EPISODE 5-Aldrich Montenegro

1.4K 49 0
                                    


"Hoy... Krisma ang usapan natin huh wag na wag kang lalapit sa kahit na sino sa mga lalaki na makikita mo roon" wika nito habang nag dra-drive pa punta na kasi kami sa Dream Academy.

Actually sa Dream palace namin papupuntahin ang parents namin alam nyo naman kung gaano ka popular ng Leisure boys baka bigla nalang kaming dumugin I mean sya lang pala.

" uhm eh paano kapag may lumapit sa akin "

"walang lalapit sayo...hindi ang tipo mo ang type ng mga yun"

nagpout ako at inirapan sya

"tsk!!!! oo nga pala tutal pupunta ka na rin dun ipapakilala ko sayo si Anne"

"Girlfriend mo?" tanong ko

"yup....she's nice and friendly halos magkapareho kayo ng ugali magkakasundo kayo"

magkakasundo kami?

ipapakilala nya talaga ako sa girlfriend nya?

"oh bakit natahimik ka" biglang tanong nya

"Aldrich......alam ba nya ang tungkol sa atin" nilingon nya ako saglit.

"si Anne?....hindi pa eh saka na lang kapag nag propose na ako"

....propose??..

"mag propropose ka sa kanya?"

"oo....natural girlfriend ko sya at isa pa Isang taon na lang gra graduate na ako pwede na kaming magpakasal...hindi ka ba masaya para sa akin" sa daan lang sya nakatingin pero paminsan minsan nililingon ako.

Itinuon ko ang pansin ko sa labas ng bintana.

"syempre....ahmm..syempre masaya nagulat lang ako....hahahahha" ang hirap palang umarte ng natawa.

"parang hindi ka naman happy eh"

bumuntong hininga ako.

"napapansin ko ang bagal ng takbo natin bilisan mo nga excited na ako makakita ng gwapo" pagiiba ko ng topic

"hoy hoy hoy kakasabi ko lang sayo na iwasan mo mga lalaki doon "

"hay naku bahala ka jan maghahanap ako ng boyfriend doon nho" pumikit nalang ako at nagkunwaring natutulog.

Ilang sandali pa nakarating na kami.

Ang lawak ng lupain......  ang Dream academy ay nasa gitna ng isang malaking lupain malayo sa bayan at ang buong paligid ay puro puno at halaman mukhang kahit ang labas ng academy ay mukhang inaalagaan.

Talagang kahangahanga ang academy na ito bagay lang ang pangalang Dream Academy dito dahil pagpasok mo palang sa para ka ng nasa isang panaginip.

Daredaretso kami ilang building ang nadaanan namin may mga ilang estudyante rin ang nakakalat at ilang sandali pa nasa main gate na kami ng Dream palace.

Ang lawak lawak nito at sobrang higpit talaga ng security. Kung sa unang gate pagpasok mo para kang nasa dream land dito sa dream palace para ka talagang nasa palasyo grabe ang ganda talaga.

Bawat Leisure boys may kanya kanyang parking area.

"Grabe Aldrich ang ganda ganda talaga dito sa school nyo" wika ko pagbaba ko ng kotse.

"tama ka jan kaya nga gusyong gusto ko dito dahil nakakarelax nakakalungkot lang dahil isang taon na lang at aalis na ako dito" malungkot na wika nito.

"okay lang yan..." inakbayan ko sya pero sa tangkad nya hindi ko maabot yung kabilang balikat nya kya ito nalang ang umakbay sa akin.

"...ang mabuti pa pakainin mo muna ako nagugutom na ang alaga ko balita ko mga professional na cook ang nandito"

"hahahaha.....sige umorder ka ng kahit na ano akong bahala"  magkaakbay kaming naglakad. Nasa hallway kami ng biglang may tumawag kay Aldrich kaya napalingon kaming pareho.

Isang magandang babae. Maputi, malaanghel na mukha ang haba haba ng buhok.

Para akong natotomboy habang parang slow -mo na tumatakbo syang palapit sa amin.

Tulad sya sa isang diyosa

Diyosa na ngayoy....kayakap ni Josh.

(0.0)....

"Babe...anung ginagawa mo dito" wika ni Aldrich na hawak sa dalawang kamay nung babae.

"kasama ko si Shy yung girlfriend ni Alvin na miss kasi kita kaya sumama ako papunta dito" malambing na wika nung babae. Pati boses pang diyosa.

No wonder kung bakit nagustuhan sya ni Aldrich ang ganda ganda nya.

Naglalambingan sila sa harap ko na para bang hindi nila ako kasama.

Napatalikod ako at kinalikot ang Cp ko. Kung kayo ang nasa kalagayan ko anung gagawin nyo huh?

"Oh may kasama ka ata Babe?"

"ah oo nga pala...Krisma".. huminga ako ng malalim saka lumingon ng nakangiti.

Lumapit sila sa akin.

"Im sorry Babe I forgot to introduce to you my best friend..."

...bestfriend??....

"Babe this is Krisma ......Krisma  this is Judy anne my girlfriend" ngimuti ako ng matamis. Dapat masaya ako para sa kanya.

"Hi Anne so ikaw pala ang pinagmamalaki ng kulugong ito" biro ko

"teka sinong kulogo?...sa gwapo kung toh" hinawakan ko si Anne

"nako Anne magiingat ka sa kulugong iyan.... nagiging halimaw yan sa gabi" biro ko

"hahaha talaga ....hahaha dont worry magiingat ako"natatawang sabi ni Anne

"thats good.....ang mabuti pa ikaw ng bahala jan sa BESTFRIEND ko..." enempasize ko talaga ang salitang bestfriend. habang nakatingin kay Aldrich

".....alam mo kasi ang higpit nyang lalaking yan ayaw ako ipakilala sa mga Leisure boys at dahil nanjan ka na pakibantayan na lang sya ha at maghahanap muna ako ng gwapo" tinapik ko pa sila sa balikat

"hoy Krisma wala ng mas gwagwapo sa akin nho" tutol nito

"he!! tigilang mo ako" nagpalingalinga ako. May nakita akong pamilyar na mukha.

"ayun may gwapo akong nakita...sige babye" nilagpasan ko na sila.

"KERVIN SY...."sigaw ko huminto yung dalawang lalaki at takang tumingin sa akin. Mabilis akong tumakbo sa gitna nila at inakbayan sila.

"uy Jerome ikaw pala yan....kamusta kayo mga friend" bati ko

"At sino ka naman"kunot noong tanong ni Kervin

"oo nga parang wala naman kaming friend na emo" sabat naman ni jerome.

Sabay ko silang binatukan.

"kayo talaga wala kayong pinagbago masasama  parin kayo ako toh si Krisma  yung friend nyong nambubully sa inyo nung highschool remember" nakangiti kong sabi.

"FRIEND YOUR FACE!!" sabay nilang  sabi at tinanggal ang pagkaka akbay ko pero inakbayan ko lang sila ulit.

"anu ba kayo move on move on din pag may time mga tol halikayo gutom na ako ilibre nyo ako " hinila ko sila sa isang cafteteria.

Sosyal talaga ang lugar na toh.

ALDRICH MONTENEGRO-Leisure boys batch 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon