ALDRICH MONTENRGRO:EP1

4.1K 61 3
                                    


"Corpuz makakalaya ka na"

Pagkarinig ko palang sa pangalan ko napatalon na ako sa tuwa.

"Yahooo!!!! hahaha"

Sa sobrang saya ko nayakap ko pa si ateng warden. Paglabas na paglabas ko iisang lalaki lang ang inaasahan kong makikita.

At hindi ako nagkamali.

His still handsome as before.

"ALDRICH!!" patalon akong yumakap sa kanya.

(^^).....Gosh I miss this guy....

" Adet pwede bang bumitaw ka nga para kang unggoy nakakahiya" natatawang bumaba ako. s pagkakayakap sa kanya.

"Para ka talagang koala kung makakapit" inis na wika nito. Natawa ako sa reaksyon nito para itong babae kung makapagpag ng damit.

At ang cute cute nya kapag namumula

"cmon Aldrich your still the same wala ka paring pinagbago" biro ko sa kanya.

Masyado kasing seryoso ang isang ito.  Mabuti at hindi na bo-bored ang mga nagiging girl friend nito.

"Ikaw ang hindi nagbabago Krisma.....Hanggang kailan ka ba ganyan huh....look at you mukha ka ng.." He look at me from head to foot na para bang diring diri. nginitian ko lang sya

"...you look like a real gangster"

Napatingin ako sa suot ko.  Black leather jacket ,black sando then black skinny jeans at black boots.

Perfect!!!!!.....ito kaya ang uso...

Nagbyabyahe na kami pero tuloy parin ang sermon nya. His still the same.

"  kung hindi ka napapaaway lagi ka namang nasa kulungan hanggang kailan ka bang ganyan" patuloy na sermon nito. Nagbyabyahe na kami pauwi.

Imbis na pakinggan sya mas inatupag ko ang pag kakalkal sa bag ko. Lagi nalang itong ganito sa twing magkikita kami wala ng bago doon.

Sesermonan nya ako. Mag propromise ako tapos mayamay okay na hay naku wala na talagang pinagbago ang isang ito.

"Krisma nakikinig ka ba"  nilingon nya ako saglit

"Gotcha" sa wakas nakita ko narin ang bubble gum ko.

"tsk....hindi  ka na ba talaga magbabago huh Krisma maawa ka naman kala Tita"

"Aldrich hindi ka ba nagsasawa sa kanenermon natutulili na ako sayo eh"

"Hindi kita sinesermonan pinagsasabihan lang kita hindi ko nga alam at pinagtatakpan kita jan sa mga kalokohan mo para kang lalaki kumilos paano ka mag kakaboyfriend " Natawa ako sa huling sinabi nito.

"may boyfriend naman ako ah"  nilingon nya ako saglit at muling ibinalik sa daan.

"Sino naman?"

"Uy....concern sya hahaHa nagseselos ka " pinindot pindot ko sya sa pisngi. Nangunot ang noo nito.

"wag kang  ambisyosa Kris "

"hahaha defensive  ka masyado....wala naman akong ibang boyfriend bukod sayo eh hindi mo naman ako katulad na manloloko"

siningkitan nya ako ng tingin na ikinatawa ko.

"Bakit totoo naman ah...... your always hurting me sa twing nalalaman ko na lagi kang may ibang ka date samantalang ako kahit maraming nanliligaw sa akin ni isa wala akong sinagot alam mo nakakasakit ka ng damdamin huh..." umarte pa akong sinasaksak ang puso at umiiyak.

"Umayos ka nga Krisma. Sabi ni Papa nanjan na ang mga magulang mo sa inyo pinasusundo ka sa akin kaya mag prepare ka"

"Naka prepare naman ako ah" Sinulyapan nyang muli ang suot ko.

"wear anything more comfortable than that hindi ka pwedeng humarap kina mama ng ganyan ang ayos"

"Wow Mama na rin ang tawag mo sa Mama ko hahaha....kina kareer mo na talaga ang pagiging fiancee ko ah"

"In your dreams Krisma...In your dreams"

Natawa ako sa sagot nya.

"Anung in my dreams....baka nkakalimot ka Aldrich your my fiancee" nginitian ko sya pero inirapan lang nya ako.

Natahimik na sya kaya hindi na ako nagsalita.Umayos ako ng upo at ibinaling ang mukha sa bintana.

In my dreams.......hanggang sa panaginip na lang talaga....

Nalungkot ako sa isiping iyon.

This is one of the reason why I love this man.

Pumikit ako at inalala ang nakaraan.

***Flash back*****

...Shit!!....

mabilis akong nagtago sa loob ng Cr at hindi ko alam kung pang babae o pang lalaki ang CR na napuntahan ko ang kailangan ko lang ay makatakas sa mga humahabol sa akin.

"Fuck....What are you doing here?" wika ng isang lalaki na lumabas sa isang cubicle.

"nasaan na ang babaeng yun hanapin nyo dali" boses ng mga lalaki sa labas.

Narinig ko pa ang ilang boses sa labas ng Cr.

Sinenyasan ko ang lalaki na wag maingay.

"tsk.....nagkamali ka ng pinasok Miss"

"Wag kang maingat plss..." punagsalikop ko pa ang mga kamay ko na parang nagdarasal.

"Get out wala akong pakialam kung a----"

Kapwa kami nagpatingin sa pinto ng parang kinakalampag ito ng maraming tao dahil sa takot ko mabilis ko syang hinila sa loob ng isang cubicle.

"bitawan mo nga ako" angal ng kayakap ko.

"wag ka ngang choosy kuya" nakayakap kasi ako sa kanya.

"peste ...alis jan" pilit nya akong tinutulak pero lalo kong hinihigpitan ang yakap.

"anu ba miss..." pulit nyang kinakalas ang kamay ko sa bewang nya pero lalo ko lang hinigpitan.

"MR MONTENEGRO  MISS CORPUZ  WHAT ARE YOU DOING"

mabilis kaming nagbitaw at napatingin kay Mrs Min Chin ang vice principal.

ALDRICH MONTENEGRO-Leisure boys batch 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon