Episode 4-Aldrich Montenegro

1.5K 47 1
                                    


"Mag prepare ka mamaya Krisma dahil dito daw mag didiner sila Papa kasama ang parents mo" Balita ni Aldrich

Pagkagraduate kasi ni Aldrich ng highschool binigyan na sya nila Tito Elmo ng apartment na malapit sa school nila. At noong ako naman ang grumaduate ako naman ang lumipat sa bahay nya pero magjahiwalay kami ng kwarto.

Katwiran ng mga parents namin dapat daw habang maaga pa eh masanay na kami sa isat isa.

Ang totoo nyan bihira ako umuwi kay Aldrich hindi rin ako nagaaral sa Dream Academy di tulad ng bilin nila Papa.

Nagaral ako sa Labyrinth Academy.

(Ate asrah pahiram ng academy mo huh nabasa ko kasi yung sinulat mo kaya gustong gusto ko iyon thnx)

Mas gusto ko doon dahil malaya ako na gawin ang mga gusto ko. Totoo ang mag kaibigan ko at hindi tulad ng iba na kaya ka lang lalapitan dahil mayaman ka.

Lihim ang lahat ng iyon sa parents namin tanging si Aldrich lang ang nakakaalam tutal laging nasa out of town sila Papa dahil sa bussiness tutal nasa poder naman ako ni Aldrich malaki kasi ang tiwala nila dito.

Nakakapagaral ako sa eskwelahang gusto ko nagagawa ko ang lahat ng gusto ko ng walang nagdidikta sa akin lahat ng iyon ay alam ni Aldrich at madalas kapag napapaaway o naoospital ako to the resque agad si Aldrich

Sya ang dumadating para tulungan ako. Epective naman ang whisle na bigay nya sa akin.

Nasa laguna nga ako nakulong samantalang nasa manila sya at that time nag whistle lang ako ng isang beses after one hour nandyan na sya.

Lagi nya akong inililigtas. Lagi syang nasa tabi ko kaya nga mahal na mahal ko sya.

Inaamin ko na mahal ko sya. Noong time na binigyan nya ako ng whistle yun yung time na nagkaroon ako ng munting damdamin ng unti unting sumisibol.

At bilang kapalit sa lahat ng gusto ko hahayaan ko syang maging normal ang buhay.

Mula kasi ng dumating ako sa buhay nya hindi na ito naging normal dati kasi napilitan syang makipaghiwalay sa girlfriend nya alam kong mahal nya yun kya nga nagulat nalang ako ng sabihin nyang hiwalay na sila.

Kaya noong grumaduate sya sinabi ko sa kanya na malaya na sya na maari syang makipagrelasyon sa kahit na sino pero dapat lihim dahil baka malaman ng magulang namin at kapag graduate na sya ako mismo ang magsasabi kina Papa na hindi na namin itutuloy ang kasal.

Kailangan kasi maka graduate ang isa sa amin para mangyari yun. Nuong umpisa ayaw pumayag ni Aldrich hanggang sa nakumbinsi ko naman sya.

"Hoy.....nakikinig ka ba sa akin huh" napabalik ako sa katinuan ng tapikin nya ako.

"ah....ah Oo narinig kita actualy tumawag na nga sila kanina ang sabi eh pupunta nga daw sila.....at sinabi rin nila na dadalaw din daw sila bukas sa school natin"

Biglang nabulunan si Aldrich

"Oh hinay hinay lang kasi sa pagkain Aldrich......ang baboy mo grabe" natatawang sabi ko.

"bakit parang hindi ka kinakabahan jan huh" nagpapahid ito ng napkin sa labi nakain na kasi kami ng lunch

"Alam mo Aldrich masyado kang nagaalala eh madali lang yan nho look at you ang dami mo ng wrinkles para ka ng tatay "natawa ako ng nagawa pa nyang manalamin sa mesa dahil siguro sa sinabi ko.

"wala naman ah"sabi ni toh na medyo minamasahe ang mukha.

"hay naku akala mo lang wala madalas ko kayang makita tapos lagi pang naka salubong yang kilay mo" inistretch naman nya ang kilay nya

(^_^) ....ang cute nya talaga.

"haixt.....niloloko mo lang ako eh kumain ka na nga jan basta mag prepare ka ..... magsuot ka ng hindi naman itim para maganda sa paningin lagi ka nalang naka itim" napatingin ako sa tshirt ko.

..hindi naman ako all black ah naka pink short naman ako.

Marami rin ang nagsasabing maganda ako may mga manliligaw rin ako ang kaso nawawala sila kapag cnasabi ko na fiancee ko si Aldrich.

Una di sila maniniwala kya minsan dinala ko sya sa Labyrinth Academy para syang artista dahil pinagkaguluhan sya mula noon wala ng nagtatangka na ligawan ako.

"...Aldrich" tawag ko dito

"bakit?" nagangat sya ng tingin.

"maganda ba ako kapag ibang kulay ang damit ko" sandali syang natahimik. at nakatitig lang sa akin.

May mali ba sa tanong ko?

"Aldrich..?"

"huh? ah...eh...ahm aba ewan lagi ka nalang nakablack kaya anung malay ko.....dalian mo sa pagkain may lakad pa ako"

tumayo na ito at umalis. Pero bumalik din.

"teka nga pala Krisma paano na bukas sabi mo pupunta sila sa school natin.....paano ang setup na gagawin natin"

"ah yun ba...uhm ang alam nila sa Dream Academy rin ako nagaaral kaya..... pupunta tayo dun bukas kunwari nagaaral ako dun kaya dapat ikuha mo ako ng uniform nyo"

"pu-punta ka sa school?"

"oo tsaka balita ko sikat na sikat ang school nyo ay teka.....ipakilala mo na rin ako sa isa sa mga kaibigan mo member ka ng Leusure boys diba ipakilala mo nma--"

"NO!!! hindi ka pupunta doon"

napakunot noo ako.

"teka bakit naman..  gusto mo bang mabuko tayo nila Papa"

"Syempre hindi....ahm..okay sige pero ....dapat lagi ka lang sa tabi ko okay tsaka wag kang sumama kung kanikanino o kahit isa sa mga Leisure boys maliwanag" mariin wika nito.

"bakit naman napaka unfair mo naman paano ako magkakaboyfriend nyan huh ayaw mo bang isa sa mga kaibigan mo ang maka bingwit ng puso ko" pagdradrama ko.

"thats the point Krisma mga kaibigan ko sila at kilala ko mga ugali ng mga yun bibingwitin nila ang puso mo at wawasakin kaya hindi pwede okay.... tutal one day ka lang naman sa school you should stay in my side okay..."

hindi na nya ako hinintay magsalita bigla na lang itong umalis.

Napaka unfair nya talaga kung hindi ko lang alam na may girlfriend sya aakalain kong nagseselos sya.


Hehehe pero syempre malabo ying mangyari

ALDRICH MONTENEGRO-Leisure boys batch 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon