EPISODE 7-Aldrich Montenegro

1.4K 44 0
                                    


Almost one week na kaming hindi nagpapansinan ni Aldrich. Ilang araw na rin na nakikipagdate ako sa dalawang kolokoy na iyon.

Parang hindi naman date ang tawag dun dahil susunduin nya ako may flowers and chocolate pa tapos pag alis namin ng bahay sa isang bar lang pala kasama ng ibang friends nila.

Friends namin to be exact. Masayang kasama sila Jerome at Kervin medyo nakakalimot na ako sa alitan namin ni Aldrich.

****************

Saturday evening

"sabi ko na nga ba at nandito ka"napalingon ako sa nagsalita si Aldrich pala. Lumapit ito at may dalang dalawang baso ng gatas

"for you....para makatulog ka" he smiled at me. napa smile na rin ako. Ang tagal narin buhat nung nagkaroon kami ng ganitong moment.

"baka may lason toh"seryosong sabi ko

."hahaha bakit ko.naman gagawin yun Krisma eh mukha namang hindi tatalab sayo yun eh" napasimangot ako

"aba malay ko ba kung ito ang paraan mo para maging malaya ka na"biro ko. Saglit syang natahimik kya napatingin ako sa kanya.

"Krisma...sorry" napaangat ako ng mukha.

"nagiging selfish na ako hindi manlang kita hinahayaan na maging masaya ka eversince wala manlang ako nabalitaang crush mo o di kaya manliligaw mo....." nagkatitigan kami.

".....sorry Krisma ah.....kasi ni minsan hindi kita na tanong kung okay ka pa"

Nakagat ko ang ibabang labi ko at tumingala. Naiiyak ako. Kaasar.

"Krisma....thank you narin at dumating ka sa buhay ko .....promise naging masaya talaga ako" muli ko syang tinignan.

Ang lungkot ng mga mata nya. At habang nakatingin ako sa mga mata nya hindi ko alam pero parang may nakita akong kakaiba o guni guni ko lang.

"Krisma---"may sasabihin sana ito pero hindi rin nagawa at tumungo nalang.

"May ikukwento ako sayo" napatingin sya sa akin.Nang magsalita ako.

"Alam mo Aldrich.....Meron akong minahal na lalaki...akala ko crush ko lang sya kasi ang bait bait  nya sa akin ang turing nya sa akin parang isang babae" nginitian ko sya pero hindi ko naitago ang pagtulo ng luha ko. Nakatitig lang sya sa akin.

"...mahal ko sya Aldrich.....mahal na mahal ko sya to the point na hamda akong masaktan maging masaya lang sya..."

"kilala ko ba sya?" tanong ni Aldrich na hindi inaalis ang tingin sa akin.

"siguro...hindi ko alam"

"paaano kayo nagkakilala?"

tumingala ako at tumingin sa langit.

".....sa isang aksidente kami nag kakilala hindi ko nga expected na makikilala ko sya" muli akong tumingin sa kanya.

"....he dont like me ......galit sya sa akin noon hindi nga nya ako pinapansin eh pero sa paglipas ng panahon nagkasundo rin kami" napansin kong napakunot noo ito.

".....lagi nya akong pinagtatanggol hindi nya ako iniwan lagi lang syang nandiyan...."

"alam ba nya na mahal mo sya"

umiling ako ng mapakla at marahang pinunasan ang luha.

" .....hindi ko sinabi"

"bakit di mo sinabi....sira ka pala eh"natawa ako sa reaksyon nito.

"...huli na kasi"

napakunot noo sya. Parang may sasabihin sya pero hindi natuloy.

".....he's getting married..."

nagkatitigan kami. Sa mga titig kong iyon gusto kong iparating sa kanya ang nararamdaman ko pero sya ang unang umiwas.

"....nung time na sasabihin ko na sa kanya sinabi nya sa akin na gusto na nyang magpakasal.....ang sakit sakit sinisisi ko pa nga ang sarili ko kasi ....na sa akin pagkakataon noon hindi ko pa sinabi at kung kailan huli na saka ako maglalakas loob"

"hindi pa naman sila kasal pwede mo pang sabihin...."

umiling ako.

"kunwari ikaw yung lalaki .....may babaeng lalapit sayo at aamin na mahal ka nya iiwan mo ba ang fiancee mo para sa kanya"

Natahimik sya at napa tungo. Natawa naman ako ganito pala ang pakiramdam ng mabasted hindi ko pa nasasabi pero basted na ako.

"hahaha...hahaha....makakalimutan ko rin sya siguro kapag nakita ko na syang nasa harap ng dambana at may pinakakasalan siguro makakamove on na ako sa kanya.....hindi kasi ako bagay sa kanya.....angel ang girlfriend nya samantalang ako devil" nakatitig lang ako sa kanya habang sinasabi iyon.

Agad kong tinungga ang gatas saka tumayo

"Sige tulog na ako..."

"Krisma...." pinigilan nya ako sa braso. hindi ko sya nilingon dahil natatakot akong malaman nya ang totoo.

"...kaklase ko sya Aldrich at harapan ko silang nakikita nakilala ko sya nung high school kaya ng mabalitaan ko na sa ibang school sya mageenrol sinundan ko sya. Bihira ako umuwi dito sa apartment mo dahil....dahil ayokong malaman nya ang tungkol sa atin at kaya ako nasama kina Kervin dahil kakilala nila ito..."

Tinanggal ko ang kamay nya sa braso ko at nilingon sya.

"......masaya ako kung saan sya masaya kaya sana ganun ka rin sa akin ...sige pasok na ako"

Nakakadalawang hakbang palang ako nung magsalita sya.

"samahan mo ako lunes sa Dream academy umabsent ka na lang  may competition na gaganapin gusto ko na sumama ka......."tumango ako ng hindi sya nililingon.

"..magpropropose na ako sa araw n iyon gusto kong nandun ang bestfriend ko"

Saglit na tumigil sa pagtibok ang puso ko. Nanikip ito at parang sasabog. Nung medyo nahimasmasan ako mabilis akong tumakbo sa kwarto at umiyak.

Kailangan ba talagang ipamukha nya sa akin na kaibigan lang ako.

Ang sakit sakit...hindi ba pwedeng ako nalang

ALDRICH MONTENEGRO-Leisure boys batch 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon