Napatingin kaming lahat ng bumukas ang pinto at iniluwa ang nag papanic kong Ama.
"Baby....Baby....Oh my God Baby what happen?" para tong pusang yumakap ikiniskis ang pisngi sa pisngi ko.
Napaka childish talaga ng Papa ko.
"Dad ano ba bitiwan nyo nga ako..." inalis ko ang pagkakayakap sa akin.
"What happen ba Baby sabi ng teacher nyo may nangharass daw sa yo sa CR"
"Teka hindi ko hinarass yan nho" singit naman nung lalaking hinatak ko sa cubicle. Hindi ko sya kilala. Kasalukuyan kaming nasa guidance office dahil sa nangyari.
At dahil sa insidenteng yon kapwa pinatawag ang mga magulang namin.
"And who are you...." duro ni Papa sa lalaki
"...Oh dont tell me ikaw ang nangharass sa baby ko " Akmang susugurin ni Papa yung lalaki na ngayuy napataklob ng mukha sa takot. Mabilis namang humarang si Mrs Min Chin na ngayun lang namin napansin na naroroon pala.
(^^).......
at ako....
heto pinapanuod ko lang sila....hehehe....
Pilit inaabot ni Papa yung lalaki na nasa likod na ni Mrs Min Chin ng bumukas ang pinto at pumasok ang isa pang lalaki na kasing edad ata ni Papa.
"Dad" sigaw ng lalaki sa kakarating lang. Napatahimik silang lahat.
"Elmo?" wika ni Papa na itinuro pa yung lalaking kakapasok pa lang.
"Donald" sagot namam nito. Saglit na nagsipatan sila sa isat isa hanggang sa nagyakapan sila.
********
"Tell me Aldrich totoo ba na hinarass mo ang unica iha ng Tito Donald mo" tanong ni Tito Elmo.
Dati palang magkaklase at mag bestfriend sila ni Papa nung collage.
"of course not Dad ehy would I do that" galit na sagot ni Aldrich anak ni Tito Elmo
"anung hindi ang sabi ng mga teachers na nakakita eh nakita kayong anak ko na nasa Cr ng mga lalaki at magkayakap"
" eh hindi naman ako ang may gawa sya kaya ang humila sa akin sa loon ng cubicle" turo nya sa akin.
Napatingin naman sila sa akin. Imbis na sumagot nilaro laro ko lang ang lollipop ko sa bibig.
"Bakit hindi myo nalang pagusapan ito ng mabuti Mr Montenegro and Mr Corpuz tutal eh mga anak nyo naman iyan. Kaya ko kayo pinapunta dito yun ay para madisiplina ng mabuti ang mga bata" sabat ni Vice Principal .
"tama po kayo pero hindi naman pwedeng ganun ganun lang yun...." bumulong si Papa kay Tito Elmo.
".....Elmo mula pa noon magkaibigan na tayo pero....babae ang anak ko hindi naman pwede na ganun lang yun marami ang nakakita makakaladkad ang pangalan ng anak ko" paliwanag ni Papa.
Bumuntong hininga si Tito Elmo at galit na sinulyapan si Aldrich na ngayoy nakatungo parin dahil napagalitan mg husto ni Tito kanina.
"okay.....pasensya na talaga Donald sa nangyari naiintindihan naman kita dahil kung ako ang nasa kalagayan mo ganyan din ang reaksyon ko kung ano ang disisyon mo para sa mga bata tatanggapin ko" paliwanag ni Tito.
Hindi ko alam kung anong nasa isip nila ang mahalaga sa akin ay nakatakas ako sa mga humahabol sa akin kanina.
(^^)....
Inaamin ko naman na talagang pilya ako konti lang naman kanina kasi napagtripan ko nanaman ang grupo nila Kervin.
Mga anak mayaman din sila mga sophomores naasar kasi ako kasi pinaiyak nya ang friend kong si tin tin napaka babaero naman kasi nun.
Dahil sa asar ko binuhos ko sa bag nya yung juice na hawak ko saka ko sya binelatan at tumakbo. Ang kaso hindi ko naman alam na hahabulin pala nila ako.
Iyon ang dahilan kung bakit naganap ang nangyari sa CR at kung bakit nandito ako ngayon sa guidance room.
Napatingin ako kay Papa na ngayoy kausap si Tito Elmo. Napatingin din ako dun sa Aldrich mukhang galit nagalit na sya dahil parang maiiyak na ito.
Ang babaw naman nya di pa ba nya nararanasan ang mapagalitan ....yan ang hirap sa mga mayayaman gusto lagi perfect ang buhay baka nga d pa nya nararanasang mapalo eh.
(^^)V....jeje
Nginitian ko sya at nag peace sign ng panlisikan nya ako ng tingin.
(^^***ALDRICH POV***^^)
"nakapagpasya na ako Elmo dahil sa ginawa ng anak mo sa anak ko tiyak na ibubuly na sya ng mga kaklase nya"Wika ni Tito Donald.
Napaangat ako ng mukha.
Ibubuly?
Eh mukhang yang babaeng yan ang mahilig mambuli ng kaklase eh. Napatingin ako sa kanya.
Parang lalong nanginit ang pakiramdam ko parang gusto ko syang bugahan ng apoy. Nagawa nya pang ngitian ako peste talaga malas talaga ang babaeng ito eh.
Nakakainis sya dahil hindi manlang nya sabihin ang totoo kahit tinatanong sya ng Papa nya ngumingiti lang ito ako lang tuloy ang iginigisa dito.
" tutal mga bata pa naman sila gusto ko sana na pagka graduate nila ng collage eh magpakasal na sila" Tito Donald.
Kasal??
(0.0)??...
"WHAT" napatayo ako.
"payag ako tutal kahit noon pa man ay naisip na natin iyan " sagot ni Papa.
"teka hindi naman po makatarungan yan Papa wala naman akong ginawa ah.....hoy sabihin mo nga kasi yung totoo anu ba" galit na baling ko dito.
Hindi pwedeng dahil lang sa nangyari ay masira na ang buhay ko. May Girlfriend ako hindi pwedeng mangyari ito.
"hindi na mahalaga kung may ginawa ka o wala Aldrich maraming nakakita sa inyo at baka nga hanggang ngayon ay pinagpipiyestahan na kayo sa buong campus"Si Papa.
"but Dad your being unfair paano naman ako may sarili rin naman akong plano sa buhay ko..."
"My decission is final Aldrich tutal second year highschool ka palang at First year palang si...." sabay tingin dun sa babae.
Kahit ako napatingin di ko rin kasi alam ang pangalan nya.
" Krisma po..." nakangiting sagot nito.
"...okay Krisma as what Ive said pag ka graduate nyo sa collage magpapakasal kayo as of now..." sabay tingin ni Dad sa akin.
"....no more girl friends Aldrich from now on si Krisma na ang official girlfriend and soon to be fiancee mo maliwanag"
Wala akong nagawa kundi ang umiling. Shit isa itomg bangungot. I cant believe this sa isang iglap nagkaroon ako ng girlfriend at fiancee.
Napatingin ako ulit sa kanya. Marahil naubos na nito ang lollipop na kanina pa nginangata dahil may panibago na naman itong binabalatan.
Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Ito ba ang babaeng mapapangasawa ko. Shit.....eh parang babae naman ang type nito eh.
(>_<)!!! shit asar naman oh!!!!
....gagawin ko ang lahat para sya mismo ang kumalas sa kasunduang ito.....