Chapter 6... Why can't it be ?

10 0 0
                                        

"Why can't it be ? Why can't it be the two of us ? Why can't we be lovers ? Only friends ?"

Bakit nga ba hindi maging kami? Okay naman kami. Magkasundo sa maraming bagay. Madami ding nag sasabi na bagay kami. Pero kahit siguro isang milyong tao pa ang mag sabi na bagay kayo ng taong mahal mo, kung ayaw talaga niya, kung hindi niya rin naman talaga nakikita kung ano ang halaga mo, wala pa ring kwenta iyon.

"Mahirap ba akong mahalin ?"

"Hindi ah, ewan ko ba diyan kay Steven kung anong problema niya."

Hindi naman daw ako mahirap mahalin eh. Nag eeffort pa nga ako eh. Kahit pagod, parang globe lang , Go lang ng Go kung para naman sa kanya. Kahit minsan, binabalewala niya ang mga effort ko iyong tipong paghihintayin ka niya tapos pagpapalit ka niya sa meteor garden o hindi kaya sa basketball. Pero kahit ganoon, wala siyang maririnig na sumbat sa akin. Hindi ko naman hinihiling na mahalin niya rin ako o mag effort rin siya, ang simpleng thank you niya lang naman okay na. Ganoon naman dapat di ba ? Wag kang mag expect na gagawin rin ng ibang tao ang mga bagay na ginagawa mo para sa kanila, para hindi ka masyadong masaktan "Less expectations, less hurt"

"Akin na lang yang hikaw mo. Dali na para couple earring tayo."

Tahimik lang ako, nasa foodcourt kami noon kasama ang mga kaibigan namin.

"Kaso hindi pala tayo couple, pero okay lang iyan mahal naman kita."

Hindi ako nakapagsalita, tama ba iyong narinig ko ? mahal niya daw ako ? mahal niya ako bilang ano ? bilang kaibigan o more than friends ? O tama nga ba talaga ang narinig ko ?

"Gusto mo bang maging tayo?"

Magkachat kami noon.

"Siyempre ! pero kung ayaw mo naman kasi di ba ?"

"kasi baka masaktan ka lang"

"hellow ? di ba mas masakit kung hindi ko alam kung ano ba talaga ako para sayo ? kung ano tayo , o kung may tayo"

"Special ka sa akin, at ayaw ko na masaktan kita, mas masasaktan kita pag naging tayong dalawa."

"Masasaktan lang naman ako kung hindi kita tanggap, eh kaso tanggap ko kita at hindi mo kailangang mag bago pa kasi mahal naman kita kahit ganyan ka."

Minsan iniisip ko, kung ako ba talaga ang ayaw niyang masaktan o iyong sarili niya. O kung totoo nga bang ayaw niya lang talaga akong masaktan.

"Parang siopao, akala mo special, iyon pala BOLA-BOLA"

A love to disrememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon