2:07 pm , pauwi na galing Quezon . Two hours na lang at magkakahiwalay na kami .
Tapos yung tipong , so close yet so far pa ang peg namin .Yung ilang pulgada lang naman ang layo niya sakin,pero feeling ko kilometro talaga ang layo namin .
Gusto kong matulog sa balikat niya , hawakan ang kamay niya at gusto kong sumigaw na "DAHAN DAHAN LANG PO ! HINDI KAMI NAGMAMADALI!" . Naniniwala kasi ako na lagi nating dapat icherish ang bawat moment na kasama natin ang mga mahal natin sa buhay .Nakatitig lang ako sa kanya, napatingin siya sa akin.
Eto na eto na sumandal na ko sa balikat niya, hinawakan ang braso niya at natulog .
"Sana ganito na lang, sana dito na lang tayo, sana hindi na matapos to."
Parang kanta ni Yeng Constantino "Ayoko ng pumara kahit saan mapunta, ayoko ng pumara kung ikaw ang kasama"
Kung bakit kasi ang bilis lang ng araw . Yung apat na araw na parang isang araw lang para sa akin.Sana para na lang siyang souveiner, sa Souveiner shop, na kapag binili ko, mauuwi ko at matatawag kong akin .
Nakasandal pa rin ako sa kanya at nakahawak sa braso niya , tinignan ko siya , naluha ako , na alala ko siya ang view na hindi masakit sa mata
kundi sa puso pala.
