Athena"Sway your hips Athena! Ethan hawakan mo bewang niya." Utos ni Ate Misha kaya ginawa namin ang gusto niya.
Nasa ikalawang part na kaninng kanta at limang araw na naming practice ito. Lunes ngayon at sa sabado na ang acquaintance party kaya tudo practice kami ngayon upang hindi magkamali at huwag mapahiya.
"Okay good. 20 minutes break muna!" Ng narinig ang anunsyong iyon ay agad akong naupo, pawis na pawis ako at hingal na hingal ganun din si Ethan. Inabutan ako ni Sabrina ng tubig kaya ngumiti ako sa kanya. Naubos ko ang isang tumbler ng tubig ngunit parang nauuhaw parin ako.
"Naku gurl pawin na pawis ka." Sambit ni Andrea nakinuha ang towel na nasa bag niya at pinunasan ako. Ngumiti naman ako sa kanilang dalawa, laking pasalamat ko at araw-araw silang nandito upang manuod ng practice namin dahil kahit pagod ako ay pinapatawa nila ako at ina-alagaan na parang sarili nila akong kapatid. "Ang galing niyo kanina. Excited na tuloy ako sa performance niyo sa Saturday." Mukhang excited na nga silang dalawa.
"May last chorus and bridge pa na kailangan kaming sayawin." Sabi ko at itinukod ang kamay ko sa likod upang suportahan ang sariling katawan ko at tumingin sa kanila.
"Ano ba?! Kaya niyo yan tyaka ang madali niyo namang makuha ang steps eh." Saad ni Andrea kaya napatango ako. Maya-maya pa ay naramdaman kong lumapit sa amin si Ethan. "Oh." Tumingin ako sa kanya ngunit bumaba ang tingin ko sa kamay niya na may hawak na...
"Chocolate?! Uy kami din." Bulalas ni Sabrina at Andrea ng makitang inabutan ako ni Ethan ng chocolate, ngumiti naman ako at inabot ito.
"Nandoon sa bag, marami doon." Nang sabihin iyon ni Ethan ay nag-uunahan namang tumakbo ang dalawa kaya natawa ako. Binuksan ko ang choco bar at kumagat.
"Kinakabahan ako para sa performance natin sa saturday." Usal ko ng hindi nakatingin sa kanya. Ramdam ko naman ang titig niya kaya lumingon ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin.
"Huwag kang kabahan kasama mo naman ako eh." Nakakagaan talaga sa loob kapag may taong nagpapalakas ng damdamin mo at ngumingiti sa'yo.
"Time to wrap up!" Sigaw ni ate Misha kay dali-dali kaming tumayo at pumunta sa gitna. "Ganun din ulit 'yong chorus okay? Kaya deretso na tayo sa bridge. Kailangang tapusin natin 'to ngayon paran practice nalang sa whole song ang gagawin niyo okay?" Tumango kami sa kanya.
Ipinusisyon ko ang kamay ko sa pagitan ng pelvic bone at hita ko. Hinawakan naman ni Ethan ang beywang ko. Ate Misha played the song kaya nagsimula na kaming sumayaw. I sway my hips softly but flecked.
"Okay! Now for the bridge, Athena itaas mo ang right arm mo tapos ikaw na Ethan hawakan mo ang kamay niya at iikot siya two times." Ipinakita sa amin ni ate Misha ang gagawin. Pares niya si Sabrina, medyo matangkad kasi si Sabrina sa kanya. "To the half way of spinning bumaba ka, then split." Ginawa niya ang sinabi niya kaya namangha ako sa lambot ng katawan niya.
Hindi problema sa akin ang pag-split dahil nag ge-gymnast ako noong grade pa lamang ako. I mean, flexible naman 'yong katawan ko kaya okay lang sa akin ang mag split.
*****
Ng lumabas kami ng studio ay natapos namin ang buong sayaw at kanta. Pagod na pagod ako kaya halos hindi na ako mapaglakad ng maayos. "Thena okay ka lang ba?" Tanong ni Andrea kaya tumango ako.
"Oo, pagod lang ako." Sagot ko. Ng makalabas kami ay nandoon na ang sundo ng dalawa kaya na una sila sa amin.
"Tara na." Sambit ni Ethan kaya napabuntong-hininga na lamang ako at sumakay sa kotse niya. Ganito na araw-araw ang ganap namin, ihahatid niya ako sa bahay palagi pagkatapos ng practice namin. It's already 10pm at gabi na masyado natapos ang practice namin dahil nadin sa minsang pagkakamali at wrap up ng song kaya masyado kaming ginabi.

BINABASA MO ANG
Secretly In love With Him
Ficção AdolescenteLove is one thing that changes people but love also broke and make every people miserable. Love is like a mirror. What you show to yourself and the others reflected on you. But what LOVE can really brings us? [Ranked 82 - Struggle] [Ranked 5 - Sur...