Chapter 3

853 19 2
                                    

Matapos maligo at mag-ayos na halos abutin ng isa't kalahating oras ay natapos na rin ako. My hair is tied in a neat bun and my gold earring dangle is paired with its necklace. I brought a small pouch and inside it are swiss knife, cash and cards, and of course phone. Wearing a bergundy sleeveless, turtleneck and knee length dress paired with a black 3 inch heels, I went out.

Naabutan kong naglalaro ng PS4 ang dalawa, na hindi ko alam kung saan nanggaling. Agad napunta ang tingin ni Sean sa akin at natigilan.

"Boom, I win!" Anunsyo ni Eero sa sobrang tuwa at napatalon pa sa ere. "Sean, bud, now gimme your bet."

Hindi siya pinansin ni Sean kaya napailing ako nang sinundan ni Eero ang kanyang tingin. Naglakad na ako palapit sa sala.

"Damn hot, Ange!" Pang-asar ni Eero na ikinakunot ng noo ni Sean at pinatid ito nung akmang yayakap si Eero. "Bro! Ano ba? Muntik na akong sumubsob!"

"You done?" Tanong sa akin ni Sean, binabalewala si Eero.

Tumango ako at binalingan ang busangot na Eero, "Hoy, iuwi mo yang dala mong PS4. Hanap ka ni daddy." Pagpapalusot ko.

"Dito lang ako," tila bata nitong saad.

Nakalapit na sa akin si Sean at napalingon nung sumagot si Eero.

"Eero-"

"I'll give the bet in one condition," wika ni Sean na ikinaagaw ng atensyon ni Eero. "Go home"

"Unfair!" Napatayong palag ni Eero at nagligpit ng mga gamit niya. "If you went back on your word, hindi ko ibibigay si Angelu sa iyo!"

Iniwan kami ni Eero dahil dumiretso na ito palabas. Nilingon ko si Sean.

"Anong bet iyon?" Kuryoso kong tanong.

Tinaasan niya ako ng kilay, "Men only. Let's go,"

Napasimangot ako nung lagpasan niya ako. Akala ko diretso labas na siya ngunit binuksan niya lamang ang pinto at pinauna na ako. Siya na ang nagsara nito at awtomatikong na-lock. Tahimik kami sa byahe kaya binuksan ko na lamang ang system nung kanyang sasakyan at nagpatugtog. Tahimik niyang iniabot sa akin ang kanyang cellphone.

"It's easier to look here," he said.

Kinuha ko naman iyon at dumiretso sa kanyang spotify. Tinignan ko ang kanyang playlist at nang makitang maganda iyon ay agad ko ng pinindot ang play. Ibabalik ko sana nung tumunog sa isang mensahe.

From: Therese

Where are you? I'm waiting, Sean.

Ibinaba ko na lamang iyon sa kanyang gilid at tumingin sa labas. Well, maybe his relative? Napasimangot ako sa naisip. Why would I care? We are not obliged to tell things to each other. We were just in an arrangement and nothing is sure yet that this is the endgame. Pero kahit anong gawin ko ay hindi iyon natanggal sa aking isip hanggang sa makarating kami sa kanilang bahay.

Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako at agad ng lumabas. I can do all things by myself. I don't need assistance from him anyway. Kumunot ang kanyang noo sa aking ginawa at bahagyang nauuna papasok. Binati kami nung tingin ko'y katulong nila sa bahay at iginaya kami papunta sa hapag. Ang kaninang hindi maramdaman na kaba dahil sa pagkairita ay bumalik nang makitang kumpleto ang pamilya niya.

Bumagal ng bahagya ang lakad ko kaya nagkasabay kami papasok. Naramdaman ko ang magaan niyang hawak sa aking baywang, iginigiya ako palapit. Napalingon sila sa amin at napatayo ang kanyang mommy. I've seen his parents in the pictures my mom sent before.

"Welcome hija!" Salubong ng kanyang mommy sa akin sabay yakap na ginantihan ko. "Come and sit!"

Nung makalapit sa hapag ay tumayo na rin ang kanyang daddy at tingin ko ay kapatid ni Sean.

The Assassin: KaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon