Chapter 1...Heather

39 0 0
                                    

October 16,2014,8:43 am, kakatapos ko lang magbayad ng tuition ko sa napakabagal na cashier sa school. Nagdecide akong kumaen sa isang fast food chain sa isang mall na malapit sa school namin, pero parang hindi naman fast sa sobrang bagal kumilos ng crew. Bumili ako ng Chicken Egg Muffin with Iced Mocha. Madami akong iniisip tulad ng; quiz namin sa isang subject namin na kung saan iyong professor namin ay nag-eenjoy sa pagpaparinig sa pagiging hopeless romantic ko, mga bagay na dapat isulat ko para matapos ko ang aking hopeless romantic na love story, itong bread na kinakaen ko na hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang texture nito at iniisip ko na ring sigawan ang lovers na nasa harap ko "Hoy ! Bawal PDA dito !" at kung bakit hindi akong magawang mahalin ng taong mahal ko.

Ako si Heather, 3rd year college sa isang private school na dinaig pa ang university. Patpatin, di gaanong katangkaran, masiyahin, kaen ng kaen pero kahit kailan ay hindi tumataba. Na iingit ang iba sakin kasi kahit anong kaen ko hindi ako tumataba habang ako inggit na inggit ako sa kanila, gusto ko rin namang tumaba at para pakasalan niya na ako "Pag tumaba ka, papakasalan kita", oh hindi ba ? may ganyan pa siyang alam, parang fraction, mas maganda when I am in my simplest form.

Nang makilala ko si Guy, nakahiligan ko nang magbasa ng mga librong patungkol sa mga Pseudo-relationships, mga hopeless romatic stories. Iyon ang binabasa ko kasi nakakarelate ako, "Oo tama, hopeless romantic nga ako". At eto, eto ang simple pero ginawang complicated na love story ko.

A love to disrememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon