Chapter 12: Hurt More

9.1K 167 5
                                    

Chapter 12: Hurt More

WORKING WITH AN all-Japanese orchestra was great for Aubrey. Mayroon man silang language barrier pero maayos niyang nakaka-trabaho ang mga ito, salamat na rin sa tulong ni Janice bilang interpreter niya.

            Mababait naman ang mga ito maging ang Japanese conductor nila. Kaya nga lang ay sadyang may attitude ang ilan sa kanila. Ang iba pa ay nahahalata sa mga tingin na minamaliit siya.

            Pero ano naman?

            Sa limang araw ng pagre-rehearse nila nang magkakasama, pinamukha ni Aubrey sa kanilang lahat ang kaya niyang gawin bilang propesyunal na pianista. And she got the respect she deserved.

            But, not the happiness she expected.

            Frustrated na nga siya sa napakagulong ugali at pag-iisip ni Chester—who thankfully was not showing to her in the past five days—ay na-disappoint naman siya sa kanyang nobyo.

            Si Justin na nangako sa kanyang susundan siya sa Japan upang panoorin ang huli niyang pagtugtog bilang isang Aubrey de Vera, ay hindi na nagawa iyon.

            “I’m really sorry, baby. I am. Hindi ko ‘to inaasahan. Believe me. I was already about to go when I received this call from them. Something na hindi ko pupuwedeng palagpasin para sa kumpanya namin.”

            Ayun ang sinabi sa kanya ni Justin kahapon—sinabi na ikinalungkot niya. Pero wala naman siyang ibang choice kundi tanggapin iyon at palagpasin na lang.

            Okay lang. Hindi naman sa ganitong bagay nakasalalay ang relasyon namin. ‘Di ba?

            Makapunta man siya o hindi, he’s still Justin. Ang lalaking pinakamamahal ko at papakasalan ko.

            Ganun na lang ang inisip ni Aubrey sa gitna ng concert nila at habang tumutugtog siya sa harapan ng maraming tao.

            It’s okay...

            That’s really Justin after all... His world may not be solely revolving around me, but I’m sure, his heart solely beats for me. At sapat na ‘yon sa akin.

            Ang palakpakan, mga ngiti at papuri na natanggap niya matapos na tumugtog ng limang piyesa ay nagbigay sa kanya ng kakaibang saya. Very fulfilling.

            Yet, alam niya na iba pa rin kapag kasama mo ang mahal mo sa ganung pagkakataon.

            Ugh, nakakainis!

            Nasa isang kuwarto sa backstage si Aubrey at nagpapahinga. Naiinis siya dahil hindi niya maintindihan ang sarili.

            Okay lang naman talaga sa kanya ang nagawa ni Justin. Pero parang hindi rin.

            Ang gulo-gulo ko!

            Medyo nahirapang kontrolin ni Aubrey ang inis na nararamdaman. A few people—some prominent, some part of the media—visited her in her room para batiin siya at interview-hin nang kaunti. Pero hindi niya nagawang kausapin nang matino ang mga ito. She was really not in her usual self and so not in the mood. Buti na lang napagtakpan siya ni Janice. In Japanese, her assigned-assistant told the visitors that she was not feeling well. Mukha namang nakumbinsi ang mga ito at hinayaan na siyang mapag-isa.

Haunting Aubrey (SEXY BLACK Duology Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon