Luke
Dahil sa tulong ni Saber at ng mga kasama nito ay napaatras ang mga kalaban nung nadehado na ang mga ito.
"Maraming salamat sa tulong nyo, Saber" sabi ko at nagpasalamat din sa kanila.
"Wag kang magpasalamat sa akin, Luke" sabi nya at tinuro si Sab.
Si Sab ang nasa likod ng advance na technology na ito. Dahil sa kanyang talino, at dahil na din sa pinagsamang kakayanan ng kanyang ama na gumawa ng mga sandata at iba pang advance na kagamitan, nagtulong ang dalawa upang gumawa ng isang program o mga armas, at makakapal na baluti ng magsusuot nito.
"May panlaban na tayo, Luke" sabi ni Sab
"Paano mo nagawa to, Sab?" tanong ni Zild
"Simple lang. Gamit ang mga kapangyarihan nyo, at gamit din ang syensya. Konting modification lang para mas lalo itong lumakas, parang upgrade. Ganon" sagot nya
"Ang galing naman. Baka naman pwedeng gawan mo din ako?" sabi ni Zild
"Saka na, pag natapos na nating matalo ang mga aliens na to" sagot naman ni Sab.
Sa ngayon ay nagkaroon ako ng pag-asa na manalo sa mga aliens na nagbabalak sumakop sa ating planeta. Sa tulong ng mga matatandang bayani at ang mga anak nito, maging ang mga sandata at kagamitang inimbento ni Sab. Alam kong malaki na ang tyansa para manalo kami sa labang ito.
Pinapanuod din namin ang mga balita at nakita namin kung gaano na kagulo sa labas. Sa mga news report ay pinakita na din kung paano namin nilabanan ang mga aliens na ito.
Magkaiba ang naging reaksyon ng mga tao dito, ang iba ay natutuwa, ang iba naman ay natatakot pa din sa aming kapangyarihan. Pero kahit ganon, hindi magbabago ang isip namin para tumulong at iligtas ang mundo.
***
Kasalukuyan kaming nagpupuyat para sa nakuhang armas ni Dea nung nakipaglaban kami kanina. Ito ay ang sumbrero nung maliit na lalaking umatake sa amin kanina."Ang weird, para syang octopus na ewan" sabi ni Zild
"Akin na yan" sabi ni Lance at masusi nya itong pinag-aralan. Isinantabi ko muna kung ano mang pagdududa ang meron kami ni Zild sa kanya. Binigay namin sa kanya ang nakuha naming gamit at iniwan ito sa kanya at kasama naman nya si Sab sa ginagawa nilang pag-aaral kaya alam ko na hindi nya kami ta-traydurin.
Sa kwarto ko ay nandon na si Ana at hinihintay ako. Agad-agad naman akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi nito.
"Ilang araw ka ng hindi nakakapagpahinga" sabi nya at sinandal ko lang ang ulo ko sa balikat nya.
"Ikaw ang pahinga ko, sa nakakapagod at magulong mundo" bulong ko sa kanya at hinalikan ito sa pisngi nito.
"Mahal kita, Ana" sabi ko sa kanya.
"Mahal na mahal din kita, Luke" sabi nya at hinalikan nya ako sa labi. Ginantihan ko naman ang halik nyang yon hanggang sa napahiga kami sa kama at doon napagtanto na mali ang ginagawa namin.
"Sorry" dispensa ko
"Hindi, ayos lang. Pasensya na din" sabi nya at tumayo na sya.
"Dito ka lang" utos ko
"Luke, minsan naiisip ko, san kaya kumukuha ng kapangyarihan ang mga aliens na yon?" tanong ni Ana
"Hindi ko din alam" sagot ko pero base sa sinabi ng conqueror. Kumukuha ang reyna nito ng lakas sa mga elemento at mga likas na yaman dito sa mundo. Pero parang may gustong tumbukin tong si Ana.
"Kasi diba, tayo. Bukod sa tubig, o sa lupa. Isa ang araw sa pinagkukuhanan natin ng enerhiya" sabi nya at bigla akong napaisip.
"Ang pinagtataka ko lang, paano sila nakakakuha ng ganong kalakas na enerhiya o kapangyarihan. Kasi sa tingin ko meron din itong pinanggagalingan" dagdag nya at biglang gumana ang utak ko sa lohikang gusto nyang iparating.
BINABASA MO ANG
Mobile Legends: Salvation
FanfictionA fan-fiction based and related to Mobile Legends: Bang Bang The second book after Mobile Legends: Apocalypse Disclaimer: No copyright infringement intended Synopsis: Tatlong taon matapos matagumpay na napigilan ni Luke ang "Apocalypse" o pagkagunaw...