EPISODE 8-Aldrich Montenegro

1.4K 48 0
                                    

Sunday evening.

"oh nakabusangot ka nanaman " Kervin.

Nilarolaro ko ang yelo sa baso ko. Nasa isang bar kami ngayon kasama sina kervin jerome at iba pa na friends namin. Kasama rin namin sila Anne at Aldrich

Inaasar nga nila akong masokista dahil ako pa ang nagimbita sa dalawa. Gusto ko na kahit manlang sa huling pagkakataon makita kong maging masaya si Josh bago manlang ako umalis.

Kaninang umaga kinausap ko na ang mga parents namin hindi ko pinaalam kay Aldrich  dahil gusto ko na ito na ang gift ko sa kanya.

Nagalit sila Mama na nasa Labyrinth Academy ako nagaaral kaya ang sabi ko mag dra-drop out ako kung hahayaan nila si Aldrich na maging masaya sa iba.

Nahirapan ako sa pagkumbinsi sa kanila pero hindi naglaon pumayag na rin sila kapalit noon ay ang pagsama ko kina Papa na tumira na rin sa America umuuwi lang kasi sila dito kapag kailangan.

Bukas na ang alis ko kaya nga nagyaya ako kina Kervin na mag bar kasama sina Anne at Aldrich.

"wag nyo nga akong pakialaman..." sagot ko napatingin ako sa may dance floor halos mapuno ito ng mga nagsasayawan pero dalawang tao lang ang nakikita ko....

.....at iyon ang taong mahal ko kasayaw ang taong mahal nya.Pagkatapos ng araw na ito magiging masaya na ako dahil nakita ko na sya na masaya.

Ganito talaga siguro ang love yung handa kang ibigay ang lahat para sa taomg mahal mo kahit halos ikamatay mo okay lang basta maging masaya lang sya.

Kapag naging selfish ka hindi love ang tawag dun dahil ang tunay na love yung nagmamahal ka ng walang kapalit.

"ano panunuorin mo nalang ba sila doon" Kervin.

uminom ako ng kaunting alak at bumuntong hininga.

"hay nako hanggang kailan ka ganyan huh"-Kervin

"hanggang sa maging manhid ako" mariing sagot ko. humarap ako kay Kervin at tumalikod na sa dance floor.

"hay nako kaya ayaw kong naiinlove sakit lang sa ulo" kervin

natawa ako sa sinabi nya

"hahahaha may kunatatakutan din pala ang isang tulad mo nho.....hahaha maiintindihan mo lang ang tulad ko kapag nakita mo na ang mamahalin mo"

"malabo yan Krisma dahil pinanganak akong pantasya lang ng lahat hindi nkasulat sa aklat ng buhay ko ang magkaganyan ako" payabang na sagot nito. Natawa lang akong muli dito.

Ilang sandali pa dumating na rin yung iba nagkakwentuhan hanggang sa naisip namimg mgalaro ng truth or dare.

Medyo nararamdaman ko na ang alak ng time na iyon pero okay lang

dahil kahit kaunti nawawala yung sakit.

"hoy Krisma lasing ka na ata eh"kervin

"tumahimik ka nga jan nasaan na ba sila" tanong ko.

" ewan baka nasa dance floor na sila "Kervin

"eh kayo anung ginagawa ninyo dito" turo ko dun sa dalawa nagkatinginan sila at tumawa din.

" ikaw nga umamin Krisma mahal na mahal mo na si Aldrich kaya ka nagkakaganyan nho"-Kervin

"oo nga mahirap yan"-Jerome

" mahirap talaga kung alam nyo lang"

nakatungo ako at nilaro ang straw sa baso ko.

"bakit hindi mo sabihin kay Aldrich"Kervin

"para saan pa...para hadlangan ang kaligayahan nya...he loves Anne mahal nila ang isat isa ....... at wala sa role ko ang maging mangaagaw o manira ng relasyon" sagot ko.

"so dapat martir ang peg mo" batatawang komento ni Jerome

" hahaha ang hina talaga ng kokote nyo love ang tawag dun......sobrang mahal ko si Aldrich kaya nga gusto ko syang maging masaya. Mula noong araw na binigay nya sa akin ito" inilabas ko yung silver na whisle ginawa ko kasi itong kwintas pero nakatago lang sa loob ng damit ko.

