Chapter Five

153 11 25
                                    

Daphney's POV

Nilinis ko na yung sugat ko kainis ang liit na bato pero perwisyo nasugat pa ko...pumasok naman si Bes sa loob ng kwarto ko

"Hoy bruha anong ganap niyo ni Zac kanina?kanina lang may nalalaman ka pang let's forget about the deal tapos bigla hinatid ka niya pauwi?atyaka bakit ka naglakad pauwi?" Tuloy-tuloy nitong sabi

"Hindi niya ko hinatid nakasabay ko lang siya kanina maglakad pauwi..hanggang sa gate lang kasi ako ng village nagpahatid sa taxi para makapag-isip-isip sa mga bagay-bagay....tapos akala ko talaga may sumusunod saken kanina kaya ayun sa sobrang takot ko naglakad takbo ako di ko napansing may maliit na bato,tapos si Zac lang pala yun at nakita niya yung kahihiyang ginawa ko dun sa gitna ng kalsada tapos...nahirapan akong maglakad kaya pinasan niya na lang ako sa likod niya " pagpapaliwanag ko

Nakakakilig last na talaga to na kikiligin ako..yung feeling na nawawala sa isip ko yung kirot ng tuhod ko dahil sa kilig

"Kaloka...inafairness nakakakilig yun teka lang..naglakad si Zac pauwi?" Sabi nito

" oo...kaya ko nga siya nakasabay diba...O sige na goodnight na girl inaantok na ko" sabi ko at nagtalukbong na ng kumot

"Di ka na magdidinner? May pasta sa baba" sabi nito

" Di na kumain naman ako sa mall kanina"

"Okay sige goodnight.." sabi nito

isasara niya na dapat yung pinto

"Wait nga pala bes about dun sa girl na kasama ni Zac kanina--" she was about to say something pero I cut her off

"Bukas mo na lang ichika bes antok na talaga ako goodnight" I said

nagtalukbong na ko ulit ng kumot...ayoko munang pag-usapan yun hindi lang dahil sa affected ako kundi dahil na rin sa inaantok na talaga ako kaya siguradong wala rin ako masyadong maiintindihan sa Chika ni Bes pag nagkataon....inaantok na talaga ako ilang gabi din kasi akong napuyat sa paggawa ng Project namin sa Filipino kailangan namin pumili ng dalawang libro na isang Pilipino ang nagsulat at dapat naming ibuod tapos irelate sa mga nangyayari sa lipunan sa panahon ngayon magbigay ng halimbawa at idrawing

ZzzzZzzzzzzzz

~•~•~•~•~•~•~•

Maaga akong nagising naunahan ko pa yung alarm clock ko 4:30 am pa lang 6:30 pa naman ang pasok namin kaya madami pa kong time magprepare magluluto na ko ng breakfast..nagprito ako ng sunnyside up na egg at bacon tapos nagluto ako ng Friedrice sakto namang gising na si Bes

"Morning Bes" she greeted me

"Morning..Brekfast na tayo maaga akong papasok ngayon may tatapusin ako sa SC office aayusin ko na yung mga ganap para sa Intramurals atyaka sa Foundation Week" I said

Pagkatapos kung magbreakfast ginawa ko na ang morning rituals ko...di na ko sasabay pumasok kay Bes dahil malamang susunduin siya ni Dylan magpapahatid na lang ako sa Driver namin

" una na ko Bes..susunduin ka naman ni Dylan diba?" I asked

"oo...nga pala Bes yung chika ko dun kay Ate Girl ni Zac si Zandra..hindi pala siya"

Naputol ang sasabihin ni Bes ng bumusina si Manong

" andyan na si Manong bye Bes see you na lang mamaya sa school byee"
.
.
.
.
.
*School*

Kaunti pa lang ang tao dahil siguro maaga pa naman madalas yung mga lower year pa yung mas maaga tapos yung mga Higher Level yung laging late 6:30 ang pasok pero 6:45 nagsastart ang class yung 15 mins nakalaan yung para sa pagcheck ng mga violations nililista ko sa Logbook ko yung mga nagviolate ng rules tapos pag pangatlong beses na kailangan na nilang magcommunity service ganun din sa lates pinapalista sila ng guard sa logbook para marecord kung pang-ilang late na nila...Dumiretso na ko sa Student Council Office nilista ko na yung mga name ng players para sa Intrams by level ang magkakalaban. imemeeting ko na lang mamaya yung ibang members ng Student Council para naman sa magiging plano namin para sa Foundation week...Nagmessage na lang ako sa Groupchat ng SC sinabi ko na agahan nila para makapag-usap kami saglit..buti na lang active sila...habang hinihintay sila naglista na ko ng mga kakailanganin pandecorate sa event...may pumasok naman tiningnan ko kung sino yun si Zac pala kasama si Zandra/Ate girl na nabanggit ni Bes kanina ano kayang chika about sa kanya?well di naman siya mukhang maldita actually ang amo ng mukha niya,nawala sa isip ko na Vice President nga pala si Zac. nagtataka nga ako bakit mas pinili niyang maging Vice President e malamang panalo siya agad kapag President ang tinakbuhan niyang position.
nakakapit si Zandra sa braso ni Zac ang agang torture naman nito hayys hanggang kahapon lang pala yung kilig ko

Chasing Mr.SnobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon