Jax POV
Pagising ko kanina umaga,, dumiretso ako sa may bintana at binuksan ang kurtina,,
Pag tingen ko sa may garden nakita ko si jessa na parang kinakausap ang mga bulaklak,,
Para syang si mama bigla naman akong nalungkot ng maalala ko si mama,,
Pinag masdan ko lang sya mukha namang di nya ako napapansin,
Nakita ko syang umupo sa bench na parang tuwang tuwa sa mga nakikita nya,,
maya maya tumayo na sya,, agad akong tumago baka makita nya ako,, ilang saglit pa sinilip ko ulit at andun pA nga sya,, nakita ko syang nag eexercise, napangiti naman ako habang pinanonood ko sya,
Siguro kung di sya ganyang mag suot ng damit,kung babaguhin nya ang style nya sigurado ako sexy sya at maganda, napangiti naman ako sa naiisip ko,,
Maya maya pa umupo na sya sa bench,napagod siguro
Sinu naman kaya kinakausap nya mukha kasing nag sasalita nanaman sya ng walang kausap,,
Parang may tinitingnan sya, sinundan ko naman ng tingen yung tinititigan nya,
Pati paru paru kinakausap nya siguro naboboring na sya dito kaya pati mga bulaklak at butterfly kinakausap nya,,
Nakita ko syang tumayo at mukhang aalis na ng biglang mapatingin sya sa direksyon ko,, agad din naman nyang inalis ang tingen nya at agad na pumasok sa bahay,,Pag alis nya, bumalik ulit ako sa kama ko,,
Gusto ko syang makilala pa , I know may something dun kay jessa,Ilang saglit lang ng mag pasya akong lumabas na, pag dating ko sa sala naka sa lubong ko si jessa, mukha ngang nagulat pa sya saken,, binati ko ng good morning pero di ako sinagot, mukha naman syang nahiya ng tanungin ko kung ok lang sya,, natawa ako sa same to you nya, oo nga no di ko agad nagets yun,,
Naabutan ko sa kusina si yaya loi,
"Good morning yaya" bati ko sa kanya,,
"Good morning din iho, ganda ng gising mu ah" naka ngiting wika nya
"Syempre kasama kita ngayun eh" pag lalambing ko ,,
"Kaw talaga,, intayin lang natin si jessa at sabay sabay na tayo kumain"
Habang nag aantay kami , napag kwentuhan namen nung mga bata pa kami ni ate , takot kasi kami ni ate sa pato dati,,
"Naka ihi ka pa nga sa short dahil sa takot mu eh" sabi ni yaya loi na tumatawa
Nakaramdam naman ako ng hiya ng marinig kong tumatawa din si jessa,
"Yaya naman nakaka hiya" sabi ko habang nginuso ko pa ang labi ko,,
"Wala naman iba makaka Alam diba iha" baling nya kay jessa na kumindat pa,
"Promise" sabi ni jessa habang naka panunumpa pa
"Promise?" Tanung ko pa na sinadya kong lalong inguso ang labi ko
"Oo na nga, tigil mu na nga yan" sabi nya sabay takip nya sa bibig ko, mukha naman syang nabigla sa ginawa nya kaya tinanggal din nya agad
Napangiti naman ako sa kanya, kitang kita ko kasi nav namumula ang pisnge nya,,
Nag simula na kaming kumain,, panay ang sulyap ko sa kanya, kapag nakikita nya naman na naka tingen ako agad din syang umiiwas ng tingen,,
Natapos kaming kumain at sya ang nag presintang mag hugas,, tutulongan ko sana sya kaya lang baka lalo syang mailang saken at iwasan nya ako,,Dumiretso nalang ako sa garden,,
Nakita ko si yaya loi na may dalang itak,,"Yaya loi anu pong gagawin mu?" Tanong ko sa kanya
"Medyo malago na kasi ang damo sa may bakuran babawasan ko sana"
" Ako nalang po yaya ang tatrabaho nyan" sabi ko at kinuha sa kanya ang itak,,
" Sigurado ka iho" nag aalalang tanong nya
" Naku yaya ako pa ba, sayang naman ang ganda ng katawan ko"" pag mamayabang ko pa,,
" Naku naku, eh sya sige kaw na ang gumawa nyan," sabi nya,
