"Literary analysis, case study, video, job interview, hotel documentation, report .
May dadagdag pa po ?""Moving On", Iyan ang comment ng ni Sir. Spidey sa status ko.
Actually, iyan ang gustong gawin.
Grabe noh ? Kahit ALMOST lang . Kahit hindi naman naging kami, pero kailangan kong mag move-on.
Hindi naman sa dahil sa pagod na kong mahalin siya o intindihan siya. Pero dahil siguro time na para sarili ko naman ang isipin ko. Masyado kong pina-ikot ang mundo ko sa kanya.
"Hindi mo ba siya na mimiss?"
"Na mimiss siyempre."
"Eh bakit hindi pa kayo magpansinan? Na mimiss ka rin noon."
"Wala lang. Kung namimiss niya ako, edi gumawa siya ng paraan para magpansinan kami."
Ganoon naman talaga di ba ? Minsan kailangan mo ring dumistansiya, para malaman mo kung mahalaga ka sa kanila.
Halos mag iisang buwan na hindi kami nagkikita o na kapag usap. To think na magkatabi lang naman ang room namin at hindi naman kalakihan ang school namin.
If you noticed the "?" sa title ng chapter na to, MOVING ON ? Question mark talaga kasi kahit ako hindi ko sure kung makakalimutan ko ang mga memories naming dalawa, hindi ko sure kung gusto ko ngang kalimutan na siya. Bakit ko gugustuhing kalimutan ang isang taong nagpasaya sa akin? Iyong taong nagturo sa akin na magmahal na walang inaasahang kapalit. Mag sacrifice.
"Everything happens for a reason.The people you are close to may not always stay in your life so you should treasure the memories but you have to keep forward. Life goes on even you are not ready."
