Chapter 4

34 0 0
                                    


Pangungunahan ko na kayo. Hindi ko na iche-check ang chapter na 'to kaya kong may grammatical errors or typo errors ay pagpasensyahan niyo nalang po. I will edit this story kapag natapos ko na. Salamat!

Athena

Time may seems to fly so fast. I didn't even notice na dalawang buwan na akong pumapasok sa High Academy ganun na din si Yuhan.

"Anak, hindi ka ba susunduin ni Yuhan ngayon?" Tanong ni dad habang nagbabasa ng new paper at nagkakape.

"Hindi po dad eh, may practice daw sila ngayon ng basketball." And yes, sumali si Yuhan sa basketball team ng school namin. Sa katunayan magaling sa basketball ang kaibigan kong iyon, kaya medyo pinush ko na din siyang sumali.

"Aba, talaga ba?" Tanong ni mommy kaya ngumiti at tumango na lamang ako.

Ng matapos 'kong kumain ng agahan ay agad akong nagpaalam kina mommy at daddy na papasok sa school. Habang naglalakad papasok ng school ay napapansin ko ang mga dekorasyon sa bawat sulok ng classrooms. Teka anong meron? Bakit parang hindi ako na inform?

"Thena!" May biglang sumigaw ng pangalan ko kaya napalingon ako sa ground area. Dali-dali akong lumapit kina Andrea at Sabrina.

"Teka, anong meron?" Naguguluhang tanong ko.

"Naku! Hindi kaba nakikinig last week ng announcement?" Tanong ni Andrea kaya mas lalong napakunot ang noo ko.

"Hay! Acquaintance Party next week." Sagot ni Sabrina kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Next week na ba yon?!" Gulat kong sabi. Nagtinginan silang dalawa at inikot ang mga mata nila sa akin.

"Hindi nga nakikinig." Magkasabay nilang sabi.

"Tsk! Pasok na nga lang tayo." Sabi ko at hinila silang dalawa.

*****

Labing-limang minuto na ang nakaraan ng pumasok kami sa room ngunit wala pari ang prof namin. Pinatong ko na lamang ang ulo ko sa desk ko at natulog ngunit hindi ko pa napipikit ang mata ay kinalabit ako si Andrea na nasa likuran ko lamang.

"Thena!" Tawag niya kaya inis akong lumingon sa kanya.

"Ano nanaman ba yon?" Nakanguso kong sabi. Ilang oras lang kasi ang tulog ko kagabi. Ewan ko ba, tinapos ko kasi ang binabasa kong libro kaya ayon puyat ako ngayon.

"May assignment ka Geometry?" Tanong niya kaya nanlaki agad ang mga mata ko at napahawak sa bibig ko.

"Patay!" Sabi niya kaya dali-dali kong hinalungkat ang bag ko. Kinuha ko ang books ko at binuklat.

"Nalintikan na." Napasapo na lamang ako ng ulo ko. Bakit ko ba nakalimutan na may assignment pala kami sa Geo? Napalingon ako kay Andrea.

"Wala ring assignment si Sab." Sagot niya bago pa ako makapagtanong. Kaya halos manlumo ako. Binagsak ko ang ulo ko sa desk at pumikit ng may nangalabit nanaman sa akin.

"Oh." Napalingon ako kay Ethan na may inabot na— Geometry book. "B-bakit?" Tanong ko.

"Kinunin mo na at kopyahin. Bilisan mo lang bago pa dumating si Ms. Eline." Sabi niya ay inabot sa kamay ko ang libro niya kaya umiling ako.

"O-okay lang." sabi ko sabay abot sa kanya pabalik ang libro ngunit hinilig niya ang ulo niya sa upuan at pumikit kaya wala akong na akong nagawa kundi kunin ang book niya. Kinopya ko ang assignment niya. Sa totoo lang kaya ko namang i-solve ito eh kaso kukulangin ako ng time baka biglang pumasok si Ms kaya dinalian ko nalamang sa pagsusulat. Matapos ko at pinasa ko kay Andrea ang libro ko.

Secretly In love With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon