Chapter 10

17 0 0
                                    



"Sumama kana kasi." Naiirita na'ko sa pangungulit ng dalawang 'to dahil kanina pa nila ako niyayaya na sumama sa kanila. May date daw sila and guess with whom? Cole and Spade. OH MY GHAD! Ano bang meron sa dalawang 'yon?

"Teka nga muna ayukong maging third wheel at tyaka gusto kong matulog ang aga pa." Nagising ako kanina bandang 6am dahil sabi ng kasama ko sa bahay nandito daw sila at no choice naman ako kundi bumangon. Nagpapatulong sila sa kung ano daw 'yong susuotin sa date nila, suggest daw ng magandang place tyaka kung anu-ano pa. First of all, sa pagkakaalam ko lalaki ang nagdadala at nag iinvite ng babae sa isang place. Second, anong alam ko don eh never pa akong nagka-boyfriend at sila 'yong expert pag dating sa mga ganyang bagay and lastly ayukong ma out of place sa kanila kaya huwag na.

"Sige nanaman oh please! Kahit ngayon lang." Napa-face palm naman ako sa kakulitan nila.

"Bakit ba? Eh date niyo 'yon anong gagawin ko don? Uupo sa gilid tyaka titignan lang kayo?" They both stamp their feet na para bang mga bata na hindi pinayagan ng nanay nila na lumabas ng bahay.

"Hindi ka naman mao-op 'don eh. Kasama daw nila si Ethan, pwedeng mong ka-date si Ethan kaya please." Naiistress na talaga ako sa kanila. Naupo ako sa couch at minasahe ang sentido ko.

"Oh ayan triple date." Ngumiti sila ng napakalapad sakin.

Ewan ko ba sa mga 'to imbes na pag-aaral eh pagdi-date ang inaatupag. Wala kaming klase ngayon for the reason that I don't know pero in-announce kahapun na wala daw pasok ngayon kaya ayan makikipag-date 'yong dalawa. Actually pwede naman akong sumama eh sanay naman ako sa dalawang 'to ngunit tinatamad talaga akong lumabas ngayon. Gusto ko lang matulog ng matulog buong araw.

"Sige na! ATHENA PLEASE."

Ayuko talagang sumama at buo na talaga desisyon ko. A.YU.KO!

******

"Saan ba dito? Ang lapad-lapad ng garden na'to saan ba sila banda?"

"Manahimik ka muna Athena pwede?" I rolled my eyes. Sana pala pinanindigan ko nalang 'yong desisyon ko kanina na huwag ng sumama. Oo, sumama talaga ako dahil bukod na nangungulit sila e, hindi ko rin naman sila matiis.

"There!" Namataan naman sina Cole na makaupo malapit sa pond. Lumapit kami sa kanila.

"Hey girls." Kinilig naman ang dalawang babae sa gilid ko at kanya-kanyang upo sila. Saan ako uupo dito?

"Oh Athena anong tinatayo mo dyan? Doon ka umupo sa tabi ni Ethan." I sighed and sat beside him.

"So, anong gagawin natin? Inaantok pa'ko eh."

"Alam mo Athena kanina ka pa! Syempre kakain muna tayo then wander around." Ugh!

Wala silang ibang ginawa kundi mag lampungan sa harap ko parang gusto ko na talagang umuwi sa totoo lang nabo-bored na'ko dito. "Saan ba pwedeng kumain dito?" Tanong ni Sab.

"May near restaurant dito masarap ang mga pagkain don, tara."

Sumunod naman ako sa kanila habang sila nag uusap. Hindi kami masyadong nag-uusap ni Ethan pero hindi naman awkward 'yong atmosphere samin.

"Here."

"Good noon ma'am, sir. Table for six?" Bati saamin ng servant doon. Maganda nga ang place na'to napa-cool at relaxing ng ambiance. Sumunod kami sa babaeng bumati samin kanina at naupo sa gilid ng glass wall ngunit bukas ang bintana nito at pumapasok ang sariwang hangin. Maganda ang pwestong ibinigay sa amin dahil kitang-kita ang nag gagandahang bulaklak sa labas. Tanaw rin mula rito ang pond kung saan kami kanina nakaupo, kita rin dito ang butterfly garden na napapalibotan ng net ang paligid ngunit kitang-kita parin ang samu't saring magagandang paru-paru.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secretly In love With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon