"Kali, naririnig mo ba?"
Umirap ako nang marinig muli ang boses ni Eero. Pinindot ko ang naka-kabit sa aking tainga.
"Iniinis mo ba ako?"
Humalakhak lamang ang nasa kabilang linya, muli ay napairap ako.
"Target approaching,"
Agad akong napalingon sa sentro ng parkeng tinatanaw ko. Napataas ang aking kilay ng makitang maraming dalang alagad ang aking target. Agad akong napapindot sa aking earpiece.
"Is that him? Bakit ang daming dala? Kala ko ba tatlo lang ang bantay niyan?" Naguguluhan kong tanong.
"Natunugan ata ang plano kaya ganoon. Kaya mo ba?" Panunuya nito.
"Tell to that motherfucking client that his payment will increase for this shit." Asar na asar kong singhal kay Eero.
"Ni hindi ka pa nga gumagalaw dyan, bayad na agad iniisip mo?"
"Are you an idiot?" Singhal ko at tumayo upang maghanap ng mas magandang pwesto. "Malamang magbabago ang plano, aksaya sa oras ang paghihintay ko kanina."
"Fine, let's just finish this now." Pagtatapos ni Eero.
Nang makakita ng magandang pwesto na hindi nahahagip ng kung anumang mga CCTV ay agad ko ng nilapag ang mga gamit. Matapos punusan ng ilang pasada ang hawak kong sniper ay inaayos ko na ito. Kitang-kita mula rito sa aking pwesto ang pag-aaway ng isang guard at assistant ng kilalang businessman. Napailing ako at muling sumilip.
"Kali?" Tawag ni Eero.
Hindi ko ito sinagot at aasinta na sana ngunit napatigil nang humarap ang assistant. Are you fucking kidding me? Inis akong napapindot sa earpiece.
"Ano 'to?" Asar kong tanong. "Bakit nandon si Zoren?"
"Ah, plan B yan." Kalmadong sagot ni Eero.
"We're going to talk after this."
Busangot ay walang pag-aalinlangan akong umasinta. Pagkabaril ay agad na akong nagligpit at umalis.
"Is that a headshot?" Gulat na tanong ni Eero ngunit hindi na ako sumagot sa pagmamadali pababa upang awayin ang bwiset na ito. "Grabe Kali! Wala ka pa rin talagang kupas kaya ka laging may kliyente eh. Linis gumawa! Nga pala, handa na ang sasakyan sa kabilang building."
"Transfer the payment now, or I'll kill him myself." Pagbabanta ko.
"Oo na, wag ka ng mabadtrip. Nag-aalala lang naman si Zoren sa iyo."
Napakagat ako ng labi sa inis at hinddi iyon sinagot. Nang makalabas sa kabila kung saan ang abandonadong building ay rinig ko ang siren ng police at ambulansya. Maingay din ang mga tao at puro mga sigaw. Agad kong hinagis sa loob ang kay bigat na dala at nagmaneho paalis.
Nang makarating sa headquarters ni Eero ay patapon kong hinagis ang dala tsaka siya hinarap. Napatalon siya sa kinauupuan at napataas ng mga kamay bago inikot ang upuan upang humarap sa akin.
"K-Kali-"
"What the hell, Eero? Napag-usapan na natin ito diba? Ang ayaw ko sa lahat ay yung trinatraydor ako!" Singhal ko sa sobrang galit.
Nanlaki ang mata niya at tumayo, "Hindi kita trinaydor! Ilang beses ka na niyang sinusundan kaya nagulat ako nang pumunta siya rito at makita ang mga files na naiwan mo.
Kumunot ang aking noo at napaisip. Ang akala ko ay pinapasundan ako ng isang miyembro ng kung anumang mafia para bantayan ako. Napatampal ako sa aking noo nang marealize ang kabobohan ko.
BINABASA MO ANG
The Assassin: Kali
Action[THE ASSASSIN #1] She's Angelu Tham but better known as Kali, The Greatest Assassin of all time. She accepts mission from different known mafia in the world and when she was deployed to kill the most powerful mafia boss, everything went downhill. WA...