Chapter 21: Resolution

8.5K 181 11
                                    

Chapter 21: Resolution

PINILI NI AUBREY na manatili muna sa ospital kung saan siya dinala ni Justin. It had been two days since then, at bahagya nang humuhupa ang kanyang pagdurugo at pananakit ng puson.

                Wala na talaga siya...

                Humawak si Aubrey sa tiyan niya habang nakaupo sa gitna ng kanyang higaan.

                At wala talaga akong kwenta... Pati ang magiging anak ko sana, iniwan ako...

                Nasasaktan pa rin siya sa mga nangyari—mula sa pagkagalit ni Justin sa nagawa niyang pagtataksil, hanggang sa pagkawala ng anak niyang hindi man lang niya namalayang dinadala na pala niya. Kada iisipin niya ang mga iyon, nasusugatan ang puso niya. Pero hindi na niya magawang iiyak ang sakit. Parang natuyo na ang mga luha niya sa maya’t maya niyang pag-iyak.

                “Hi Aubrey!” Magiliw na bati ng kakapasok pa lang na 30-year-old-something na lady nurse na hinire niyang umasikaso sa kanya habang nanatili siya roon. May dala itong tray ng pagkain at sa kanang braso nito ay may nakasabit na paper bag--paper bag na pangalawang araw na rin niyang nakikita.

                “Oh, mananghalian ka na.” Pinatong nito ang tray sa kanyang higaan. “At ito, pinabibigay ulit sa’yo ng fiance mo.” Pinatong din nito ang paper bag sa tabi ng tray.

                ‘Yung paper bag ay galing sa coffee shop na lagi nilang binibilhan ng brownies ni Justin. At kahapon pa siya pinapadalhan nito ng mga ganon. Brownies na may kasang mga rosas.

                “Talaga bang ayaw mo pang makita at makausap ang batang ‘yon?” Tanong nung nurse habang inaayos ang mga bulaklak sa vase na naroon. “Alalang-alala kasi siya sa’yo. Halos magmakaawa nga lagi na makita ka. At saka ang mga mata niya, nako.” Humarap ito sa kanya at tinuro ang sariling mga mata. “Halatang napuyat kakaisip sa’yo.”

                Napatitig na lang si Aubrey sa pagkain niya. Ang totoo, gustung-gusto na niya ring makita si Justin. Gustung-gusto na niyang maramdaman ang yakap nito.

                Pero hindi... Hindi puwede...

                Pinagbawalan na niya ang sarili na makita ito. Naniniwala kasi siya na wala na siyang karapatan na mahalin ito matapos ang mga nagawa niyang pagkakamali.

                I cheated on him, then I got pregnant—with his best friend’s child. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya.

                I really do not deserve Justin.

                “Aubrey? Okay ka lang?”

                Hindi niya napansin ng nasa tabi na niya ang nurse, at siya naman ay nakahawak pala sa kanyang dibdib. Naninikip kasi ito dahil sa sama ng loob na nararamdaman.

                Pinilit ngumiti ni Aubrey.

                “Opo... Okay lang po ako...”

                Nginitian din siya nung nurse at hinaplos ang kanyang likod. “Huwag ka mag-alala. Malalagpasan mo rin ‘yan, Aubrey.”

                Natulala siya roon sa nurse. Dahil sa pagkakataong iyon, parang nakita niya ang kanyang ina rito.

                “Kumain ka na ah? Babalikan kita ulit mamaya.” At saka siya iniwan nito nang may magaan nang pakiramdam.

                                                                ***

“MISCARRIAGE IS A God’s way to take life that is not yet meant to live in this world.”

                Lalong gumaan ang pakiramdam ni Aubrey nang magbasa siya ng mga article online tungkol sa pinagdaanan niya.

                Oo nga naman... Alam malamang ng Diyos na hindi pa ito ang tamang panahon—at tamang sitwasyon—para magkaanak na ako...

                At hindi ako nag-iisa. May iba pang babae na pinagdaanan ‘to at kinaya nila.

                Kaya ako... Kakayanin ko rin ‘to.

                Pagkatapos mag-online, dumiretso siya sa chapel ng ospital at nagdasal. She thanked God, believing that He made the right decision of taking her baby. Baka nga kasi mahirapan lang ang magiging anak niya kung mabubuhay ito, being a product of her infidelity to Justin.

                “Sorry anak...” Bulong ni Aubrey habang nakaluhod sa likuran ng isang pew. Nakapikit siya at magkahawak ang dalawang kamay sa tapat ng kanyang mukha. “Hindi man kita inasahan at nabuo ka man dahil sa... sa katangahan ko, mahal na mahal kita... Sorry sa mga pagkakamali ko... And I’m still looking forward to meet you... someday... in heaven...”

                Aubrey then opened her eyes and felt... uplifted. Finally, she had that motivation to move forward.

                I’m already going to move forward.

                Oras na, para iwan ang lahat ng hindi magagandang alaala sa nakaraan.

—TBC

A/N: Sorry for another short update! Huhu.

Will update again on Saturday! Then on Sunday, final chapter na. Hihi. Siryizli. Matatapos na ‘to this weekend. :)

Haunting Aubrey (SEXY BLACK Duology Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon