Chapter 19

58 4 6
                                    

Daphney's POV

Nasa Student Council office ako ngayon nagbunutan kami ng booth kung saan kami maaassign ang ginawa din namin kung saan si Zac doon na ang buong team niya at kung anong mabubunot ni Bes dun na lahat ng grade 12 na di kasali sa Student Council

Bumunot na ako

"Jail Booth" sabi ko

Next na bumunot naman si Zac

"Jail Booth" sabi niya

OMG parehas kami

Si Tyler naman ang pinabunot ko

"Hindi ba automatic na sa Jail Booth din ako?" Tanong niya

"Hindi pwede dapat may isang student council member per booth" sagot ko

Kailangan kasi nakakalat kaming mga student council sa mga booth para may maglead itatanong ko pa nga mamaya ang Adviser namin kung okay lang na magkasama kami ni Zac sa isang booth

Bumunot na si Tyler

"Marriage Booth" sabi niya

Sunod ko namang tinawag si Marjorie na inaasar nanaman ni Tyler at hinaharangan hayys mukhang magkakapikunan nanaman tong dalawang to

"Ano ba?!" Sabi ni Marjorie sabay sabunot kay Tyler

Para talagang mga bata

"President o bullying nananakit" sumbong naman ni Tyler

"Itigil niyo na yan baka kayo pa magkatuluyan" sagot ko

"Malabo di ko type yang unggoy na yan" sagot ni Marjorie

"Tingin mo naman gusto kita unano kita mo nga ang liit liit mo" asar ni Tyler

Hindi matatapos tong dalawang to

"Tama na yan..di niyo ba alam The More you Hate The More you Love?" Asar ko sa dalawa inirapan naman ni Marjorie si Tyler at lumapit na para bumunot

"Teka ayoko!makakasama ko sa booth yang unggoy na yan??" Histerikal na sabi ni Marjorie

Hindi ko na kailangan itanong obvious naman na Marriage Booth din ang nabunot niya

"Ang OA mo kala mo naman gusto kitang kasama" sagot ni Tyler

"Hayy nako pag kayo talaga nagkatuluyan kunin niyo akong abay sa kasal niyo" sabi ko

"Kami din ni Casey" sabi ni Dylan

Bumalik na sa pwesto niya si Marjorie na sa tabi naman ni Tyler ewan ko sa dalawang to bagay pa naman sila

"Bes bunot ka na" pagtawag ko kay Bes

Bumunot na siya

"Dedication Booth" sabi niya

"Alam mo na gagawin diyan yan din last year e" sabi ko

"Oo naman mamaos ako dahil dito sa basketball team e" reklamo niya

Sunod ko namang tinawag yung Grade 11 Representative si Mabel

Chain Booth ang nabunot niya

Pinabunot ko na lahat ng Representative yung mga grade 10 naassign para sa mga games sila na daw ang bahala umisip nun

Yung grade 9 naman magbabantay sa Inflatable at yung iba magtitinda daw ng snacks

Yung grade 8 at grade 7 sa mga snacks din

Hindi ko sure kung anong ganap sa mga College kasi iba na ang Student Council nila pero last year kasi nag-open sila ng mga stores ng damit,accessories at may food din itatanong ko na lang sila Kuya at Ate Zandra

Chasing Mr.SnobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon