Jax POV
Nang malaman kung may sakit si jessa bigla akong nag alala di dahil sa nakokonsensya ako kung di dahil sa ayaw ko syang mag kasakit,, sa araw araw na kasama ko sya, unti unti ding napapalapit ang puso ko sa kanya,,
Tuwing nakikita ko syang masaya habang nag tatanim, naalala ko sa kanya si mama,,
Sa kanya lang din ako nag open up ng nararamdaman ko,,nung yakapin nya ako, nakaramdam ako ng kapanatagan, yung yakap nyang yun ang nag patunay na mahal ko na sya,,Nag sabi ako kay yaya na ako na ang mag luluto ng pag kain ni jessa,, hinayaan nadin nya na ako ang mag bantay kay jessa,,
Pag pasok ko sa kwarto nya, nakita ko syang mahimbing na natutulog,, dinama ko ang noo at leeg nya, mataas ang lagnat nya,, kumuha ako ng bimpo at dahan dahan kong pinunasan ang mukha nya,,
Pinag masdan ko ang kanyang mukha ,,kita ko ang kabuoan ng ng mukha nya,, wala syang suot na salamin , bahagya ding naka kunot ang dalawa nyang makakapal na kilay,,
Maganda sya,, ang hugis puso nyang mukha, ang matangos nyang ilong, mahahaba ang kanyang pilikmata, mapula at manipis ang kanyang mga labi,, maputi at makinis ang kanyang kutis,, bakit tinatago nya ang ganitong ganda,,
Parang nakita ko na sya, di lang ko sigurado kung saan pero parang pamilyar sya saken,Kumuha ako ng bangko, umupo ako sa tabi ng kama nya at hinawakan ang kamay nya,, nanginginig pa ako ng hawakan ko ito, malambot ang kamay nya halatang di sanay sa mga gawain,,
Hinayaan kung tangayin ako ng antok habang hawak parin ang kamay nya,,Ng magising ako, sinalat ko agad ang noo nya,, medyo bumaba na ang lagnat nya,, nakita ko syang nag mulat ng mata,, napa ngiti ako ng makita kong saken sya naka tingen, mukha namang di sya nagulat sa presensya ko,,
Agad akong lumabas upang initin ang pagkain nya,, agad ding akong bumalik dala ito pati narin tubig,,Hinayaan ko lang syang kumain,,
Diko mapigilang titigan sya, kahit makapal ang kilay nya, litaw parin ang maganda nyang mukha,, kahit naka suot sya ng brace , parang nang aakit ang mga labi nya,,Tinanong nya ako kung bakit ako ang nag alaga sa kanya, sinabi ko na lang na nakokonsensya ako,, pero ang totoo may iba akong dahilan, oo mahal ko na sya,, ngayun lang ako nakaramdam ng ganito,,
***
Kinabukasan naabutan ko sya sa kusina na parang tulala tinatanong ko sya pero di sya sumasagot, pumunta ako sa harap nya,, mukha naman sya nabigla,, nakakatuwa ang expression ng mukha nya ang cute nya kasi,,
Nagiging bisyo kona yata ang titigan sya,,, napansin nya siguro kaya mabilis syang tumayo at lumapit kay yaya,
Napatungo nalang ako na natatawa sa sarili ko,, ganito naba ako ka praning sa kanya,,Tahimik lang kaming kumain ng ma pansin ko na parang may gustong syang sabihin,, ng biglang may tumawag kay yaya,, medyo nalungkot naman ako ng malaman na pumanaw ang pinsan ni yaya,, medyo nakaramdam din ako ng saya ng malaman kong kami ni jessa ang maiiwan dito, mas lalo ko syang makakasama nahihiya kasi ako kay yaya kapag nakikita nyang nakatitig ako kay jessa pero di naman sya nag tatanong saken,,
Nang makaalis si yaya, tinanong ko si jessa kung anu ang gusto nyang sabihin,, di kasi natuloy yung sasabihin nya,, nagawa ku ding itanong sa kanya ang matagal kunang gustong malaman kung bakit sya nandito anung dahilan nya,, nong una parang nag aalangan pa sya kung sasabihin pa nya,, pero sa huli ikwenento na nya saken ang dahilan,
Nalungkot ako ng malaman kong dahil pala sa lalaking minahal nya pati narin ang tungkol sa papa nya,, diko alam ang gagawin ko ng makita ko syang umiyak,, natagpuan ko nalang ang sarili kong naka yakap sa kanya,, kahit ako nagulat sa ginawa ko,pero ng maramdaman kong di sya umangal mas lalo ko pa syang niyakap, hanggang sa naramdaman kong panatag na ang pag iyak nya,sya narin mismo ang umalis sa yakap ko,, pinunasan nya ang luha nya at ngumiti,, kahit kabadong kabado ako nagawa ko ding sabihin ang nararamdaman ko, alam kung nagulat sya pero handa naman akung mag hintay,,
BINABASA MO ANG
This Time With You
Romancea top model girl who transformed her self to a nerd girl,, #COMPLETED