Kinabukasan maaga ako nagising, matapos kong gawin ang morning routine ko at ayusin ang sarili ko nag pasya na akong lumabas sa kwarto ko,,
Di pa naman ako nagugutom kaya sa garden na muna ako didiretsyo,
Agad sumilay ang ngiti sa aking mga labi ng Makita ko ang ibat ibang klase ng bulaklak na halos sabay sabay namukadkad,
" Ang gaganda nyo naman, sana palagi lang kayong ganito,, alam nyo ba gumaganda lagi ang araw ko kapag nakikita ko kayo" sabi ko sa kanila, kahit alam kong di sila sumasagot siguro naman alam nila kong anu ang sinasabi ko, ,
Matapos kung pagmasdan at kausaping parang baliw ang mga bulaklak ,medyo nangawit ako kaya mag stretching muna ako,,
Basic lang na galaw ng exercise
Tinuturuan kasi kami ng mga basic exercises nung nag momodel pa ako, kunting banat lang ng braso ,bend ng tuhod,kembot kembot ng bewang ,stretch stretch ng likod "hay naka pagod" matapos kung mag papawis umupo ako saglit para mag pahinga,
Mag dadalwang linggo na ako dito, one week na lang,,siguro sapat na ang three weeks para sa sarili ko, kaylangan ko din naman kasi mag hanap buhay para matulungan sina mama, ayaw ko namang iasa sa kanila ang lahat,,
Nawala ako sa pag iisip ng may dumapong paru paru sa kamay ko,
" Ang ganda mu naman" sabi ko, sabay naman ng pag lipad nya patungo sa mga bulaklak,,
Aalis na ako ng makita ko si jax na naka tingen saken mula sa bintana ng kwart nya,
Kanina pa kaya sya nakatingen saken,di naman siguro,, iniwas ko nalang ang tingen ko sa kanya at nag patuloy sa pag lakad,,
Sa kusina na ako dumiretso para uminom ng tubig,,"Oh iha bakit parang pawis na pawis ka?" Tanong saken ni tita loida ng madatngan ko sya sa kusina,,
" Galing lang po ako jan sa may garden,, nag banat lang po ng buto buto" naka ngiting tugon ko ,
"Ay sya sige,, mag palit kana muna ng damit mu baka matuyuan ka ng pawis at magka sakit ka" maalalahanin talaga si tita loida,,
"Sige po tita"
" Bumalik ka agad dito ng tayo ay sabay sabay ng maka pag almusal"
"Opo"
Nag paalam na ako at naglakad patungo sa kwarto ko,,
"Oh hi good morning" naka ngiting bati saken ni jax ng maka salubong ko sya sa may sala,
His handsome with his messy hair, wearing a white sando nag susumigaw ang mga mussels nya, i Wonder kung ilan ang abs nya,, and his smile parang model ng toothpaste parang ang sarap nyang ikiss,,"Are you ok?" Nag aalangang tanong nya,,
Para naman akong nahiya bigla,, pinag nasaan ko ba sya,, no way!!
Tinikom ko bigla ang bibig kong diko alam na naka buka na pala,
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako sumagot sa kanya,,"I-im ok,, same to you" sabi ko na di pinahahalatang kinakabahan ako,,
"Same to you?"" Takang tanong nya,,
Di pala nya nagets,,"Ah same to you,, you said good morning, so same to you ," paliwanag ko,,
Mukha namang nagets na nya,,"Ah ok" sabi nya habang natatawa at kumakamot pa sa ulo nya
Umalis naman kagad ako at nag palit na ng damit sa kwarto ko,
Agad din akong bumalik sa kusina,
Naabutan kong namang nag tatawanan sila,,"Naalala ko pa nga nung hinabol ng pato si ate di nya alam kung saan sya tatago eh,hahaha" sabi ni jax habang tumatawa na naka hawak pa sa tsan nya,,
"Eh ikaw naman halos sumuot kana sa palda ko dahil sa takot mu" si tita loida , habang tumatawa din,,
" Naka ihi ka pa nga sa short dahil sa takot mu eh" patuloy pa ni tita loida,
Diko naman napigilan ang sarili ko na matawa din,,
"Yaya loi naman bakit naman sinabi mu pa yun nakakahiya " sabi ni jax ng naka nguso,,
Natuwa naman ako sa expression ng mukha nya para syang si bess,
"Naku naku eh totoo naman, atsaka kami lang naman ni jessa ang nandito,, di namin ipag sasabi promise,, diba iha?" Sabi ni tita sabay kindat saken,,
Maluko din pala tong si tita,,kaya siguro maluko din tong si jax,,"Promise" sabi ko naman at tinaas pa ang kanang kamay parang nanunumpa,,
Tumingen naman saken si jax
"Promise,?" Sabi nya habang naka nguso padin,,"Promise nga ang kulit,, di bagay sayo" sabi ko sabay takip sa bibig nya,
Na realize ko naman ang ginawa ko kaya agad ko din inalis ang kamay ko, shock's nakakahiya,
Nag paka ngiti naman ng tudo ang loko, labas pa ang mapuputi at pantay pantay nyang mga ngipin,,"Oh sya tama na yan,, kumain na tayo" sabi ni tita loida,,
Tahimik lang kami hanggang sa matapos ang pag kain,,
Ako na nag presintang mag hugas ng pinag kainan namen,Matapos kung mag hugas, napag pasyahan kong mag punas ng mga gamit sa sala,
Habang nag aayos ako nakita ko ang isang lumang photo album,,
Tiningnan ko ito isa isa,,
Sa unang litrato nakita ko ang isang family picture,,
Ito siguro ang mama at papa nya,
Ate nya siguro itong batang babae at sya itong baby na hawak ng isang matandang babae,, cute nya pala nung baby pa sya hanggang ngayun,,
Marami ko pang nakitang mga pictures, karamihan mga baby photos nya, kasama mama nya,,
Matapos kung makita ang laman ng photo album, ibinalik ko rin ito agad sa dati nitong pwesto,,Nakita ko si yaya loi na busy sa pag wawalis sa may gate,, andun din paka si jax,, binabawasan nya nyong malalagong damo sa tabi ng bakod,,
Dali dali naman akong lumabas para tulungan sila,,"Tulungan na po kita tita" presinta ko kay tita na nililinis ang mga damong tinabas ni jax,,
"Naku iha wag na may mga tinik dito,, baka mapano ka,,"
"Sige na po,, kaya ko naman po" pangungulit ko,
Wala din namang nagawa si tita loi,,"Wala na kasi ng babawas nitong mga damo dito,, halos mag iisang buwan ng may sakit si oscar yung mananabas dito" saad ni tita loida
"Ganon po ba" sagot ko nalang
Nakita ko naman si jax na pawis, na pawis na , kaya dali dali akong bumalik sa loob ng bahay para kumuha ng tubig at towel,,
BINABASA MO ANG
This Time With You
Romancea top model girl who transformed her self to a nerd girl,, #COMPLETED