Luke
"Nakuha ko ang impormasyon na to sa pinagusapan namin ni Lance nung nakaraan" panimula ni Sab
"Sandali, kung galing kay Lance yan. Ibig sabihin hindi yan dapat paniwalaan" sabi naman ni Zild
"Hindi, kasi mas matalino ko sa kanya" sagot naman ni Sab at may nilabas na ilang mga blueprints.
"Nakuha ko to sa files nya, at maari natin tong magamit. Nagduda na din ako sa kanya tungkol sa sinabi nyang kailangan ng modification ng jet ganong advance ang security system nito" sabi nya at pinakita samin ang kabuuan ng flagship ng mga to.
"Tulad ng sabi nya, ang main reactor ng kanilang flagship ay katabi lang din ng shield generator na syang bumabalot at pumoprotekta dito, pero hindi natin to masisira o maba-bypass kahit nasa loob tayo nito" paliwanag nya.
"Ang ibig mo bang sabihin Sab--" tanong ko pa sana kaso tama nga ang hinala namin ni Zild.
"Ang reyna pa din ang may kontrol at kapangyarihan sa flagship na ito. Mas lalo lang tayong mapapahamak kapag nagtangka tayong pasukin ang spaceship dahil panigurado na maraming patibong ang naghihintay sa atin doon" sagot nya sa tanong ko.
"At kahit magtagumpay tayo na mawasak ito, madali lang itong mabubuo ng reyna. Dahil sya ang pinagkukuhanan o pinagmumulan ng enerhiya nito. Kaya ang dapat nating pagtuunan ng pansin ay ang pagpatay sa reyna" dagdag nya.
"No Rel" signal nya sa conqueror at sa board nito ay naglabas sya ng hologram ar nagpakita ng itsura ng kanilang reyna.
"Ano yon? Yung nagliliwanag sa dibdib nya?" tanong ni Saber
"Ang puso nya, dad. Pero hindi ito ordinaryong puso lang dahil ito ay naging bato na na puno ng makapangyarihang enerhiya" sagot ni Sab na lahat kami ay hindi maintindihan ang gusto nyang sabihin.
Pinaliwanag naman sa amin ng conqueror ang nangyare noon sa kanilang planeta, at maging ang dahilan kung bakit nagkaroon ng kapangyarihang ganon ang kanilang reyna, at kung bakit balak nilang sakupin ang buong mundo, at ang buong kalawakan.
"Ang planeta nyo lang ang may kakaibang anyo na sagana sa mga elemento, tubig, lupa at hangin na syang maari nilang tirahan at tahanan" paliwanag nya.
"Sandali, ibig sabihin ba nito ito ay parang isang tretron?" tanong ni Saber.
"Anong tretron?" tanong naman ni Sab at isa ding katangungan sa mga isip namin. Mahirap talagang hindi maging matalino at may alam sa siyensa.
[Fictional lang to ha. Tretron or parang Tesseract or Power stone sa Marvel]
"Isang elemento na pinagkukuhanan ng enerhiya na maaring magamit ng paulit-ulit, reusable energy" sagot ni Saber
"Parang ganon na nga" sagot naman ng conqueror
"Ang enerhiyang ito ay kagaya ng isang halimaw na nagugutom at kinakain nito lahat ng bagay na matatamaan nito, o ang elemento sa inyong mundo na aking kinukuha at binibigay sa kanya" paliwanag nito.
"Teka, teka nga. Parang masyado ng magulo. Ano ba talaga? Ano-ano ba mga sinasabi nyo?" tanong ni Zild na kahit ako din ay naguguluhan na din.
"Ang enerhiyang nasa reyna ay mula sa isang makapangyarihang enerhiya na mula sa kalawakan. Pumasok ito sa katawan nito at dito na ito nanatili, ang puso ng reyna ay naging bato na sanhi upang ang maramdaman lang nito ay galit o hindi ito nakararamdam ng awa, ang gusto lang nito ay paghihiganti, at pagkawasak ng mundo" paliwanag nya samin
"At tulad nga ng sabi mo, ang Tretron ang pinagmulan ng enerhiyang ito. Isa itong bituin na sumabog sa kalawakan milyong taon na ang nakakaraan, ang mga bahagi nito ay syang naging enerhiya na ngayon nga ay nasa reyna. Ang iba naman ay naging ibat-ibang elemento na nagkalat sa kalawakan na syang nagiging panibagong planeta o panibagong bituin" dagdag nito.
"At dahil nasa reyna ang kapangyarihang ito, kaya nyang sirain ang mundo at palitan ito ng bago" paliwanag naman ni Sab na hindi din namin nakuha.
"Sa tamang pag-gamit, ang kapangyarihang ito ay kaya mong gumawa ng panibagong mundo, at ito ang plano ng reyna. Sisirain nya ang planeta natin, at muli nya itong bubuuin para maging bagong planeta at dito na sila maninirahan" dagdag nya.
[To be more specific: As I mentioned, that cosmic force can turn dust into water, water into land, and land into life. Parang in the creation, ganon. Also, the other elements nula sa sumabog na tretron or energy is naging mga elements in the space. Lets say Vibranium, to make it simple, when Vibranium meteorite hits Wakanda, wakandans harness its power and properties to make a advance civilization. So parang ganon din ang logic nito. Hope you get my point! Hahahaha]
"Kaya kailangan natin silang mapigilan" sabi ni Sab
"Ang tanong, paano natin matatalo ang reyna ng hindi tayo mamamatay?" tanong ni Zild
"Sa pinagsanib na pwersa noon ng grupo ng mga mandirigma mula sa ibat-ibang planeta ay muntik na din nilang matalo ang reyna at maubos ang kanilang lipi" sagot ni Zild
"Paano?" tanong naman ni Ana
"Gamit ang teknolohiya mula sa aming planeta, isa ako sa nakipaglaban sa kanya noon" sagot nito na kinagulat naming lahat.
"Kung isa ka sa mga lumaban sa kanya noon, bakit ngayon kumakampi ka sa kanya?" tanong ni Zild na may halong pagdududa
"Tulad ng sabi ko, hindi kaaway ang conqueror. Dahil may dahilan sya" sagot ni Sab. Mukhang nasabi na nito ang lahat dito kaya sya na ang sumagot.
"Natakot ako noon na sirain ng reyna ang planetang tinitirahan ng aking magulang. Kaya sa isang kasunduan ay nangako akong sasanib ako sa pwersa nila wag lang nilang gagalawin ang planetang iyon" sagot din naman ni No Rel.
"Bat ngayon nagawa mo silang ulit talikuran?" tanong ko
"Dahil sa inyo. Dahil sa katapangan nyo, at sa inyong mga lakas. Alam kong kaya nyo silang mapigilan" sagot nya.
Bigla akong nakaramdam ng lakas noong sinabi nya sa amin yon. Siguro nga tama sya, kung sya ay nagtiwala sa kakayahan namin. Kailangan ko ding magtiwala sa kakayahan ko at kakayahan naming lahat.
"Maraming salamat, No Rel" sabi ko at ngumiti lang ito.
Natapos ang pagpupulong namin at naghanda na kami para sa gagawin naming pag-atake.
Third Person
"Sasama ko" sabi ni Ira habang naguusap sila ni Zild
"Wag na, Ira. Please, wag mo ng itaya ang buhay mo dito" sagot nito at pilit itong nakikiusap.
"Ira, please. Makinig ka sakin. Wag na. Wag ka ng sumama sa laban na to. Ayokong mawala ka sakin" sabi ni Zild at hinalikan ito sa noo nito
"Ayoko ding mawala ka sakin, Zild" sagot din naman ni Ira kaya may luha ng pumatak sa mata nito.
"Malaki ang tiwala sakin ng iyong ina na iingatan kita, kaya please. Wag mo ng balaking sumama sa laban na to, Ira. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko na mapahamak ka" sabi ni Zild at niyakap ito ng mahigpit at tinapos ako usapan sa paghalik nito sa labi ni Ira.
Sa kabilang banda naman ay ang paguusap nila Luke at Ana.
"Mahal na mahal kita, Luke" sabi ni Ana habang inaayos ang espada nito.
"Mahal na mahal din kita, Ana. Hindi ko kakayanin pag nawala ka pa sakin" sagot ni Luke kaya yumakap sa kanya ito.
Umiiyak ang dalawa dahil na rin sa mga nangyayare. Alam nila sa sarili nila na may mga masasamang mangyayare at hindi nila alam kung ito din ang magiging katapusan o kamatayan ng isa sa kanila.
"Kung ano man ang mangyare, Luke. Handa ako, basta kasama kita" sabi nya at hawak ang kamay nito.
BINABASA MO ANG
Mobile Legends: Salvation
FanfictionA fan-fiction based and related to Mobile Legends: Bang Bang The second book after Mobile Legends: Apocalypse Disclaimer: No copyright infringement intended Synopsis: Tatlong taon matapos matagumpay na napigilan ni Luke ang "Apocalypse" o pagkagunaw...