Sa Graceland resort in Tayabas City, Quezon kami nag stay sa last night ng vacation namin .
Maganda ang place so worth it ang biyahe , Close to nature , may man-made lake sila and different activies .Sa pool , magkakasama kami nina Rose at Jill , sumasayaw, natatawanan.
Nang-aasar na naman siya. Siyempre naasar ako , nang aasar nga diba ?
Pero matitiis ko bang di siya pansinin ? Malamang hindi . Siya lang naman gumagawa noon."Nakikiswimming rin yung insect" sabi ni Rose.
Kumuha siya ng net para matanggal yung insekto sa pool."Nag oojt ka dito?"
"Pwede ka na magtrabaho dito" sigaw namin sa kanya .Nakuha niya na yung isang insekto ,ipis pala . Nahirapan siyang kunin ang pangalawa , Catch me Im falling for you ang peg ng dalawang ipis.
Habang ako, nakaupo sa gilid ng pool,nag-iisip , humuhugot ."Buti pa ang ipis,pinaghihirapan niyang kunin, samantalang ako, ibinibigay ko na nga ang sarili ko sa kanya , I made my self too available for him pero wala pa rin ."
"Ayoko sanang isipin, ayoko sanang hilingin, sana ipis na lang din ako sa pool na iyon, para pinaghihirapan niya rin na makuha ako"
"Catch me Im floating for you"
