part29

17 6 0
                                    


" Tita loi, magandang umaga po"

" Maganda umaga din iha,, bakit ang aga mung nagising"
Sinadya kung umaga ng gising ,,gusto kung maka usap si jax,,
Mali ako ng iwan ko sya kagabi ,,

" Tita nakita nyo po ba si jax?"

" Naku iha umalis din agad sya kagabi,, natakot nga ako kasi mukhang wala sya sa sarili nya,"
Anu umalis na sya,,
Tinupad nya ang sinabi nya na hahayaan nya ako kasi naka pag paliwanag na sya,,

"Naka pag usap na ba kayo?"

" Pinaliwanag nya na po saken tita,,pero binaliwala ko sya,, kasalanan ko po ang lahat"
Naiyak na sabi ko

" Iha wala kang kasalanan,, ayusin nyo ito,, "

"Salamat po tita"

***

Kinabukasan din bumalik na kami ni bess ng manila,, kasama nadin namen si tita loi,,

Binigay ni tita loi saken ang cellphone number ni jax,,
Pero diko magawang tawagan o etxt sya,,
Natatakot ako baka di nya ako mapatawad,, nahihiya ako sa kanya,,

" Mommy are okay?"

" Baby,, are you happy with mommy?"
I ask him, while holding him in my arms,

" Of course mommy"

" What if makita mu ang daddy mu?"

" Nag kita na kami ni daddy mom"
Tama nga ako nag kita na sila

" Can you tell me, kung panu mu sya nakilala?" Curious kong tanong

" In America,, nung nasa work ka,, i saw him standing outside in our gate,, i ask him who he is , sabi nya his my daddy,, but he told me na wag ko sabihin sayo,, lagi syang nag bibigay ng mga toys saken" he said ,, nakita ko kung panu kuminang ang mga mata nya habang nag kukwento saken,,

" Sya rin ba ang nag bigay sayo ng mga toys mu sa mall?"

" Yes mommy,, he told me its only our secret baka daw kasi magalit ka,,
Mommy are mad at daddy?"
Nabigla ako sa tanong nya,

" No baby,, I'm not mad at him"

" But why his not with us,,?"

" Mahirap ipaliwanag baby,, but promise gagawa ng paraan si mommy para makasama natin ang daddy ha"

" Promise?"

" Promise baby"
Niyakap ko sya ng mahigpit,

Pangako anak  gagawin ko ang lahat para makasama ang daddy mu,,

Matapos kung malaman ang lahat naisip kong marami akong nasayang na oras,, maraming naaksayang oras at panahon na sana nakasama ng anak ko ang ama nya,, para kung inagawan ng kasiyahan ang anak ko,,
Nag padala ako sa galit at takot ko,, sana pala noon pa nalaman ang lahat eh di sana noon pa lang naayos ko na ito,,

Pinatulog ko muna si zack bago bumaba sa kusina,,
Kumuha ako ng tubig sa ref 
Nag punta ako sa veranda at doon umupo,,

Napako ang paningin ko sa bulaklak na nasa bakuran namen,, diko ito napansin nung unang dating namen dito,,
Tumayo ako at lumapit dito,

AkalA ko wala kana,, pero heto ka patuloy parin na nabubuhay at lalong lumalago,,
Parang pag mamAhal ko sa kanya ,, akala ko nawala na pero heto at sya parin ang sinisigaw ng puso ko,,

"Itinanim ko iyan Jan nung Makita ko sa kwarto mu"
Si mama habang nakatingin saken mula sa veranda,,

" Salamat ma kasi inalagaan mu sya"
Sabi ko ng makalapit ako sa kanya,,

"Nagka usap na ba kayo anak?" Alam ko ang tinutukoy ni mama

" Naka usap ko na po sya pero,,diko sya pinakinggn ma,,
Huli na ng malaman ko ang lahat"

" Anak di pa huli ang lahat,, anak wag ka sanang magagalit,,"

"Bakit ma anu po yun? May alam din po ba kayu?" Nagugulohan na tanong ko

" Isang linggo ng umalis ka patungo sa America,, nag punta dito si jax"
Pati din sila ,, noon pa man alam narin nila ang lahat,,

"Anak, umiiyak sya nun,, pinaliwanag nya samen ang lahat,,
Tinanong nya kami kung nasaan ka pero diko agad sinabi"
Bakit hinayaan ko itong mangyari,, iniisip ko pa lang ang itsura ni jax habang umiiyak sa harap ni mama,, parang winawasak na ang puso ko,,

" Nag pabalik balik sya dito anak,, di sya tumigil hanggang diko sinasabi sa kanya kung nasan ka,, nakita ko ang pag hihirap at ang kagustuhan nyang makita ka,, kayat sinabi ko narin sa kanya kung saan ka matatagpuan,,pero sinabi ko sa kanya na huwag ka nyang guluhin muna,, sinabi ko sa kanyang wag sya mag pakita sayo,,at nangako sya kapalit ng address mu sa America"

Di ako makapaniwala sa narinig ko mula kay mama,, sya ang dahilan kung bakit di nagawang lumapit at mag pakita saken ni jax,, sya ang dahilan kung bakit sa loob ng apat na taon lumaking di nakasama ni zack ang ama nya,,

" Ma bakit, bakit mu hinayaang mang yari samen to,, dahil sa ginawa mu para mu naring tinanggalan ng ama si zack,, apat na taon ma,, apat na taong lumaki ang anak ko na walang ama,, apat na taon akong nag tanim ng galit kay jax,," sigaw ko sa kanya,, diko matanggap na sya mismo ang dahilan ng lahat ng ito,,

" Anak patawarin mu ako,, iniisip ko lang ang kalagayan nyo ng apo ko"

" Ma naman, alam mo noon pa man na gusto kong magkaroon ng buong pamilya,,ayaw kung gumaya saken si Zack na  nag hahanap ng pag mamahal ng ama,, sana ma inisip mu muna ang mararamdaman ko bago mu ginawa yun,, di lang ako ang nahirapan ma,, pati narin si zack at higit sa lahat si jax"  mabilis ba kumawala ang mga luha ko na parang dina na ubos ubos ,,

" Patawarin mu ako anak,, kasalanan ko ang lahat" kita ko ang pag sisi sa mga mata nya,,

" ma bakit di mu agad sinabi saken ang lahat,, bakit umabot pa ng apat na taon,," umiiyak ng tanong ko

" Kung alam mu lang kung ilang beses kong tinangkang sabihin sayo ang lahat,, pero pinangunahan ako ng takot,, ayaw kong magalit ka saken anak"
Umiiyak narin na sabi nya,,

" Ma,, alam mu naman na kahit anung mangyari pipiliin ko pa rin na intindihin ka,, sana lang ma dimu na pinaabot ng ganito katagal,, "

"Patawad anak,, patawarin mu ako"

Diko kaya na makitang umiiyak si mama,, kahit anung mangyari sya parin ang nanay ko,,diko kayang mag tanim ng galit sa kanya,,
Nilapitan ko sya at niyakap
Alam kong  May kasalanan din ako sa lahat ng ito,,

" Ma wag ka ng umiyak,, di ako galit,, okay na po ma,, aayusin ko po ito ma,, gagawa ako ng paraan para maka usap ulit si jax"

"Salamat anak, pangako hihinge ako ng tawad kay jax"


Akala ko nalaman ko na ang lahat mula kay bess, pero yun pala meron pang mas matinding sekreto ang malalaman ko,, mas naging malinaw na saken ang lahat,,
Sinadya ni tito na dalhin si zack sa mall para magkita si zack at ang daddy nya,,

Sa lahat ng nalaman ko, nag papasalamat parin ako dahil, kahit papano alam ko naging malapit ang anak ko sa ama nya,, na gumawa parin ng paraan sina mama para magkakilala ang dalwa,,




This Time With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon