Chapter 20: Angel
KABADONG-KABADO SI JUSTIN habang nakatulala sa labas ng Emergency Room. Nasa loob na no’n ang kanyang nobya na wala nang malay nung makarating sila—wala nang malay pero duguan.
Mula si pintuan ng ER, napayuko si Justin sa suot na polo. Bukod sa kuwelyo nito na may ilang talsik ng dugo mula sa kaibigang kanyang sinaktan, may dugo rin sa ibabang parte nito hanggang sa harapan ng kanyang pantalon na alam niyang kay Aubrey naman nanggaling.
Napasabunot sa sariling buhok si Justin nang maalala ang itsura ni Aubrey kanina. Sobrang namimilipit sa sakit ng tiyan habang dinudugo.
Natatakot at nasasaktan siya sa hinalang naiisip. Ayaw niya sanang paniwalaan ang sariling utak. Pero wala na siyang maisip na ibang posibleng dahilan sa nangyari sa nobya, lalo na at ang hinala niya rin ang nasambit ng nurse na nag-assist sa kanila kanina.
Na... Nakunan si Aubrey... Buntis siya...
Sobrang sakit no’n aminin sa sarili para sa kanya. Gusto niyang maiyak na gagawin na sana niya kung hindi lang may dumating.
Si Chester. May dugo ito sa sariling damit na nagmula sa mga labi nitong pumutok dahil sa ilang beses niyang pagsuntok dito. And the traitor, was looking very much worried at him.
Of course he’d be worried. Anak niya ang dinadala ng fiancee ko.
Lumala ang galit na nararamdaman ni Justin. Nanggigil ulit ang mga kamay niyang nangangati na muling sapakin ang traydor na kaibigan.
But not now... Not now when Aubrey’s in there...
Nilipat ni Justin ang tingin pabalik sa pintuan ng ER at ang galit niya ay napangibabawan ng pag-aalala sa babaeng minamahal. Galit siya—galit na galit at nahihirapang tanggapin na nabuntis ito ng kanyang kaibigan. Pero nananalangin siya na sana, maging ligtas si Aubrey—at pati na ang batang dinadala nito.
Kakayanin kong tanggapin ang lahat basta maging ligtas ka lang, Aubrey.
Matapos ang halos isang oras ng pananahimik at pagdarasal, bumukas na ang pinto ng ER at iniluwa ang isang may edad na doktora.
“Kasama ba kayo ni Miss de Vera?” Bahagyang nakangiti na tanong nung doktora habang palipat-lipat ng tingin sa kanila ni Chester.
“Yes Doc,” tumayo si Justin.
“Hmm, so sino sa inyo ang asawa or boyfriend?”
“Ako po.” Nilapitan na ni Justin ang doktora at nakipagkamay na sinagot naman nito. “Justin Calleja. I’m Aubrey’s fiance.”
“Oh okay.” Tumango-tango ito at saka bumitaw.
“Kamusta na po siya, Doc? B-buntis... nga po ba siya?”
Huminga nang malalim ang doktora at nag-cross arms. “She was eight weeks pregnant.”
She... was?
“A-and? Kamusta na po ‘yung baby?” Halos manuyo ang lalamunan ni Justin.
“Sorry, Mr. Calleja. Pero hindi naka-survive ang baby niyo.”
Nanlambot ang mga tuhod ni Justin sa narinig. A part of his mind said na dapat siyang ma-relieve dahil hindi naman niya anak ang bata. But no, he couldn’t feel relieved. They were talking about an innocent child’s life there. At anak pa rin iyon ng babaeng mahal niya.
“W-what? The baby did not survive?” Lumapit na rin si Chester sa doktora. May kinokontrol na galit sa boses nito.
“Yes, the baby didn’t. I’m so sorry.” Ulit ng doktora na ikinabagsak ng mga balikat ni Chester.
“How about Aubrey? Puwede ko na po ba siyang makita?” Tanong ni Justin.
“The patient’s fine and safe now. But... not emotionally.” Napabuntung hininga ang doktora. “Mariin niyang binilin sa akin na ayaw niyang makakita ng kahit sinuman ngayon. So I’m sorry again, Mr. Calleja. Hindi mo siya maaaring makita.”
“But Aubrey surely needs someone right now. She needs me,” Justin sounded almost desperate, pointing at himself. “Ako na mapapangasawa niya.”
Umiling ang doktora. “Sorry talaga, Mr. Calleja. Ayaw ko na sanang sabihin ito but actually... isa ka sa specific na sinabi ni Miss de Vera na ayaw niyang makita ngayon.”
Ayaw niya akong makita...
“Please understand na lang. We can’t put her at risk of another emotional breakdown. De Vera was in state of shock sa nalaman at nangyari sa kanya and in fact, she cried non-stop as soon as she found out that she just lost a baby she didn’t know she had.”
And it’s my fault... Ako ang may kasalanan kaya nawala ang bata... ang anak niya...
“Huwag na lang kayong mag-aalala,” hinawakan siya nito sa balikat at tinignan naman si Chester. “Miss de Vera is in stable condition now. She’s still suffering from cramps and bleeding which are natural to women who just had miscarriage pero titigil din iyon with the help of meds. We will also have her undergo a counseling para maging okay na rin siya emotionally. We’ll make sure she copes up and once she decides na maging open na ulit sa inyo, I’ll tell you right away. For now, pasensya at pag-intindi na muna ang kailangan niya sa inyo.”
As much as he wanted to see Aubrey and apologize to her, Justin had no other choice. Ayaw niyang pahirapan ito lalo kaya umalis na lang siya ng ospital, not giving a damn to his best friend.
Best friend? Fuck that friendship.
Nanlalata siyang sumakay sa kanyang kotse at doon, pinahinga niya ang ulo sa manibela—at hindi na pinigilan ang kanina pang gustong kumawala na mga luha mula sa kanyang mga mata.
—TBC
A/N: Short update, yea~ Pasensya. Actually, maiksi rin yung susunod. Then hahaba ulit on the 22nd chapter and the final chapter. So unting tiyaga na lang talaga since #3updatesToGo na lungs. At saka… walang update bukas. Hopefully on Thursday again. Thanks to those who keep on reading! :)
BINABASA MO ANG
Haunting Aubrey (SEXY BLACK Duology Book 1)
Romance(𝐒𝐄𝐗𝐘 𝐁𝐋𝐀𝐂𝐊 𝐃𝐮𝐨𝐥𝐨𝐠𝐲 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟏) She is Aubrey de Vera, and she's gonna get "seductively" haunted. • 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ┊ 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟰 •