Luke
"Magandang umaga" bati ni Ana habang naghahanda ng aming almusal. Nakakatuwa lang dahil sanay na syang gumamit ng mga electronic na mga appliances at maging smartphones at computer.
Matapos ang tatlong taon, nakapag-adjust na si Ana sa panibagong buhay sa labas ng kampo. Dito na nya natutunan ang mga bagay-bagay kung paano mabuhay na hindi puro pakikipaglaban at pag-gamit ng espada at mahika.
Minsan nga lang ay kailangan mo syang bantayan kapag kasama mo sya sa labas kung ayaw mong mapaaway ito. Ewan ko ba kasi kay Ana, hindi pa din nawawala ang katigasan at katapangan nya. Kamakailan nga lang ay may muntik na syang mapatay nung may humarurot na sasakyan at muntik na itong masagasaan. Mabuti na lamang at napigilan namin sya ni Zild kung hindi, malamang may kaso na kami sa mga kapulisan.
"Ano nginingiti-ngiti mo dyan?" tanong nito habang nakasandal ako sa may estante at pinapanuod syang mag-ahin.
"Wala, ang ganda mo lang kasing tignan" sagot ko. Kahit pagod na ito at medyo magulo na din ang buhok nito.
"Asus, nambola ka pa" sabi nya sabay punas ng kanyang pawis.
"Tara na, kain na tayo" aya nito kaya umupo na ko sa upuan at pinagsandok nya ko ng pagkain.
"Uy, mukhang masarap yan ha" sabi ni Zild at agad-agad itong dumampot ng pagkain at sinubo.
Nakita ko na agad sa mukha nito na isang pagkakamali kung itutuloy ko ang pagkain ko o hindi.
"Kumain ka na" utos ni Ana at nakatingin sakin. Iniikot ko ang mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Maya-maya'y narinig namin ang pagsuka ni Zild at nakita kong dali-dali itong nagmumumog sa lababo.
"Ano ba yang niluto mo Ana?" tanong nito at nadudura-dura pa.
"Eto oh" sabi nya at pinakita ang kahon ng Pancake.
"Eh bakit ang alat?" tanong ni Zild. Napapalunok na lang ako.
"Parang hindi naman" sabi ko na lang dahil ayoko namang masayang ang effort ni Ana.
Isang kagat ko pa lang ay ramdam ko na agad na may sakit na ako sa aking bato. Pilit ko pang nilalabanan ang sobrang kaalatan nito. Pinapanuod lang ni Ana kung ano ang reaksyon ko habang kumakain pero kailangan kong magmukhang normal.
"Ayos lang naman" sabi ko at nagtakip pa ng bibig ko gamit ang tissue pero hindi ko na nakayanan at niluwa ko na din ito at dali-daling nagmumog.
"Ana naman, ano ba nilagay mo? Asin?!" tanong ni Zild
"Eto oh" sabi nya at pinakita ang isang lalagyan. Yung iodized salt ay napagkamalan nyang asukal.
"Eh asin nga yan ee!" protesta ni Zild
"Ewan ko. Hindi ko naman alam ee. Akala ko asukal ee. Pasensya naman" sabi ni Ana at padabog na tumayo. Napatingin na lang ako kay Zild at saka hinabol ito.
"Huy. Ana, Ana naman" sabi ko at sinusuyo ito. Nakacross arm lang ito at hindi ako pinapansin habang nakatalikod sa akin.
"Sa school nyo na kayo kumain" sabi nito at nagtatampo pa.
"Ana, linggo ngayon. Walang pasok" sagot ko kaya mas lalo itong nagalit.
"Utusan mo na lang si Zild na bumili ng pagkain. Pasensya na at hindi talaga ko sanay magluto. Baka mamaya malason ko pa kayo" pagtatampo nya kaya niyakap ko sya mula sa kanyang likuran.
"Mahal kita, masarap pa din ang luto mo" bulong ko sa kanya at inaayos-ayos ang buhok nito.
"Pero kailangan mo lang ng konti pang practice" at siniko nya ko at tumama ito sa dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Mobile Legends: Salvation
FanfictionA fan-fiction based and related to Mobile Legends: Bang Bang The second book after Mobile Legends: Apocalypse Disclaimer: No copyright infringement intended Synopsis: Tatlong taon matapos matagumpay na napigilan ni Luke ang "Apocalypse" o pagkagunaw...