Sinimulan ko naman ang pag tatabas,,"Yaya nasan po ba ang nag puputol dito?" Tanong ko habang nag tatabas padin
" May sakit kasi sya,, dinalaw ko nga nung nakaraang araw,nung dating mu dito" sabi nya, kaya pala di ko sya nadatnan dito nun,
Nag patuloy na lang ako sa ginagawa ko,,
" Tita loida tulungan na po kita"
Napalingon naman ako ng marinig ko si jessa" Naku iha wag na, masyadong matinik ang damo dito"
" Ok lang po kaya ko naman po" sagot nya,, napatingen naman sya saken at nginitian ko,
Nagpatuloy na ako sa ginagawa ko ,subrang pawis na pawis naku nakaramdam narinbi ako ng uhaw,
Pinupunasan ko ang mukha ko na puno na ng pawis ng makita ko si jessa na dali daling pumasok sa bahay,Ilang sandali lang ng makita ko syang may dalang tubig at towel,,
Una lumapit sya kay yaya loi at inabotan ng tubig,,
Pagka tapos lumapit sya saken at inabot ang towel pati narin ang tubig,
Napangiti naman ako sa kanya,," Thank you" sabi ko,
Sa dinami daming babae ang gumawa saken nito kapag nag lalaro ako ng basketball,, yung aabotan ka ng tubig at pupunasan ang pawis mu,
Bakit parang nung sya ang nag bigay ng tubig at towel parang big deal saken yun , parang may ibang galak akong nararamdaman,,"Welcome" sabi nya na naka ngiti,
This time yung ngiti nya mukhang di pilit,,natural na natural,, kahit naka brace sya ang ganda padin,, diko naman makita ang expression ng mata nya dahil sa malaking salamin nya,,Umalis na sya at bumalik na kay yaya loi,,
Nag patuloy na kami sa ginagawa namen hanggang sa maka tapos kami,,
" Sige mag pahinga na muna kayo, tatawagin ko na lang kayo kapag kakain na tayo ng tanghalian" si yaya loi,
" Tulungan na po kita tita dito" saad ni jessa
" Sige ikaw ang bahala" wika ni yaya loi
" Ako din" presinta ko din,
"Eh sya bahala kayo"
Nag balat ako ng gulay at hiniwa ito,
Napansin ko namang sumisinghot si jessa,"Umiiyak ka ba?" Tanong ko sa kanya
"Itong sibuyas kasi pinapaiyak ako" sabi nya habang sumisinghot pa na natatawa,
"Aray" sigaw nya
Dali dali ko syang nilapitan at tiningnan ang dumudugo nyang daliri,"Akin na kamay mo" sabi ko,
Hinipan ko ang sugat nya,," Pikaboo, pikaboo,,
Ayan gagaling na yan" saad ko sa kanya, napansin ko namang parang syang natatawa"Para saan un"? Natatawang tanung nya ,,
"Kapag nasusugatan ako nung bata pa ako,, ganun ginagawa ni ate para daw mabilis gumaling ang sugat,"
"Ah ganun ba?" Sabi nya sabay bawi sa kamay nya,,
"Wag ka kasing iiyak, yan tuloy dimo makita ang hinihiwa mu,, akin na ako na ang mag tutuloy nyan" sabi at sinimulan ng hiwain ang mga samya,,
"Nakakaiyak kasi yung sibuyas eh,," malungkot nyang saad,
"Naku niluluko lang kita,, ako din naman naiiyak kapag nag hihiwa ng sibuyas,, kaya ang ginagawa ko, matapos kung balatan hinuhugasan ko muna ito bago hiwain" paliwanag ko sa kanya,, at pinakita sa kanya ang paghiwa nito,,
Pero parang di effective parang naluluha na din ako,,
"Oh parang naiiyak ka, " sabi nya na natatawa
"Bakit ganon di effective yung ginawa ko" saad ko habang sumisinghot na din,,
"Anu ba naman kayo pag hiwa lang ng sibuyas nag iiyakan na kayu" natatawang sabi ni yaya loi,,
Di narin namen nipigalang matawa,, naging masaya ang pag luluto namen hanggang sa makatapos kami,
Sana ito na ang simula para makilala pa kita jessa
BINABASA MO ANG
This Time With You
Romancea top model girl who transformed her self to a nerd girl,, #COMPLETED