Luke
Pinagpahinga na namin sina Zild at ang kambal nung nakabalik na kami sa bahay. Alam kong masama ang pakiramdam nila kaya hinayaan na namin silang matulog.
"Ano nangyare?" tanong ni Sab
"Hindi ko din alam, basta may pinakawalang gas yung lalaki na yun at bigla na lang nagkaganon sila Zild" sagot ko
"Patay na ang presidente" pagbabalita naman ni Ana.
"Ha? Paano na?" gulat ni Lance
"Ngayong wala na ang presidente, magkakaron ng pagkakagulo dahil walang leader ang mamumuno. Madali nilang magagawa ang mga plano nila" paliwanag nya.
"Kaya kailangan na nating mahanap ang iba pa" sabi ko at saka pinakilala sa kanila ang bago naming mga kasama.
Si Dea, ang babaeng naka violet na si Guinevere, at si Natalia na isang assasin.
"Luke, mabuti pa magpahinga ka na din muna" sabi ni Ana sakin at yumakap sakin.
"Kailangan mo yun" dagdag nito.
"Oo nga, Luke. Magpahinga ka na din muna. Napalaban ka kanina. Kami na bahala dito, babalitaan kita" sabi naman ni Lance.
"Sige, salamat" sabi ko at pumasok na sa kwarto ko.
Zild
Mataas na ang araw nung nagising ako. Ang sakit pa din ng ulo ko gawa ng sunod-sunod na suntok sakin ni Ana. Nakontrol na nga ng mga aliens ang utak ko, sinabayan pa ng mapanakit na kamay ni Ana. Muntik na kaya akong mapatay ng babaeng yon.
Paglabas ko ng kwarto ko ay nakita ko ang isang familiar na babae na nakatayo sa may sala at tinitignan yung picture ko na naka-display.
"Inlove ka na naman" pagbibiro ko. Kagaya ng ginagawa ko sa kanya dati.
Napangiti sya ng humarap ito sakin at sinalubong ko sya ng yakap at halik sa kanyang labi.
"Namiss kita, Ira" sabi ko sa girlfriend ko.
Akala ni Luke sya lang ang may girlfriend, hindi nya alam meron din ako. Nalayo lang talaga dahil sa ilang mahalagang bagay.
"Nasan ang iyong ina?" tanong ko
"Wala na din akong balita sa kanya, huling balita ko ay pumunta sya sa isang tagong bayan" sagot nito.
Hindi naging maganda ang pamamaalam namin ni Ira noong kasagsagan ng Apocalypse. Nagpasya kasi si pinunong Layla na ilayo sya sa kaguluhan para na din sa kaligtasan nito. Kaisa-isang anak ni pinunong Layla si Ira, at bilang isang babae ay tinuring nya itong kanyang prinsesa kaya sobra-sobra ang pagiingat nya dito.
Sa totoo nga nyan, hindi din pabor si pinunong Layla sa amin nung una. Talagang pinaglaban ko lang ang pagmamahal ko sa kanya, at pumayag naman ang kanyang amahin na si pinunong Clint. Si pinunong Gusion talaga ang tunay na ama ni Ira pero dahil sa isang pagkakamali ay ayon nga. Hindi na natin dapat pang ungkatin ang nakaraan ng mga magulang nito. Ang mahalaga ay kasama ko na ulit ang pinakamamahal ko.
"Masaya kong nakasama kita ulit" sabi ko at niyakap sya ng mahigpit.
"Ako man ay masaya na makita at makasama ka ulit, Zild" sabi nya at hinalikan ako sa labi.
"Babawi ako sayo" sabi ko sa kanya.
Paglabas namin ay nagulat ako dahil nandito na din ang ilang anak ng mga maalamat na bayani maging ang ilan dito.
"Lester?" gulat ko nung nakita ko ang ang isang kaibigan ko dati sa kampo. Si Lester ay anak ni Lesley na panigurado kong pagseselosan ni Luke dahil muntik ng maging boyfriend yun ni Ana.
BINABASA MO ANG
Mobile Legends: Salvation
Fiksi PenggemarA fan-fiction based and related to Mobile Legends: Bang Bang The second book after Mobile Legends: Apocalypse Disclaimer: No copyright infringement intended Synopsis: Tatlong taon matapos matagumpay na napigilan ni Luke ang "Apocalypse" o pagkagunaw...