Chapter 26

54 2 4
                                    

Casey's POV

Anniversary namin ngayon ni Dylan at hindi ko alam kung may plano siya o naaalala man lang ba niya pero parehas naming first na karelasyon ang isa't isa so maybe he's not that familiar into these kind of stuffs..sweet naman ang isang yun hayyss medyo nakakatampo lang kung sakaling di niya naaalala todo effort pa naman ako sa gift ko sa kanya pero ayoko naman sirain tong special day namin kung di niya man naaalala edi ipapaalala ko..ayoko naman siya awayin para lang dito kung pwede ko naman sabihin atyaka busy din naman kami sa school lately or baka hinihintay niya lang na ako ang bumati sa kanya

Kaya lang nasira ang plano namin magkita para magmall today dahil napakalakas ng ulan kakaloka akala ko pa naman makakapagdate kami dahil walang pasok ngayon dahil nga may bagyo kaya lang napakalakas masyado ng ulan pinaghandaan ko pa naman outfit ko bumili pa akong bagong dress malamang video call na lang ending nito...

Dylan's POV

Kung kelan naman special day namin atyaka naman nakisabay tong ulan buti na lang hindi ganoon kalayo sa bahay namin tong Restaurant na ni rent ko for a day para sa celebration namin and okay din yung ginawa ng organizer na pagdedecor well Idea ko naman ang mga nakalagay dito sila lang nag-arrange

Casey loves bubbles nakakagoodvibes daw para sa kanya makakita ng bubbles kaya puro bubbles ang paligid mahilig din siya magpicture kaya madaming nakasabit na picture namin yung iba naman picture niya na kinuhanan ko ng palihim nung hindi pa ako lumalapit sa kanya actually ngayon niya lang din makikita ang mga to

Plinano namin ng maigi lahat buti na lang pala nalaman ni Zac at Daph tong plano ko..si Daph na daw ang bahalang gumawa ng paraan kung paano mapapapunta si Casey dito plano kong magbonding kami buong araw kaya 6:00am pa lang nandito na ako kung ayos na ang lahat 8:00am daw dadalhin ni Daph si Casey dito si Zac na ang maghahatid sa kanila isa pang kunyari yung kaibigan ko na yun e gusto lang makasama si Daphney di pa umamin..may projector din dito dahil plano ko manood kami ng movie at dito kami hanggang dinner nagpaalam naman ako sa parents niya na nasa abroad ngayon,pati sa parents ni Daph

Ramdam ko din na medyo nagtatampo si Casey lately akala niya siguro nakalimutan ko pero hindi,paano ko naman makakalimutan yung araw na nasabi kong akin na talaga yung babaeng pinagmamasdan ko lang dati akala ko corny ang mga ganitong bagay pero napatunayan ko walang corny kung mahalaga talaga sayo ang isang tao

At kahit tingin ng iba masyado pa kaming bata,kahit ang mga magulang niya noon ganoon din ang tingin pinatunayan ko pa rin na hindi edad ang batayan kung magwowork ang isang relationship walang bata o matanda sa pag-ibig ang corny na ng mga sinasabi ko

Daphney's POV

Ako naeexcite para kay bes kaloka isang malaking Sana All at grabe ang sakripisyo ko kahit ang sarap pa matulog at antok na antok ako gumising ako ng maaga para maaya si Bes na lumabas dahil nga may surprise kami

Pinuntahan ko siya sa kwarto niya ayun busy sa phone

"Bes labas tayo" sabi ko

"Kaloka himala ba to??aga mong nagising kahit walang pasok?" Sagot niya

"E kasi nga may lakad tayo ngayon" sabi ko

"Ganito kaaga?atyaka Bes anniversary namin ni Dylan kagigil yun di sumasagot sa mga tawag ko" sabi niya

Hayy nako kung alam niya lang maaga pag naaayos ang jowa niya dun

"Edi isurprise mo..puntahan natin ngayon" sagot ko

"Oo nga no?bakit di ko naisip yan?" Sabi niya

"Eh kasi puro ka maktol diyan puro ka tawag pwede mo naman puntahan mag-ayos ka na,magpaganda ka ng bongga" sabi ko

Chasing Mr.SnobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon