After what happen bigla nalang magbago ang buhay ko. Hindi ko naman lubos akalaing aabot sa ganito.
Balak pala kaming ipakasal nila Papa at kahit kinausap ko na sya para sabihin yung totoong nangyari wala rin akong nagawa.
Alam kong galit si Aldrich sa akin mula kasi noong araw na iyon ito na ang naging bodyguard/tagasundo ay tagahatid/alalay/boyfriend.
Hindi nya ako pinapansin o kinakausap manlang kahit madalas na magkasama kami.Para nga lang syang tuod kapag kasama ko sya.
*************
Palabas na ako ng school namin. 6:00pm na pero wala pa rin si Aldrich. May practice kasi kami ng sayaw para sa Intrams. Nabanggit ko na sa kanya na baka hanggang hapon ako pero hundi sya kumibo.
Nasaan na kaya sya gabi na takot pa naman akong maglakad pauwi.
Hindi ko rin alam umuwi kasi nasanay ako na hatid sundo ni Dady at ni Aldrich
Naglakad lakad ako dahil sinarado na ang gate ng school wala naman akong cellphone para makapantawag.
Hindi ko na alam kung saan ako napadpad sa kakalakad. Hindi nga ako pamilyar sa mga street dito. Madilim na at medyo kumikidlat pa kaya pumunta ako sa isang waitingshed.
Medyo umaambon ma kasi.
Bigla akong nilamig lumakas narin ang ulan halos walang taong dumadaan dahil siguro sa takot bigla nalang akong naiyak.
Gutom pa ako
(T.T)!!!!....
"k-kri-krisma" hingal na hingal na wika ni Aldrich bigla nalang itong sumulpot sa unahan ko naka kapote ito at may dalang payong.
"*sniff* Aldrich *sniff*" napatayo ako at nagpunas ng luha.
"dont cry na nandito na ako pasensya ka na huh may dinaanan kasi ako eh...." lumapit sya sa akin. May inilabas syang panyo at ipinunas sa mukha ko.
"nako basa ka pala ng ulan.....baka magkasakit ka nyan paano ka napunta dito alam mo bang kanina pa kita hinahanap"
nakatitig lang ako sa kanya. Ito ang unang beses na nagsalita sya ng higit sa tatlong words. Ito rin ang kaunaunahang nagalala sya
"Krisma...okay ka lang ba may masakit ba sayo may nararamdaman ka ba huh...ano magsalita ka hoy..." mabilis akong yumakap sa kanya at umiyak.
Akala ko talaga kinalimutan nya ako dahil galit sya sa akin.
"Wag ka na umiyak huh..." hinawakan nya ako sa mukha at pinunasan ang luha ko. Tumango naman ako bilang sagot.
may kinuha ito sa bulsa at iniabot sa akin.
Isang silver na pito.
"sabi ni Tito ayaw mo daw mag cellphone dahil ilang beses ka ng nawalan kaya naisip ko na ibigay sayo ito...." ngumiti ito.
".....Im not superman pero kapag kailangan mo ako hipan mo lang yan ng malakas anytime anywhere kahit nasaan ako darating ako okay..."
tumango ako at ngumiti.
End of Flashback