Daphney's POV
Matapos ang pag-uusap namin ni Bes na di ko naman alam kung saan talaga papunta naisipan ko ng puntahan yung pwesto ng jailbooth sa dating Faculty nakapwesto ang jailbooth dito dati ang Faculty ng science department kaso nalipat na sa second floor kaya naging bakanteng room na lang nakita kong nilalabas nila yung ilang tables and chairs na naiwan dun sila Dean na ang tinanong ko at ayos naman daw sinabihan ko na lang sila na itext ako kung may kailangan ayaw din kasi nila akong patulungin sa pag-aayos..tiningnan ko pa yung ibang booth
habang naglalakad-lakad ako nakasalubong ko si Ate at Kuya na kala mo namamasyal habang kumakain ng fries ang swerte ng mga college pwede silang lumabas ng school kapag wala silang klase napansin naman nila ako
"Hi Daph where's my brother bakit mag-isa ka?" Bungad agad ni Ate sa akin
"Di ko alam Ate e..busy kasi ako magcheck ng booths baka si Zac busy din po" busy humarot nais ko sanang idugtong
"Ayy nako bakit hinahayaan ka mag-isa nun sumama ka na lang sa amin" pag-aya sa akin nila kuya
At dahil wala na rin naman akong gagawin at ayoko namang bumalik sa student council office dahil baka nandun sila nagpakathird wheel na lang muna ako..infairness nagkakaprogress na sila Kuya at Ate di na gaanong sinusungitan ni Ate si Kuya ngayon at masaya ko para sa kanila
Tumambay kami sa library naglalaro si Kuya at Ate ng mobile games at dahil di naman ako mahilig dun pinili ko na lang humanap ng babasahin hayys
Habang nagbabasa nagvibrate ang phone ko tumatawag yung secretary ng Dean namin kailangan daw kaming makausap ng Dean..si Zac at ako
"Ate pwede pakitext po si Zac na pumunta sa office ng Dean kakausapin daw po kami" sabi ko kay Ate
Tinext naman ni Ate si Zac
"Ako may napapansin na ah...di ka sinundo ni Zac kanina,di kayo magkasama ngayon magkaaway ba kayo" tanong ni Kuya
"Mahabang kwento kuya sa bahay ko na lang sasabihin hanap ako ng Dean e" sagot ko
Nasa 3rd floor ako ngayong college building sa 4th floor naman ang sa Dean buti na lang malapit lang...wala talaga ako sa mood magkikilos feeling ko malapit na akong magkaRed Alert pag-akyat ko sa 4th floor naabutan ko si Zac kasama ulit si Girl na kasama niya kanin
"Samahan mo na kasi ako mamaya magmall saglit lang promise" rinig kong sabi ng girl kay Zac
Bago pa sumagot si Zac ay tumikhim na ako ng mapansin nila ang presensya ko ngumiti sa akin yung kasama ni Zac ngumiti na lang ako pabalik kahit hindi ko naman siya kilala..mukhang hinihintay ako ni Zac para sabay na kaming pumasok sa loob ng Office ng Dean
Humihingi lang pala ito ng update sa amin at nagbigay ng mga bilin niya sa amin pinapasabi niya din sa amin na kahit hindi tagaschool ayy pwedeng pumunta sa last 2 days ng event basta may kakilalang tagaschool
Mabuti naman at hindi ganoon kadami ang bilin sa amin ng Dean hindi naman sa hindi ko gustong magtagal doon ang hindi ko lang matagalan ay ang panaka-nakang pagsulyap ni Zac sa akin
Matapos kaming kausapin ng dean ay nakita ko ulit yung girl na kasama ni Zac na tila hinihintay siya hindi ko alam kung sino at ano ang babaeng to sa buhay niya..ngumiti na lang ako ulit
Nakakaloka naman wala pa kong 18 nainlove na ako di lang nainlove nasawi pa hayys...
Tumingin ako ng oras sa phone ko alas 2 na di ko manlang namalayan ang oras malapit na pala mag-uwian pakiramdam ko lutang ako buong araw
Dumiretso ako sa Student Council Office nakita ko si Marjorie at Tyler na busy mag-usap sa lay out ng tarpaulin talagang nagpapasalamat ako na di sila nag-aaway ngayon o baka naman kanina magkaaway sila
BINABASA MO ANG
Chasing Mr.Snob
Teen FictionWill I chase the Heart of Mr.Snob? ~ Daphney Santiago Si Daphney Santiago ay may crush kay Zac kaso nga lang nahihiya siyang umamin kaya naman sa hindi direktang paraan niya pinapakita ang pagkagusto niya kay Zac kaso kilala ito sa pagiging snob,at...