Sino nga ba itong taong mahal ko ? Siya si Steven, oh taray ! Heather at Steven kapag pinagsama Heaven. Gusto ko sanang isipin na match made in heaven kami, pero parang hindi, para kaming letter A because we are not meant to B.
Noong una, naiinis ako doon, ang yabang kasi. Na alala ko, tinanong namin siya kung papasok ba siya sa Prostat namin, sinagot ba naman kami ng "Hindi ko alam, basta ang alam ko, nakapagpapicture ako kay Donnalyn Bartolome!" and I was like "The hell we care boy?" siyempre sinabi ko iyon noong wala na siya.
Talented siya, maganda ang boses, magaling magbasketball, magdrawing, magpiano, magflute, magluto, magvolleyball, magflair at higit sa lahat magaling mag paFALL. Kung mayroon lang sanang awarding para doon, siguro MVP na siya, Most Valuable Playboy.
He is not a boyfriend material, paano ba naman kasi playboy, pa-twitums o pa sweet sa halos lahat ng girls. Once na laman niyang crush mo siya, BOOM! Hi broken heart. Murderer ng puso, kung may death penalty pa, iyon ang dapat sa kanya, sa dami ng pusong pinatay niya. Pero kahit ganoon siya, minahal ko siya, mahal ko siya at tanggap ko kung ano siya. Walang talab ang reversed bitterness ni Sir Ramon Bautista sa akin kasi lahat ng masamang ugali niya alam ko at tanggap ko. At eto na nga, ginagampanan ko na ang favorite role ng halos lahat ng babae, ang pagiging tanga. Sabi nga sa nabasa kong libro ni Marcelo Santos III, ang favorite hobby ng girls ay tanga-tangahan.
