"Close your eyes, give me your hand darling, do you feel my heart beating ? Do you understand ? Do you feel the same ?"
Alam niyo ba iyong kantang iyan ?
Nasa bahay kami noon, kakatapos lang mag celebrate ng birthday ni Francis. Nag-overnight sila sa bahay.
Magkatabi kami, magkayakap. Tulog na iyong mga kaibigan namin. Nilagay niya iyong kamay ko sa dibdiba nia "Close your eyes, give me your hand darling, do you feel my heart beating ?" iyan ang peg. Na curious ako kung bakit niya ginawa iyon pero di ko naman natanong. Feeling ko may laman, may gusto siyang iparating sa akin na hindi niya masabi.
Naulit yung ganoon pangyayarri "Close your eyes, give me your hand darling, do you feel my heart beating ?" Di ko pa rin natanong kung bakit. Para saan ? Ewan ko ba kung bakit pero para sa akin MAGICAL, iyong parang way niya para masabi na, nasa puso kita, na mahal kita.
Naglakas lob na ako, tinanong ko na siya.
"Bakit ? Bakit mo ginawa iyon?"
"WALA LANG, parang nahihirapan lang akong huminga noon."
#ASSUMERA101