*******************

(^^ kervin POV^^)

Nagkatinginan kami ni Jerome at palihim na natawa. Hindi ko akalain na ang isang tulad ni Krisma eh ganito kahina pagdating sa ganitong sitwasyon.

Hindi ko nga alam kung bakit hangang ngayon nagtatanga tangahan ang Aldrich  na iyon. Bago dumating si Krisma sa academy sinabihan na kami ni Aldrich na lumayo kay Krisma kaya nga walang naglalakas ng loob na lumapit dito.

Kami lang ni Jerome

(^^) syempre.....gaganti pa kami sa babaeng ito. Anyway bago yang ganti ganti na iyan dapat ng matigil ang babaeng ito sa kaka drama.

" para saan naman iyan?" tanong ni Jerome.

Kahit ako nagtaka .....whistle?? para saan naman iyon

"bigay ito ni Aldrich sa akin noon ang sabi nya kapag kailangan ko sya anytime anywhere darating sya..." Krisma

"...epektiv naman ba?" tanong ko Ngumiti ito at nag nod.

....ah talaga....

".....dumarating sya basta kailangan ko sya mula noong araw na iyon minahal ko na sya nung grumaduate sya nalungkot ako kasi nalaman ko na nakipagbreak sya sa gf nya dahil sa kasunduan namin ng parents namin...."

".... kaya nung sinabi nila Papa na dun ako tumira kay Aldrich pagka graduate ko kinausap ko sya na balak ko sa iba mag aral at mag bording house..."

" bakit mo ginawa yun kung mahal mo na sya nun dapat gumawa ka ng paraan para mainlove sya sayo"Jerome.

"maganda sana kung ganon pero nung isang beses na tinanong ko sya kung may nagugustuhan sya ang sabi nya meron daw sabi ko bakit di nya ligawan hindi sya sumagot at tinignan lang nya ako....alam ko na kaya hindi nya magawang ligawan yun ay dahil sa akin...."

Napangiti ako sa sinabi nyang iyon. Naikwento kasi ni Aldrich iyon dati. Kung ako lang talaga ang masusunod pinagbabatukan ko na silang dalawa.

"....kya nagenrol ako sa ibang school lumayo ako sa kanya masaya naman ako dahil naging malaya ako nagagawa ko ang lahat ng gusto ko at sya rin.....tignan nyo masaya na sya ngayon" uminom ito ng alak.

" sure ka bang masaya sya?" tanong ko

Tumingin sya sa akin.

"dapat.....dapat maging masaya na sya"

"alam mo minsan gusto kitang batukan ikaw ang tunay at original girlfriend slash fiancee ni Aldrich pero hinahayaan mo ----"

"What??!!!"

Hindi na naituloy ni Jerome ang sasabihin ng paglingon namin ay nakatayo si Anne sa likod ni Krisma

Nabigla din si Krisma kaya napatayo sya.

"ah eh....Anne" hindi mapakaling sagot ni Krisma

" totoo ba?.... totoo ba ang narinig ko?" tanong ni Anne. Umiwas ng tingin si Krisma kaya tumayo ako.

" totoo lahat ng narinig mo Anne" binigyan ako ng warning look ni Krusma pero nginitian ko lang sya

"......high school palang sila mayrelasyon na sila at pag ka graduate nila ng collage magpapakasal na sila---"

"KERVIN!!!" sigaw ni Krisma sa akin.

Biglang tumakbo si Anne. Hinila ko si Krisma at niyakap dahil alam kong susundan nya si Anne at alam ko ring anytime ay babagsak na ako at bigla na lang bubulagta sa sahig dahil sa titig ng isang galit na tao.

" you deserve to be happy Krisma...." pinahid ko ang luha nya. hinawakan ko sya sa ulo at ginulo ito na parang bata

" ahhh ano ba kervin" natatawang saway ni Krisma

"hoy tigilan nyo na nga yan eksena kayo eh mamaya nyan kayo magkatuluyan nyan" Jerome.

mabilis ko syang tinulak at umupo. Napatingin ako dun sa isang sulok kung saan nakita ko sya kanina wala na ito doon.

hahahaha......nakakatuwa talaga ang isang iyon.

ALDRICH MONTENEGRO-Leisure boys batch 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon