Chapter 24

50 2 4
                                    

Daphney's POV

Hindi ko tuloy alam mararamdaman ko kanina naeexcite ako makuha to e kasi super favourite ko talaga We Bare Bears kaso magkaaway kami ni Zac..Di ko na rin kasi siya maintindihan basta basta na lang siya nagagalit atyaka para namang makikidnap ako ni Stanley sa Loob ng Fastfood atyaka wala namang masamang intensyon si Stanley

Umupo mo na ako sa Sofa dito sa sala..hindi ko alam kung paano kami mag-uusap bukas para sa event sa school ayoko naman na ako mag-initiate na kausapin siya e wala naman akong kasalanan...atyaka hindi ko talaga maunawaan kung ano ba ang ikinagagalit niya hayys

"Napapadalas yang buntong hininga mo bes ah...atyaka saan ka galing pumunta ako sa kwarto mo kanina wala ka dun" sabi ni Bes

"Bumalik ako sa mall may hinahanap kasi akong libro na wala sa isip ko kanina nung magkasama tayo" pagpapalusot ko

Napatingin naman siya sa Paper bag

"Libro..pero stuff toy ang dala mo" sabi niya

At niyakap yung stuff toy na Panda

Hayys..ikinuwento ko sa kanya yung nangyari sa mall bukod syempre yung kay Dylan ayoko naman ispoil yung surprise ni Dylan dahil mukhang sobrang pinaghirapan niya yun

"So magkaaway kayo ngayon" tanong niya

"Inaaway niya ako e" sagot ko

"Ewan ko ba sa inyo..isang manhid,isang torpe" sabi niya hindi ko narinig yung huli niyang sinabi

"Ano?" Sabi ko

"Wala..ang sabi ko tara tulungan mo ko sa scrapbook ikaw magprint nung pictures" sabi niya

Umakyat na kami at syempre binitbit ko yung stuff toy mukhang galit talaga siya kay Mang Kiko niya pa pinaabot hayys bahala na nga

At dahil wala naman na akong gagawin tinulungan ko si Bes sa Pagpiprint ng pics ginawa akong tagaprint..at ang loka ako pa pinagwalis nung mga pinaggupitan niya...hindi naman daw kasi ako pwedeng tumulong magdesign dahil dapat daw siya lang ang gumawa ng lahat hayys ibang klase pala tong pinsan ko kapag tinamaan ng pag-ibig

"Paano na kayo bukas?sino na maghahatid sayo?" Sabi ni Bes habang busy sa pagdidikit ng litrato

"Edi si Manong..si Manong naman talaga dapat ang naghahatid sa akin di naman si Zac ang driver ko" sagot ko

"Pero aminin nasanay ka na na kayo lagi ang magkasama" sagot niya

"Medyo...pero kasi di ko dapat sanayin ang sarili ko mahirap umasa no atyaka malinaw pa sa sikat ng araw na magkaibigan lang kaming dalawa" sabi ko

"Gusto mo pa din si Zac?o baka naman mahal mo na?" Pagtatanong ni Bes

Ano nga ba talaga ang nararamdaman ko Crush lang naman to nung una pero ngayon ewan ko na

"Hindi ko na din alam..basta masaya ako tuwing magkasama kami" sabi ko

"Hindi mo ba talaga alam o ayaw mo lang aminin sa sarili mo na higit sa paghanga na yang nararamdaman mo" sabi ni Bes

"Ayy nako..alam mo bes magpakabusy ka ng maggupit diyan dahil mukhang matagal na oras ang gugugulin mo diyan..ako naman maliligo na ako para presko ako pagtulog" sagot ko

"Teka ang aga mo naman matulog 7 pa lang ah...atyaka naghapunan ka na ba?" Tanong nito

"Busog pa ako..atyaka wala naman akong gagawin ayaw mo din naman na tulungan kita diyan kaya itutulog ko na lang to nagkamuta pa ako atyaka alam mo naman simula bukas mabubusy na tayo sa pag-aayos ng mga booths kaya goodnight na my dear cousin" sagot ko at lumabas na agad ng kwarto niya dahil ayoko ng humaba pa ang usapan namin

Chasing Mr.SnobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon