Chapter 22

42 2 2
                                    


Daphney's POV

Nasa mall kami ngayon ni Bes...katatapos lang namin magsimba at pakiramdam ko naikot na namin ang buong mall pero wala pa rin siyang mahanap na ipanregalo gusto niya daw kasi yung bagay na ibibigay niya wala pa si Dylan..pati ako wala din maisip e RK kasi yun si Dylan kaya malamang halos lahat ng gusto nun nabibili niya..mapasapatos,relo,pabango,damit panigurado meron na siya ng mga yun e yun naman ang pangkaraniwang inireregalo atyaka wala naman din akong kamalay-malay sa mga panregalo sa jowa..di pa naman ako nagkakajowa e

"wala talaga bes...wala akong mapili 3 days na lang anniversary na namin" sabi ni Bes

"ang hirap naman kasi lahat meron na siya..feeling ko hindi mo mahahanap sa mall yung dapat mong iregalo sa kanya" sagot ko ano ba kasing gusto ni Dylan?

"Right! Pwede niyang bilin sa mall yung mga nakikita ko dito.... I need to make something na ako mismo ang magpapakahirap gawin..hindi naman materialistic si Dylan"

" so ano na nga ireregalo mo??" Tanong ko

"Scrapbook kaya??"

" pwede"

At ang ending dumiretso kami sa national bookstore para bumili ng art materials hayys sana mas maaga niya to naisip sumakit na paa ko kakaikot namin para makahanap ng panregalo

Habang busy si Bes sa pamimili ng panregalo natanaw ko naman si Dylan papasok sa isang restaurant may kasama siyang Babae? Teka nambabae kaya siya?..Ayy mali no Daphney bawal ang judgemental malay mo kakilala lang o kamag-anak nako di to pwedeng makita ni Bes baka kung anong isipin niya minsan advance pa naman to mag-isip

Agad kong nilapitan si Bes

" tapos ka na ba??"

" oo"

"tara na bilisan na natin magbayad na tayo" hinatak ko agad siya papuntang counter

Binayaran na namin lahat hayys sana di niya makita si Dylan

At no choice mapapadaan kami sa may restaurant pero feeling ko di naman sila makikita ni Bes unless papasok kami dun

"Bes kain muna tayo masarap diyan sa restaurant na yan diyan kami kumakain ni Dylan" sabi ni Bes sabay turo sa restaurant kung saan ko nakita si Dylan kanina

"Ayoko Bes..ano uwi na lang tayo tara na" sabi ko sabay hila ulit sa kanya

"Kain muna tayo..ayos ka lang ba Bes bakit pinagpapawisan ka??" Tanong niya

Kinakabahan kasi ako hindi naman ako sigurado kung nambabae si Dylan mamaya hindi naman pala magkaproblema pa sila kung kelan malapit na sila mag-anniversary

" Oo okay lang ako...ano kasi Bes kailangan ko na mag-cr ang sakit talaga ng tiyan ko" pagpapalusot ko

"Okay ka lang ba??tara mag-cr na muna tayo" sabi niya

"Hindi na..sa bahay na uwi na tayo" sagot ko

"Sure ka?matagal biyahe dito ka na lang mag-cr" nag-aalalang sabi niya

"Nope sa bahay na ayoko dito..namamahay pwet ko" sabi ko

"Kaloka ka talaga tara na nga" sabi niya

Hayys muntik na yun..kakausapin ko muna si Dylan bago sabihin kay Bes yung nakita ko mahirap na mambintang atyaka sa tingin ko naman mahal na mahal ni Dylan si Bes kaya di niya to lolokohin..hayys nakokonsenya tuloy ako pakiramdam ko pinagsisinungalingan ko si Bes

Habang nasa biyahe tahimik akong nag-iisip kung paano ko kakausapin si Dylan hayys..napabuntong hininga na lang ako

"Ang lalim nun bes ah..ayos ka lang masakit na ba tiyan mo" tanong niya

Chasing Mr.SnobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon