Chapter 5... Suddenly, I was all about him

13 0 0
                                        

Time check, 4:45 pm sa school. Nakapatay ang mga ilaw, nanunuod kasi iyong mga kaklase ko ng " Go ! Go sexy ! Go sexy, sexy love" (She's Dating the Gangster) habang ako, tulala, nag-iisip.

Break time. Nasa loob lang ako ng room, naka-upo at gamit ang pink laptop ko na bigay sa akin ng papa ko. Biglang lumapit si Jill, ang kaibigan ko.

"Bro, gawa kami n documentation sa inyo."

"Di ba nga aalis po ako, hiramin niyo na lang ang laptop ko."

"Di na kasi pwede sa bahay at sabi niya doon daw sa bahay niyo para makasama ka niya." (Aba'y inuuto pa ako.)

"Aalis kasi ako eh."

Lumabas siya at pagbalik niya kasama niya si Steven. (Alam na alam ang kahinaan ko.)

"Sige na, payag ka na"

Tahimik lang ako.

"Sige na, payag ka na ha. Tara na, okay na iyan."

Paglabas nila, I was like "Ganoon talaga siya ka confident ? Porket alam niyang mahal ko siya at di ko siya matitiis?! Ay na ko !" Natawa na lang ang kaibigan namin sa sinabi ko.

Bawat ngiti na makikita mo sa akin, lahat ng iyon ay dahil sa kanya. Makikita na lang ako nga mga kaibigan ko na nakangiting mag-isa at alam na nila iyon kung bakit.

"Nakangiti ka na naman diyan."

"Baliw to, nakangiting mag-isa."

"Katakot to, bigla biglang ngingiti."

Iyan ang mga sinabi nila. Dapat kasuhan ko na siya n trespassing eh, bigla bigla na lang pumapasok sa isip ko.

Hindi naman siya orbit, pero sa kanya umikot ang mundo ko. Bawat galaw ko, na aalala ko siya, bawat ngiti at lungkot ko siya ang dahilan. Suddenly, I was all about him. Kahit hindi dapat, kahit alam ko sa umpisa pa lang masasaktan na ako at ang famous line para diyan ? "Ganoon naman talaga pag nagmamahal ka, masasaktan ka."

Ganoon naman talaga di ba ? sabi nga nila "Lahat naman ng tao masasaktan ka, you just have to decide who is worth suffering for." I took the risk of being hurt. Minahal k siya, mahal ko siya at nag tiwala ako sa kanya.

Bawat ngiti niya, kinikilig ako. Bawat holding hands parang ayaw kong bumitaw. Iyong first kiss namin na sobrang magical, na parang pa ulit-ulit na nangyayari sa utak ko. Iyong pag buhat niya sa akin noong nadapa ako (sana sinalo mo na lang din ako noong nahulog ako sayo), parang newly wedd. Bawat moment, kailangan kong icherish kasi baka hindi na maulit pa, baka hindi na.

"Trusting you is my decision, proving me that I am right is yours."

A love to disrememberMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon