part 20

17 8 0
                                    

Maghapon akong nag hintay sa kanya pero ni anino nya ay diko nasalayan,

Nakaramdam ako ng pag asa ng may naKita akong may papasok sa gate,, agad ko itong sinalubong,, pero nadismaya ako di pala sya,
akala ko sya,,
pero si tita pala,,

" oh iha,, parang maputla ka,, kamusta kayo dito"

"O-okay lang po" pinilit kong di pumiyok ,,

"Eh nasan si jax?" Tanong nya ng di nya nakita si jax sa loob ng bahay,,

"Umalis po ,may pupuntahan lang daw po" pag sisinungaling ko sa kanya,,

"Ah ganun ba"

"Tita mag papaalam na po ako, babalik na po akung maynila bukas" malungkot kong saad sa kanya

"Bakit iha may naging problema kaba dito" nag aalalang tanong nya,

"Wala po, namimisss kona po kasi sina mama" tanging nasagot ko nalang,
Sa kabila ng  sakit na nararamdaman ko,

"Mamimiss kita iha,, balik ka dito ha,, lagi kang welcome dito" sabi ni tita na parang maluluha na,,

"Ikaw din po mamimiss po kita" sabi ko at niyakap sya,,

***

Matapos kong mag paalam kay tita, agad akong nag impake ng mga gamit ko,,
Nakita ko ang mantsa sa kobre kama ko,, tanda ng pag paubaya ko ng katawan at pagkababae ko kay jax,,
Agad akung napaluha dahil dun,,
Ang sakit sakit ng kalooban ko,,

Pinilit kong labanan ang sakit na nararamdaman ko,, kinuha ko ang kumot at kobre kama at nilabhan ko ito,,
Siguro natutulog na si tita,, nahihiya ako sa kanya,, ayaw kong isipin nyang diko sya nirespeto,na hinayaan kung mang yari saken to ng di nya alam ang namamagitan samen ni jax,,
Mabilis kong tinapos ang ginagawa ko ,,

Pag balik ko sa kwarto ko, napaupo nalang ako sa kama ko,,
Ayaw ko ng umiyak pa,, sawa na akong umiyak,,
Humiga ako at hinayaan ang sarili kong tangayin ng antok,

***
Maaga akong nagising,, at agad na inayos ang sarili ko,,

Nakita ko tita loi sa kusina,,

"Iha kumain ka muna bago ka umalis" yaya saken ni tita loi,,
Mamimiss ko sya ng subra

"Mamimiss po kitA tita loida , maraming salamat po sa lahat lahat"

"Ikaw din iha napa mahal kana saken, mag iingat ka ha" malungkot nyang tugon saken

Matapos naming kumain, kinuha kona ang bag ko,,
Tumigil ako saglit sa may garden,, sa huling pag kakataon gusto kung makitA ang mga bulaklak na ito,,

Nagulat ako ng may iabot saken si tita,, isang maliit na Paso na may tanim na bulaklak na tulips,,

"Si jax ang nag tanim nyan" naka ngiting wika nya saken,,

Wala naman akong nagawa kundi ang tanggapin ito,,

Nag paalam na ako kay tita, sa huling pag kakataon ay niyakap ko sya,,

"Paalam po tita" naiiyak kong sabi sa kanya

"Mag iingat ka iha"

Sumakay na ako ng trycycle,
at sa huling pag kakataon sinulyapan ko ang rest na yun,, tanda ko pa ng unang dating ko dito,, akala ko isang dormitoryo ,, pero diko inakala na rest house pala yun,,
yung dahilan ng pag punta ko dito,,
yun din pala ang magiging dahilan ng pag alis ko,,

Masakit man ang kinahinatnan ng lahat pero nag papasalamat parin ako kasi kahit sa isang beses ng buhay ko, nakarating ako sa lugar na ito,, naranasan kong mabuhay ng   di iniisip ang sasabihin ng ibang tao,,
Dito ko naranasang mamuhay biglang si jessa na, di kilala ng maraming tao,, puno man ng pang huhusga pero nakaya paring lagpasan yun,
Si jessa na umibig sa isang lalaking nag paramdam ng kakaibang saya,na sa huli ay iniwan din sya,,

***

Ng makarating kami sa airport, nag pasalamat ako kay manong driver,,

Pumila ako sa kuhaan ng ticket,, kita ko ang mga matang naka tingen saken, tulad nang unang tapak ko dito,, panay pang huhusga din ang nakikita ko sa mga mata nila,, pero diko nalang sila pinansin,

Mabilis akung nag lakad papasok sa eroplano sa huling pag kakataon nilingon ko ang lugar kung saan namuhay ako bilang si jessa,,

"Good bye jax" bulong ko sa hangin ,,

Agad akong umupo sa bangkong nakalaan para sa aken,,

Ipinikit ko ang aking mga mata,, nakikita ko ang mukha ni jax, ang mga ngiti nya,
ramdam ko parin ang labi nya,,
Anu kaya ang dahilan bakit kaya nya ako bigla na lang iniwan ng walang dahilan,,,
Ramdam kong may tumabi sa upuan ko diko na lang pinansin,

"Jessa"
  Napamulat ako ng marinig ang pangalan ko ,, napatingen ako sa taong katabi ko,,

"Sorry sa mga ginawa ko" naka yuko nyang saad,,

"Sorry kasi tinarayan kita" dugtong pa nya,,

"Okay lang yun kate" naka ngiti kong sabi sa kanya

"Babalik kana ng maynila,, tapos naba ang bakasyon mu ?"

"Oo eh,, kaylangan ko ng bumalik at harapin ang buhay ko sa maynila,, ikaw saan ka pupunta?" Tanong ko

"Sa tito ko sa bulacan,, inalok nya kasi akong mag aral dun,, sayang naman kung tatanggihan ko"

"Ah ganun ba,, good luck sayo ha"

"Alam mu ngayun lang kita na titigan pero parang may kamukha ka , diko lang alam kong sinu pero parang pamilyar ka saken" sabi nya habang titig na titig sya saken na parang may inaalala,

",, sinu naman ang magiging kamukha ko" natatawa kong saad sa kanya

"Hindi eh"
Tinanggal nya ang salamin ko at tinakpan ang makapal kong kilay,,
Hinayaan ko naman sya sa ginagawa nya,,
Ng bigla syang ngumiti,,

"I know it,, ikaw nga si shar_,'" tinakpan ko ang bibig nya,,

"Sshhh wag kang maingay , secret lang natin to" bulong ko sa kanya,,

"Talaga ikaw nga,, alam mu bang idol na idol kita" kinikilig nyang sabi,,
Pansin kong bigla syang natahimik

"Bakit may problema ba bakit natahimik ka jan?"

"Eh kasi nahihiya ako sayo,, naisip ko nung time na,, pag malditahan kita,, diko alam na ikaw pala yun"

"Anu kaba ok lang yun, basta wag mu ipag sasabi na ako ito ha"

"Sige promise,, pero teka nga,, kung ikaw si " tumingen muna sya sa paligid bago nya ituloy ang sasabihin nya,,

"Kung ikaw yan, ibig sabihin ikaw at si jax ay magka alam muna"
Nakuha ko naman agad ang gusto nyang iparating

"Naku hindi,, di nya alam na ako to,, diko nga alam na sa kanila palang rest house nag tatrabaho si tita loi" paliwanag ko

" Ah sayang naman bagay pa naman kayung dalawa,,"

"Eh diba may gusto ka sa kAnya" nabigla naman sya sa sinabi ko

" Oo may gusto ako sa kanya,pero nuon yun, matapos yung araw na yun natauhan na ako"
Alam ko yung sinasabi nya yun yung time nahinalikan nya si jax,,

"Nasan na ba si jax umalis narin ba sya?" Tanong nya

"Ah oo kahapon pa"

"Bakit di nalang kayo nag sabay paalis?"
Dami naman nyang tanong,,

"Hinintay ko pa kasi si tita loi na makabalik"

"Ah ganun ba,, sensya na ha masyado akong matanong" kamot  sa ulong sabi nya

"Ok lang," naka ngiting tugon ko naman sa kanya,,

kwento Lang sya kwento habang nasa byahe kami,, di nga namen namalayan na malapit na pala kami bumaba,,

Naki pag selfie pa nga sya bago kami bumaba ng eroplano,,

So this is it ,,

Welcome back Sharry !!!

This Time With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon