part27

16 6 0
                                    


"Bess ready kana"

"Magtagal kona tong pinag handaan "

" Ok "

Nag anunsyo na ang iroplano sa pag landing,,inayos kona ang sarili at gamit ko,,

Pag baba ng eroplano banayad ang simoy ng hangin waring nag we welcome saken sa pag bisita kong muli dito,,
Nag patuloy kami ni bess hanggang makasakay kami sa isang van,,

" Dito na tayo sumakay ayaw kung maki pag siksikan dun" sabi nya,
At sinabi sa driver ang address ng pupuntahan namen,,

Diko magawang ipikit ang mga mata ko,,lalong gumanda ang tanawin dito, nilingon ko si bess at ayun mukhang natutulog na,, sana lang di mag tampo ang soon to be husband nya saken kasi inagaw ko yung time nila ng pagiging mag boyfriend at girlfriend,,6days na lang kasal na ni bess,, Magiging misis na sya , na meet kona rin ang boyfriend nya at masasabi kong ang swerte nila sa isat isa,,

Unti unti nagiging pamilyar na saken ang daang tinatahak namen,, ilang saglit lang tumigil na ang sinasakyan namen,,

"Bess wakeup where here na" gising ko sa kanya

" Ahmmm ok lets go"

Ako na ang nagbayad sa driver, mukha kasing nag mumungaw mungaw pa si bess,,

Pag tapat namen sa gate,, nakaramdam ako bigla ng kaba ,,
I need to do this for zack,, sisimulan ko ito dito,, i know si tita loi lang ang mapag tatanongan ko about kay jax,,

" Tita loi"sigaw ni bess,
Di agad ako naka galaw ng makita ko ang pamilyar na lugar na ito,, ang lugar kung saan nag simula ang lahat,

"Bess halika kana dito"

"Si-Sige" dahan akung pumasok,, diko alam ang nararamdaman ko,,halo halong imusyon saya at kaba,,

" Iha ikaw na ba yan?" Tanong ni tita loi saken na parang tuwang tuwa na makita ako,,.

" Tita loi,," sabi ko at agad na yumakap sa kanya,,

" Im sorry tita loi" sabi ko na umiiyak

" Iha wag kang umiyak,,wala ka dapat ihinge ng tawad " malumanay na sabi nya,

Halata na sa mukha nya ang pag tanda, nag alala tuloy ako kung meron ba syang laging kasama dito,,

" Kasi diko po nasabi kung sinu talaga ako"

" Naipaliwanag na saken nitong si jane ang lahat"

Tumingen ako kay bess at nginitian nya lang ako,,

"Hali na kayo sa loob, alam kung nagutom kayo sa byahe" aya ni tita loi,,

Nag hahanda ng pagkain si tita loi,,
Wala paring pinag bago dito sa lugar na ito, isip ko habang nililibot ang paningin ko sa loob ng kusina,,

" Kain na kayo"

Nag simula na kaming kumain ni bess, habang nag kukwento sya kay tita loi about sa wedding nya,,

" Tita pag balik namen sa manila sumama kana samen ni sharry ha"  wika ni bess

" Mag papaalam muna ako iha"

" Tita gusto ko rin sana sabihin na di kana babalik dito"
Napatingen ako bigla kay bess, alam ko kung ganu ka importante kay tita ang lugar na ito,, tinuring nya na ito na sarili nya at hindi na sya iba sa mga amo nya,,

"Pero di ako pwede umalis dito"

" Tita ma edad kana,, tama na siguro yung taon ng paninilbihan mu dito,, pag naikasal na kami gusto ko samen kana tumira"

Hindi na ako sumabat sa usapan nila, nakinig nalang ako,,

" Dito na ang buhay ko, sana maintindihan mu" malungkot na saad ni tita

" Kakausapin ko sya tita,, hayaan mung alagaan naman kita"

Hindi na muling nag salita si tita,, alam kung nalulungkot sya,, pero tama si bess, maedad na si tita,, kaylangan na nyang may mag alaga sa kanya,,

Natapos kaming kumain, sinadya kung mag paiwan dito sa kusina para kausapin si tita,,
Si bess nauna nang pumasok sa kwarto,,

" Tita wag po kayung magalit pero tama po si bess,, iniisip nya lang po ang kalagayan mu"

" Alam ko iha, parang ang hirap lang isipin na iiwan ko ang lugar na ito,, halos andito na ang kalahati ng buhay ko".

" Naiintindihan po kita,, pero di naman po habang buhay na lang kayung nandito" paliwanag ko

"Alam ko yun,, susubukan kung mag paalam" sabi nya at umupo na sa tapat ko

" Ahm tita loi pwede po bang mag tanong, tungkol po sana  kay jax"

" Alam ko na iha ang nangyari sa inyo,, alam ko na bago ka umalis may nangyari sa inyo ni jax" napatingen ako sa mukha ni tita,, sinabi ba sa kanya ni jax,,

"Bago pa sabihin saken ni jax alam kona,, " dugtong pa nya

"Pa-papanu nyo po nalaman?"

"Nag iwan ka ng ebedinsya iha" mukhang natatawang sabi nya

"Nagulat ako ng makita ko ang kobre kama at kumot mu na naka sampay ng umalis ka"
Nagulat ako sa sinabi nya,,
Oo nga nakalimutan kung kuhain yun bago ako umalis,,

"Sorry po kasi nangyari yun" naluluha kong sabi sa kanya

"Wala kang nagawang mali iha,, alam ko minahal mu sya"
Hinawakan nya ang kamay ko

"Hindi dapat ako ang magsabi sayo kung anu ba talaga ang nangyari noon,, marapat lang na si jax ang mag paliwanag sayo,, alam kung kaylangan mu yun para maliwanagan ka at maayos kung anu man ang meron sa inyo"
Maraming pumasok sa isip ko,, dapat ko bang malaman ang dahilan,, matatanggap ko ba ang dahilan nya,

" Naiintindihan ko po" yun lang ang tanging nasabi ko,,

Matapos ang naging pag uusap namen ni tita,. Nag pasya akong mamasyal dito sa garden,,
Napansin kung lalong dumami ang mga tanim na bulaklak dito,
Nakakatuwang isipin na  sa loob ng apat na taon magagawa ko ulit bumalik dito,,

Umupo ako sa bench,, kahit ito di parin nag bago,, pahapon na  kaya dina masyado mainit ang araw,,
Pinag masdan ko ang pag lubog ng araw mula dito sa inuupuan ko hanggang sa unti unti ng mag dilim,,

Pakiramdam ko may nakatitig saken,, pero pag tingen ko sa paligid wala namang tao, baka guni guni ko lang, 
aalis na sana ako ng biglang may pumigil saken,,

"Can we talk"
Sa isang iglap naka ramdam ako ng kaba,,ang boses na yun, di ako pwede mag kamali ,,

"Ja-jax?"

Anung ginagawa nya dito,, bakit sya nandito,, diko alam kung anung gagawin ko,, bigla akung di naka galaw sa kinatatayuan ko,, sa apat na taong naka lipas naramdaman ko ulit ang sakit sa puso ko,, sumariwa ulit sa puso ko ang sakit ng iwan nya ako,,

Kaylangan kong maging matatag ayaw kung umiyak sa harap nya,, kaylangan kung ipamukha sa kanya na ang iniwan nya noon ay ay nag bago na,,

This Time With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon