Chapter 22

475 13 0
                                    

Nasa isang hotel ako kung saan nag-sstay si Kristine Ivanov. May dadaluhan siyang gathering malapit dito ayon kay Adam kaya nandito ako upang bantayan ang mga kilos niya ngayong araw.

Matapos maihatid ang mga magulang ni Sean kaninang madaling araw ay agad kaming gumayak patungong Las Vegas. Nagkataon din kasing narito si Kristine Ivanov at Stephen Sy kaya sabay kaming nagtungo rito. Naghiwalay lamang upang hanapin ang aming mga pakay. Isasagawa namin ngayong araw ang planong nagawa namin nila Adam kahapon.

Susundan ko lamang ngayon si Kristine upang malapitan ko siya mamayang gabi sa party na dadaluhan niya. Gumawa kami ng paraan ni Adam na makapasok ako rito. Adam made me some fake IDs that was written in the guest list, and switched us. Ang babaing pinalitan ko ay hindi ko alam kung nasaan ngayon, I just know that Adam took care of it for me. Sinigurado rin ni Adam na may pagkakahawig kami nung babaing iyon mula ulo hanggang paa.

Napaayos ako sa pagkakaupo at kumain. Sinundan ng aking tingin ang sobrang sopistikadang babaing tila naglalakad sa isang ranway. All her ads in the billboards across the town didn't justify her beauty in person. Kayang-kaya niyang palingunin kahit sino, mapalalaki man o mapababae. Hindi na ako magtataka kung bakit hanggang ngayon ay pinipilahan siya ng mga kilalang designer sa iba't ibang panig ng bansa makuha lang siyang rumampa. She was beautiful when she was 20 but then after she became the heiress she became a different person. Nakita ko ang kanyang pagbabago sa mga kuhang litrato niya pa lamang. She looked mature now and majestic today. Her experiences made her like that and I salute her as woman in this modern society.

Nakasunod sa kanya ang kanyang assistant na si Ianthe, she's gorgeous too. She could pass as a model herself. Maybe it's not her calling? People with deep secrets usually don't give out information easily, like her. Ngayon na nakita ko siya ng personal, I can say there's something about her that I should be careful about. She's like a ferocious cat waiting for her prey to walk in her trap.

Paglabas ni Kristine Ivanov ng hotel ay agad siyang pinagkaguluhan. Tumayo na ako at nag-iwan ng bayad upang sundan siya. All I did the whole day was to stalk her. Halos sumuko na ako sa sobrang pagod. Grabe naman kasi siya kung mag-ikot sa gathering. Mukhang sanay na sanay na siya at hindi napapagod sa kakangiti sa lahat ng babati sa kanya. Even her secretary looks stoic and emotionless the whole day. Nung bumalik na sila sa hotel ay gusto ko na lamang sumalampak sa higaan nung makita ko ito pagpasok.

"Grabe ang babaing iyon, saludo na talaga ako!" reklamo ko at nagpahinga saglit bago pumasok sa banyo at naligo upang mag-ayos.

I did my best to dressed up properly. Pinili ko ang simpleng dress na umaabot lamang sa aking hita at nilugay ang umaalon kong matingkad na pulang buhok, I dyed it. Naglagay lamang ako ng kaonting make-up at nagsuot ng heels bago lumabas ng aking kwarto. I drove a borrowed car that Adam provided for me. Agad akong umalis ng hotel at dumiretso sa Bellagio. Nagpark ako sa harap at agad lumapit ang valet upang i-park ang aking sasakyan. Agad kong binigay ang susi at naglakad papasok. Binigay ko ang pangalan sa receptionist at iginiya ako ng isang babae papasok sa isang exclusive room ng gusali.

This girl sure know how to party hard, ang tanging pumasok sa aking isip pagpasok pa lamang. A famous pop song is blaring through the speakers and some famous celebrities are all around the place. Even high-profiled politicians are here! Anong klaseng event ba ito at talaga dinayo ng mga mabibigat na tao?

"Enjoy the night, Ms. Williams," saad ng babae at nginitian ko lamang siya bago ako naglakad ng tuluyan papasok.

Wala ni isang media ang naroon na tila ba malaki ang binayad ng kung sino man ang nagtipon sa mga panauhing ito para maging pribado ang lahat. Kumuha ako ng isang baso ng wine sa serbidor na dumaan. Inilibot ko ang tingin at nakitang wala pa rito si Kristine Ivanov at ang kanyang sekretarya. Tahimik lamang akong nagmamasid nung may lumapit sa akin na lalaki.

The Assassin: KaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon