Chapter 20

53 3 4
                                    

Daphney's POV

Nagising ako dahil may yumuyugyog sa akin at tumitili..

May sunog ba?!

"Bes gumising ka na diyan naghihintay yung Prince Charming mo!"

"Anak mag-ayos ka na!"

Ang ingay ni mom at ni Bes kaloka

May kumatok naman

"Daph naghihintay yung tao sa baba wag kang tulog mantika diyan naghihintay yung bayaw ko"

Hayys pati ba naman si Kuya

"5 minutes lang please" sabi ko at nagtalukbong ng kumot

Maaga naman ako natulog kagabi mga 10 kaso antok pa ako atyaka wala namang pasok ngayon

"Walang 5 minutes anak bumangon ka na diyan at mag-ayos ka"

"Bes gising na magsisisi ka kapag di ka pa bumangon diyan"

"Wala namang pasok ngayon I want to sleep pa" sagot ko kila mommy

"Wala ngang pasok pero si Zac nasa baba at hinihintay ka na" sabi ni Bes

OMG si Zac oo nga pala magjojogging kami

Agad naman akong bumangon at dumiretso sa CR

"Kailangan lang pala sabihin pangalan ni Zac para gumising" sabi ni Bes

"Anak bilisan mo naghihintay yung son in law ko sa baba" sigaw ni mommy

Tiningnan ko naman yung orasan 6:15 pa lang ang aga niya naman atat makita ako sheret

May orasan sa loob ng CR ko para magmadali ako

Naligo na ako nagtoothbrush naglip balm at powder nagsuot lang ako ng white na shirt at track pants para kumportable at white na rubber shoes pagtingin ko sa orasan 6:40 na nakakahiya kanina pa siya naghihintay kasi naman ang aga niya..anong oras kaya siya gumising?

Pagbaba ko nakita ko sila sala at pinapakita ni mommy yung baby pictures ko nandun din si Bes at Kuya..si Mommy talaga

And what a coincidence he's also wearing a white shirt and black jogger pants

"Ang cute niya no?" Tanong ni mommy

"Opo" sagot ni Zac

OMG cute talaga ako

"Mommy asan si Daddy?" Tanong ko

"Nasa office niya" sagot ni mommy

May office kasi sila dito sa bahay na bihira naman magamit dahil lagi silang nasa ibang bansa

"Ayy oo nga pala I'll call your dad na para makapagbreakfast na tayo" sabi ni mommy sabay tingin kila Kuya

"Pupunta na ako sa Kitchen para tingnan kung anong Breakfast..Zac tulog pa ba ate mo?" Sabi ni Kuya

"Yes..you know her she wakes up late" sagot ni Zac

"Pupunta ako sa inyo mamayang 11 para sure na gising na siya sila tito nandun ba?"tanong ulit ni Kuya

"Yes..mom and dad are at home" sagot ni Zac

"Kuya,halika na sa Dining Area hayaan natin sila magsolo" mapang-asar na sabi ni bes

Loka talaga yan ang aga-aga

"Hi..Goodmorning" pagbati ko

"Goodmorning" sagot ni Zac

"Ang aga mo sabi mo 7 pa tayo magkikita" sabi ko

"Well naisip ko kasi na if I'll come here at exactly 7 you're still sleeping soundly in your room so I decided to come early para gumising ka na" he said

Chasing Mr.SnobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon