Dedicated to @shesadamnbadgirl
Babe Triciaaa! Hellooo! Haha! Ayos yung hinuha mo sa last UD huh :> Well... Let’s see na lungs sa ending. ;>
Btw guys, maiksi-iksi nga lang pala ang kuwento nitong Haunting Aubrey. Around 20 chapters lang. Ayun. Jsyk. At thanks sa mga matiyagang nagbabasa! :’>
----
Chapter 6: Ave Maria
“HERE. DITO KAYO mag-practice.”
Walang kagana-ganang pumasok si Aubrey sa music room ng mansion ng pamilya Calleja. Nilagpasan niya ang kanyang nobyo na nagbukas ng pinto, at sumunod naman sa kanya si Chester.
Nag-demand kasi si Chester na kailangan nilang mag-rehearse dahil hindi pa raw nito alam ang piyesang tutugtugin nila. So hindi nagdalawang isip si Justin na dalhin sila roon.
Malaki ang music room na iyon. Sound proof ito at carpeted. Merong two-seater couch sa tabi ng pintuan, ilang shelf sa gilid na may kung anu-anong related sa classical music na karamihan ay mga aklat, at isang itim na grand piano na nakapuwesto sa pinaka-gitna ng kuwarto.
“So can you do it in thirty minutes?” Tanong ni Justin habang nakatingin sa suot na relo.
“We can,” proud na sagot ni Chester na nilapag sa ibabaw ng sofa ang bitbit na violin case.
Deep inside, inis na inis si Aubrey na makita ang violin case na iyon. She kept on thinking na sana, hindi na lang pinilit ng ina ni Justin na mag-aral mag-violin si Renton. E ‘di sana, walang magagamit na violin si Chester ngayon. E ‘di sana, hindi siya mapipilitan na pakitunguhan ito ngayon.
“Baby,” nilapitan siya bigla ni Justin at hinawakan ang kamay niya. “Balikan ko kayo mamaya kapag time na ng pagtugtog niyo ah? Kailangan kong bumalik sa baba eh. I can’t leave Mom alone there.”
Pilit na ngumiti at tumango si Aubrey.
“At huwag ka matakot kay Chess.” Natatawang bulong pa ng nobyo niya sa kanya. Malamang napansin nito ang pagkailang niya sa lalaking iyon. “Mukha mang hindi siya mapapagkatiwalaan, but I trust him, even when it comes to you. Para na kaming magkapatid niyan. So he won’t mess with anything or anyone who is mine.”
Mine—she loved hearing Justin say that. Pero hindi niya magawang lubusan na matuwa. Mali kasi ito ng paniniwala kay Chester.
Chester’s already messing with me, Justin. Gusto sana niyang aminin sa nobyo. Pero hindi niya magawa, dahil mauungkat ang parteng iyon ng nakaraan niya kasama ang lalaking iyon.
Justin gave her a quick kiss on the lips, before turning to Chester. “Bro, balik ako mamaya. Don’t give my girl a hard time, okay?”
“Okay,” nakangising sagot ni Chester habang nakaupo sa sofa at hinahanda ang violin na gagamitin. Then Justin left, closing the door.
Napalunok si Aubrey nang maiwan na silang dalawa ni Chester doon sa kuwarto. Nahirapan din siyang huminga. Parang biglang naging suffocating ang lugar na iyon.
“Start playing the piano.” Utos sa kanya ni Chester na mukhang tinatamad.
“And how about you?” Inis naman niyang sagot. Kung maka-utos kasi ito na simulan na niyang tumugtog, eh ni hindi pa nga ito tumatayo para maghanda sa pagsabay sa kanya.
BINABASA MO ANG
Haunting Aubrey (SEXY BLACK Duology Book 1)
Romance(𝐒𝐄𝐗𝐘 𝐁𝐋𝐀𝐂𝐊 𝐃𝐮𝐨𝐥𝐨𝐠𝐲 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟏) She is Aubrey de Vera, and she's gonna get "seductively" haunted. • 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ┊ 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟰 •