Chapter 12

597 16 1
                                    

Ilang oras na ang lumipas at naiinip na ako. Pabalik-balik din akong chinecheck ang lagay ni mommy and daddy. Frustrated na frustrated ako hanggang sa nakatanggap ako ng mensahe. Ang hula ko'y galing kay Joseph Riveo iyon.

From: Unknown Number

I got the cure that you need. I sent it with the goods that will be shipped today, earlier than what was promised. I'm sorry about what happened, I heard it from Arnel Reyes.

Heard it from who? Lumayo ako ng kaonti kay dad na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Tinawagan ko ang number na iyon at isang ring pa lamang ay agad na nitong sinagot.

"Where did you get it? The cure I mean," 

Agad kong tanong na ikina-buntong hininga ng aking kausap.

"I stole it from Jenny once and study its contents,"

Kumunot ang aking noo, "Jenny? Why are you doing this, Mr. Riveo?"

Natawa ito, "Alam kong hindi maganda ang imahe ko sa iyo, Ms. Tham. Totoo at inaamin kong hindi ako santo, marami na akong nagawa kaya sigurado ako sa pupuntahan ko sa kabilang buhay. Pero, Ms. Tham, totoo ang sinabi ko sa iyo nung una pa lamang. I really want to be your acquaintance"

"Narinig mo ang ginawa ng fiancée mo sa amin," Paalala ko. "paano ka nakaka-sigurong wala siyang gagawin sa akin, na masama, dahil sa gusto mo akong maging kakilala mo?"

I just want to hint him about what she did to Eero to seek for me, as Kali, like that - threatening someone I need. I could kill her in an instant without thinking twice if given a chance. Natahimik siya at ilang segundo ang lumipas bago siya muling sumagot.

"I will make sure she won't," he said.

Gusto kong matawa, sa tingin niya ba maniniwala ako at makakampante? Baka ang ibang babae, oo, pero ako? Kahit pa anong sabihin ni Joseph Riveo, hindi niya magagawang pigilan ang fiancée niya. Marriage by convenient holds a very powerful weapon against each of their enemies and even me won't stop that. So, no. I refuse to believe his words that he wants to know and be friends with me, I know he wants something from me. I can't figure that out yet but maybe later. He's not my priority after all.

"Thank you," labas sa ilong kong sagot. I feel like I am in a game of lie.

Ako na ang nagbaba ng tawag at agad akong nagbigay ng mensahe sa port ng bansa na abangan ang darating na barkong may dala ng isang importanteng bagay na kailangan ng mga Tham. Dinagdag ko rin na kung sinumang ang lumabag, magtangkang nakawin o pigilan man lang ang pagdating noon ay mabubura sa mundong ito ng walang pag-aalinlangan. 

The Tham mafia was a headache to the authorities and everyone in the city is aware of us. No one ever dared to cross us until now. Kaya naman ganoon na lamang ang galit ko nung malaman ito at hinayang suyurin ni Leo ang kabuoan ng bansa. Kaya naman natitiyak kong hindi lilipas ang linggong ito na hindi mahahanap ang mga iyon. Even the authorities would help us just so they won't face the wrath of the Tham mafia.

Napalingon ako sa pumasok at napatayo nang makitang si Leo iyon.

"How's the search?"

Umiling ito at lumapit sa akin, "Kailangan na natin iyon sa madaling panahon bago tuluyang kumalat ang lason, Angelu."

Napakuyom ang aking kamao, "I have the cure but..."

"But?"

Umiling ako, "Wala akong tiwala roon. Galing kay Joseph Riveo, nalaman kong sa mga Jang ang lason."

Pareho kaming natahimik at nakatingin lamang sa mga magulang ko. Tanging ang machine nilang dalawa lamang at ang aircon ang naririnig sa buong silid. Pakiramdam ko ay na-corner kami ng walang laban, sumabak sa giyera ng walang dalang armas. I hate being weak and helpless like this.

The Assassin: KaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon