ko

"Bahala na. Wala na tayong oras, Luke" sagot nya at kumuha ng ilang mga gamit nya.

"Sasama ko, wala kang kapangyarihan kaya kailangan mo ng tulong ko" sabi ko kaso bigla syang naglabas ng kakaibang ilaw sa kamay nya.

"Yun ang akala mo" sagot nya na kinagulat ko din. Hindi ko inaakala na may kapangyarihan din sya.

"Basta, sasamahan kita" sabi ko at pumayag na din sya para hindi na humaba ang usapan.

Bumalik kami sa unang lugar kung saan sya umatake. Nagiikot-ikot kami dito hanggang sa nakaramdam kami ng may papunta sa direksyon namin dahil sa ilang nagtutumbahang puno.

Maya-maya'y lumabas na ang conqueror at nagulat nung makita kami ni Sab.

"Sinabi ko na sayo noon, na umalis ka na at iligtas ang iyong sarili" sabi nya na animo may naging relasyon sila ni Sab.

"Ayoko, hindi ako aalis hanggat hindi mo sinasabi sakin ang lahat" sagot nito

"Wala ka ng magagawa, wala na kayong magagawa para pigilan pa ang lahat ng ito" sabi ng conqueror kaya napaiyak na lang si Sab.

Nagulat ako nung biglang lumambot ang conqueror at lumapit kay Sab para punasan ang luha nito.

"Pakiusap, tulungan mo kami" pagmamakaawa ni Sab.

"Pero huli na ang lahat, nabigay ko na ang mga kailangan ng mga ito" sagot ng conqueror.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko

"Ang ilang elemento sa inyong mundo kagaya ng tubig, yamang lupa at mga mineral ang kinukuhanang lakas ng aming sinusunod na reyna" sagot nito.

"Kagaya ng isang normal na tao, kumakain ito ng mga elemento mula sa inyong mundo at iyon ang pinagkukuhanan nya ng lakas para magpadami" dagdag nya.

"Anong ibig mong sabihing magpadami?" tanong ko

"Kagaya ng una nating teorya, Luke. Katulad ng sa isang colony, ang reyna lang ang kayang makapagreproduce ng mga ito" sagot naman ni Sab.

"Pero kinalulungkot ko na huli na ang lahat, dahil maging ang tao ay kinokontrol na din ng reynang ito. At ito ang gagawin nyang mga alagad nya, para pigilan ang kanyang mga kaaway" paliwanag nito.

"Ha? Paanong---" tanong ko pero sinagot na ako ni Sab.

"Sa isang chess game, unang umaatake ang mga poons bago ang mga opisyal, at huling gumagalaw ang reyna" paliwanag nyakaya nakuha ko din agad ang lohika nito.

"Wala bang ibang paraan para matalo ang reyna?" tanong ko

"Kapag napatay ang reyna, mamatay na din lahat ng kanyang mga alagad, maging ang mga taong kinokontrol nito ay babalik sa kanilang mga sarili. Dahil ang lakas ng mga ito ay nangagaling mismo sa reyna" sagot nung conqueror.

Mobile Legends: SalvationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon