Chapter 3... The start

14 0 0
                                    

October 16,2014, 9:55 am, halos isa't kalahating oras na ako sa Mcdo at hindi ko pa rin na uubos ang Iced Mocha ko na wala ng ice. Nasa second floor na ako ng Mcdo, pinipilt alalahanin ang lahat, nag-iisip kahit sobrang ingay sa paligid ng dahil sa mga schoolmates kong tuwang tuwa sa panunuod sa movie ni FPJ.

Nang dahil kay Saturday kaya kami naging close. Tuwing P.E namin laging nilalapastangan ang family name ko, pareho sila ng P.E instructor namin, ang hirap daw kasi ipronounce nang family name ko (kahit hindi naman talaga). Saturday, Bartending class namin, nag papractice siya ng flairing habang ako pinapanuod ko siya, ayon puro sablay then bigla siyang tumigil at sinabing "nanunuod ka kasi eh, kinakabahan tuloy ako." napangiti na lang ako at umalis.

Monday noon, nag set-up kami sa lobby ng school para sa second function namin, busy ang lahat, iyong iba nagpapractice para sa pageant, iyong iba sa pag seset-up, siya naman busy din makipagtwitums sa isang classmate namin. Habang ako, nagpipicture kasama ang mga kaibigan ko. Patapos na kami sa pag seset-up, rumampa siya sa stage, ginagaya niya iyong kaklase namin, noong titignan ko na ang ginagawa niyang pagrampa, huminto siya at biglang sinabi "ayaw ko na, nakatingin na si Heather, nahihiya na ako." napa-isip na lang ako, anong mayroon ?Ano naman kung nakatingin ako? Mahihiya ka lang naman kapag ang crush mo na ang nakatingin sa sayo.

Naging magka-close rin kami ng dahil sa Moonlight over Paris na kanta . Akala niya gaya-gaya ako ng favorite song . Well, if you are reading this story, for your information, bago tayo maging magka-close narinig ko na iyong kantang iyan .Iyon kasi ang pinatugtog ko noong nagbreak kami ni Robert .

Lumipas ang mga araw mas naging magka-close pa kami. Nagtataka na nga mga kaibigan ko dahil ang sweet namin. Para kaming mag boyfriend/girlfriend. May GIRLFRIEND siya that time. Si Sofie . Kaya mas lalo kaming na confuse .

Hanggang dumating na ang araw ng Tuesday . The moment of truth . . .

A love to disrememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon