Daphney's POV
Hindi ko alam kung anong trip nito ni Zac at hinila niya ko at dinala sa may garden ng school..
Me: Teka nga ano bang problema mo?
Zac: I should be the one asking that..what's your problem
Ako pa may problema ngayon e siya tong bigla-biglang nanghihila habang may kausap ako
Me: Bakit ako e ikaw tong nanghila na lang bigla habang may kausap ako
Zac: kung hindi kita hinila anong isasagot mo!?
Me: isasagot saan?
Zac: O come on..he's asking if he can court you?
Me: nagpapatawa ka ba?ang tanong niya may chance at hindi ko alam kung saan kasi bigla mo na lang akong hinila sa hindi malamang dahilan
Zac: It's obvious
Me: mahirap mag-assume alam mo ba yon?kaya nasasaktan ang isang tao kasi umaasa sila agad bago linawin ang sitwasyon
Parang ako?hindi ko alam kung may aasahan ako sayo
Zac: Then why are you ignoring me?
Napansin niya pala yun
Me: Ignoring you?
Zac: it's obvious wag ka ng magmaang-maangan kanina mo pa ko hindi kinakausap
Me: dahil wala naman tayong pag-uusapan
Bakit hindi siya kila Kate at Pearl makipag-usap
Zac: hindi mo rin ako sinama mag-inspect
Me: sinagot ko na kanina kung bakit?
Zac: e bakit kay Dylan ka nagpaorder ng pagkain?
Me: Bigdeal ba yun?
Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako,mukhang malapit na nga ang dalaw ko
Me: yan ba ang sasabihin mo kaya mo ko hinila dito?
Hindi na siya sumagot..
Me: una na ko..kung wala ka ng sasabihin
Tumalikod na ko para bumalik sa canteen sigurado ako nagtataka ngayon si Bes sabagay kahit ako nagtataka rin...ang hirap Intindihin ni Zac may time na ang snob niya,tapos ngayong iniisnob ko siya iniisip niya may problema ako hindi ko nga inisip na may problema siya nung iniisnob niya ko,mas malala pa sa babae ang moodswings niya yung masungit,tapos tatawa,minsan parang bata ewan buti na lang gwapo siya kaya andaming nagkakandarapa sa kanya sama ko na yung dalawang haliparot kanina sarap pagbuhulin to namang isa wala manlang reaksyon..hayys kainis talaga parang sumasakit pa puson ko..pero lilinawin ko lang hindi ako nagseselos wala akong karapatan
Zac: wait
Napalingon naman ako kay Zac ano nanaman kayang Hanash nito?
Me: ano?
Zac: you have...uhm
Me: I have what?
Lumapit naman siya sa akin at bumulong
Zac: you have red stain on your skirt
Sigurado akong pulang-pula na ang mukha ko kaya pala iritable ako meron na pala ko kainis naman sa dami ng makakawitness ng kahihiyan ko bakit si Zac pa sana si Bes na lang nakapansin o kaya ibang tao basta wag si Zac nakakahiya talaga wala na akong mukhang ihaharap sa kanya..at kamalas malasan wala akong dalang pad meron akong dali lagi kaso hiningi ng isang kaklase ko nawala sa isip kong kumuha ng bagong ilalagay sa bag ko ano ng gagawin ko?tawagan ko kaya si Bes?
Me: excuse me..punta lang akong cr
Buti na lang wala masyadong tao ngayon sa garden at may malapit na Cr
Tatawagan ko sana si Bes kaya lang nasa bag ko pala yung phone ko na sa kamalas-malasan ay naiwan ko sa canteen dahil bigla na lang akong hinatak ni Zac..ano ng gagawin ko bakit ba laging si Zac ang nakakakita ng mga kahihiyang ginagawa ko..hayys wala akong choice kailangan kapalan ko ang mukha ko..lumabas muna ako ng cr at nakita ko si Zac na nag-aantay sa may labas
Me: mm..pwede bang makitawag?kailangan ko kasing tawagan si Bes
Zac: nasa bag yung phone ko naiwan ko sa canteen
Hayys pano na?
Me: pwede bang pakisabi kay Bes na puntahan ako ngayon dito sabihin mo red alert
Zac: Red Alert?
Me: oo gets niya na yun
Hayys bakit naman kasi ngayon pa ko nagkaroon tapos tinagusan pa ko ano ba naman yan kung kelan naman si Zac ang kasama ko atyaka pa nangyari to.
.
.
.
Natanaw ko naman si Zac may dalang plastic..asan na si Bes?Me: asan si Bes?
Zac: she's not in the canteen..pinatawag daw ni Ma'am
Pano na yan
Zac: Here..
Inabot niya saken yung plastic bag ano ba to?nagulat ako pagkakita ko may iba't ibang napkin na iba-iba ang brand may extrang palda din siya ba bumili nito?
Me: ikaw ba bumili nito?
Zac: I can't find Casey,at alam ko naman ang kailangan mo dahil may ate ako kay ate ko sana ipapabili kaso matatagalan akong hanapin siya at wala kang kasama dito...hindi ko alam kung anong brand ang ginagamit mo dahil hindi naman ako ang bumibili para kay Ate kaya lahat ng brands na nakita ko binili ko,tingin ko kasya naman sayo yang skirt magpalit ka na hihintayin kita dito
Me: Salamat and sorry
Zac: sorry?
Me: sorry dahil hiyang-hiya ka sigurong bumili nito and dahil sinusungitan kita kanina
Zac: It's okay
Dumiretso na ko sa CR grabeee kinikilig akoooo ano kaya itsura niya habang bumibili nito?ang cute niya siguro waah nahihiya ako pero nakakakilig talaga...sinilid ko sa plastic yung skirt ko na may tagos lalabhan ko na lang to mamaya
Zac: let's go may klase pa
Me: yung bag ko nasa canteen pa
Zac: I'm sure inakyat na nila yun tara na
Naglakad na kami paakyat at sa kasamaang palad hindi nakikisama ang puson ko dinidysmenorrhea ako usually first and second day ako ganito keri to mataas naman ang pain tolerance ko...binabagalan ko na lang maglakad..bigla namang lumingon si Zac sa akin napansin niya sigurong ang layo ko sa kanya
Zac: are you okay?
Me: oo naman...mauna ka na sa taas may dadaanan pa ko
Pupunta muna akong clinic hihingi akong hot compress para hindi sumakit ang puson ko hindi ako umiinom ng pain reliever dahil bukod sa ayokong masanay sa gamot mahirap yun lunukin
Zac: saan?
Me: clinic..
Zac: why may masakit ba sayo?are you sick?
Me: dysmenorrhea lang to normal talaga to sa babae
Zac: I'll come with you
Me: hindi na malelate ka pa sa klase mauna ka na dun I can manage
Zac: I'm not asking for your permission..I'm telling you I'll come with you
Hayss wala naman akong choice..dumiretso na kami sa clinic binigyan akong hot compress nung nurse at sinabi mahiga daw muna ko pinatong yung paa ko sa dalawang magkapatong na unan kailangan daw mas mataas ang posisyon ng paa ko para mawala sakit ng puson ko...lumabas saglit yung nurse para kumain
(AN: yan ang sinabi saken di ko alam kung totoo...igoogle niyo na lang)
Me: mauna ka na sa taas..
Zac: No..I'll wait for you..masakit pa din ba puson mo?
Me: Hindi na gaano pero inaantok na ko hahaha
Nagulat ako ng sinuklay niya yung buhok ko gamit ang kamay niya lalo tuloy akong inaantok
Zac: Sleep..
Zzzzzxxx
BINABASA MO ANG
Chasing Mr.Snob
Fiksi RemajaWill I chase the Heart of Mr.Snob? ~ Daphney Santiago Si Daphney Santiago ay may crush kay Zac kaso nga lang nahihiya siyang umamin kaya naman sa hindi direktang paraan niya pinapakita ang pagkagusto niya kay Zac kaso kilala ito sa pagiging snob,at...