part3

29 13 0
                                    

Andito na kmi sa airport, si bess na lang ang nag hatid saken sabi ko kasi kana mama na wag na sila sumama,, may pasok kasi ai angel at lyka may work din si tito,,tatawag nalang ako sa kanila pag naka dating nako dun,

"Bess natawagan ko na si tita,, sinabi kona sa kanya na darating ka , wag ka magalala diko sinabi kung sinu ka talaga,," sabi ni bess habang inaayos ang buhok ko,,

"Di talaga ako sanay na ganito itsura mu" patuloy parin nya na nka simangot na,

"Bess naman,," sabi ko nalang

" Joke lang, alam ko namang ikaw parin yan kahit mag bago pa itsura mu,, maiingat ka dun ha"

"Oo naman, salamat bess" sabi ko sabay yakap sa kanya,,

" Oh sige na , sakay kana" saad nya sabay bitaw sa pag yakap saken

"Bye bye bess" paalam ko sa kanya,,
kita ko na kumakaway parin sya,, kaya nag patuloy naku,,

This is it sharry, sabi ko sa sarili ko,,

Nag tataka kayo kung saan aku pupunta,, sa palawan lang naman,, dipa sa ibang bansa,,
Napag desisyunan ko kasi na mag bakasyon muna,, alam ko kasi may kamag anak si bess sa palawan kaya sa kanya ako huminge ng tulong,,
Sabi saken ni bess yung tita nya namamahala ng isang dorm sa palawan kaya duon muna ako tutuloy,, madalang daw kasi ang pumupunta dun, medyo mahal daw ang upa kaya kunti lang ang nag estay dun,,may ipon din naman ako sa pag momodel kaya wala ako problema sa pang bayad,, matandang dalaga daw yung tita kaya mag isa lang ito sa buhay,,
Masaya daw ito ng sabihin nyang may pupunta na kaibigan nya sa kanila,,


"Fasten your seatbelt ang prepare for take off" anunsyo sa eroplano,,

Pag baba ko ng eroplano sariwang hangin ang bumungad saken,, ibang iba ito sa maynila,nakaka relax ang paligid,,

Nag patuloy lang ako sa pag lakad kasunod ng iba pang mga pasahero,,
Sabi ni bess susunduin daw ako ng tita nya, nag palingalinga naman ako para hanapin ang tita nya, napako ang tingen ko sa isang medyo maedad ng matanda siguro nasa 40s na ang edad nya,, may hawak itong karatola na naka sulat ay jessa,,
Agad akung lumapit sa kanya at nag pakilala,,

"Hello po ako po si jessa" sabi ko ng naka ngiti,,

Pinag masdan nya naman ako at ngumiti,,

"Ikaw ba yan iha,, ako nga pala si loida ,tawagin muna lang din ako tita loida" naka ngiti nyang saad,,

"Sige po tita loida"

Mabait si tita loida,, habang nasa byahe kami nag kukwento sya,, miss nya na daw si bess,, di manlang daw kasi sya dinadalaw nito,, sya pa daw ang lumuluwas para lang makita si bess,,
Buong byahe syang nag kwento saken, tinatanong nya ako kung anu palaging ginagawa ni bess dun sa maynila,, sya pala ang halos nag palaki kay bess kaya malapit talaga sya dito,,,

Di namen namalayan ang oras,,huminto ang sinasakyan namen,,at bumaba na kami,,
Kaylangan pa daw namen sumakay ng trycycle,,
Pinag mamasdan ko ang daan parang nasa isang baryo kami,, kaya siguro madalang ang umuupa sa dorm nila kasi medyo malayo ito sa bayan,,

Huminto na ang trycycle ,, pagbaba namen,, halos manlaki ang mata ko sa harap ko,, parang hindi isang dormitoryo ang nakikita ko,, isa itong malaking rest house, lalo akong namangha pag pasok namen,, ang ganda ng garden, sari saring bulaklak ang naka helera dito,,,

" Mahilig sa bulaklak ang pumanaw na asawa ng amo ko,, kaya pinapanatili namen itong maganda"
Nabalik ako sa ulirat ng mag salita si tita loida,,

"Akala ko po isa itong dormitoryo ,parang hindi naman po" nag tatakang tanung ko,,

"Oo dormitoryo nga ito dati,, pero ngayun rest house na,, madalang naman kasi ang umuupa dito,, kaya pina renovate nalang para maging rest House"
Nabigla naman ako sa sinabi nya,, panu ako nito,, kaylangan ko paring mag bayad ng upa dito,,

"Diko pa kasi nakukwento kay jane ito,, kaya siguro yun ang sinabi sayu" patuloy parin nya,,

"Yaan nyo po mag babayad parin ako ng upa dito,,"

"Naku iha kahit hindi na, buti nga at may makakasama ako dito, yung katulong ko kasi dito laging wala,, kaya naiiwan ako ditong mag isa" malungkot na saad nya,,

Para naman naawa ako  sa kanya,, sa laki nito ,,mag isa lang sya,,
Kumpleto nman sa bakod, wala namang basta basta maka pasok dito,, pero iba parin pag may kasama,,

"Di po ba umuuwi yung amo nyo dito?"

"Ah minsan lang yun umuwi,, ung amo kung lalaki busy sa negosyo,, yung anak naman nya yung isa busy sa pag aaral, yung isa nag tatrabaho na sa ibang bansa"

"Ah ganun po ba" saad ko nalang,

Pag pasok namen sa loob, ang ganda padin,, yung mga gamit halos lahat gawa sa kahoy,, ang gaganda ng design di sya pag modern pero,, nagagandahan ako dito,,

" Iha dito ka matutulog ako naman eh dun lang sa kabila nitong kwarto mu" sabi saken habang binukbuksan ang kwarto,,
Malinis at maaliwalas sa loob nito,, kumpleto na din,, may cr,, may tv,, may aircon,, may isang whole body na mirror,,

"Nilinis kona ito,, para sayo,, sige na mag pahinga ka muna,, alam kung pagod ka sa byahe,, tatawagin na lang kita mamayang tanghalian"
Paalam nya saken,,

"Sige po salamat" sabi ko at isinara ang pinto,,

Humiga ako sa kama at pinikit ang aking mga mata,, nakaramdam ako ng pagod at antok, ,,

Zzzzzzzzzz

Tok;

Tok

Tok

Naalimpungatan ako ng may kumatok sa pinto

"Iha halika na kumain na tayo"si tita loida pala,,

" Sige po susunod po ako" Naka tulog na pala ako ng diko namalayan

Tahimik lang kaming kumakain,,
Ang sarap ng luto nya, namiss ko tuloy bigla si mama,,

"Nagustuhan mu ba iha,,"

" Opo masarap po" naka ngiting sagot ko

"Buti naman,,paborito yan ng alaga ko,, kaya lang madalang na syang umuwi dito" bakas sa mukha nya ang lungkot,,

"Sino po,, ung po bang nasa ibang bansa?"

"Hindi,, si jax,, bunsong anak ng amo ko,, mula kasi ng mamatay ang mama nya madalang na syang umuwi  dito""

"Baka po busy lang sa maynila kaya di po masyado naka dalaw dito"

"Ewan ko sa batang yun" sabi nya na parang nag tatampo,,

Natapos na kaming kumain at nag presinta ako na ako na ang mag huhugas,, ayaw pa nyang pumayag pero sa huli napapayag ko parin sya,,

Napapaisip tuloy ako,,sinu kaya yung jax na yun,,,

This Time With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon