Dedicated to @Ayeshaclaire20 – Hi Yeye! Dunno kung mababasa mo ‘to agad. Pero thank you, ah? Busy ka pero humahabol ka pa rin tuwing may new stories ako. The best ka talaga, not only sa pagiging PB reader, but also sa pagiging HipHopper(wahahaha) Labyu, Yeye! :*
Sa ibang readers din nitong HA, thank you! 6 updates to go na lungs. :)
----
Chapter 17: Trial
THAT JERK...
Halos mabaliw na si Aubrey mula nang ma-receive niya ang video nila ni Chester. At hindi man ito nagpakilala o nagbigay ng mensahe, malakas ang pakiramdam niya na ang gagong ‘yon ang nagpadala ng email sa kanya.
He is threatening me. Nanggigigil niyang isip. Gusto niya talagang makipaghiwalay ako kay Justin.
Aubrey didn’t know what do with her situation anymore. Napaka-seryoso na nito at napakasensitibo. The jerk had gone too far.
Hindi na niya malaman kung paano iyon malalagpasan. Kanino siya hihingi ng tulong? Dapat pa nga ba siyang humingi ng tulong?
Ayaw niyang may ibang makaalam ng katotohanan—lalo na ni Justin. Ayaw niyang magbago ang pagtingin nito sa kanya at ayaw niya itong mawala sa buhay niya. God, she loved the man so much. Nagawa nga niya itong pagtaksilan pero sigurado siya sa nararamdaman ng puso niya. Justin was the only man she ever dreamt of spending the rest of her life with.
“Aubrey?” Nag-aalalang tawag sa kanya ni Justin. Habang umiikot kasi sila sa hall na paggaganapan ng wedding reception nila, bigla siyang napaupo. “Hey baby, what’s wrong?”
Lumuhod si Justin at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Nakita nito ang pamumutla niya at pagpungay ng kanyang mga mata.
“Nahihilo ako, Justin...” Daing niya rito. Ilang araw na ring sumasakit ang ulo niya at sumasama ang pakiramdam dahil sa sobrang gulo ng isip at pagpupuyat.
Walang sabi-sabi ay binuhat siya ng nobyo at pinaupo sa sa isang silya. Inasikaso siya nito kaagapay ng wedding organizer nila who gave her a bottle of drinking water.
“Excited lang kasi ‘to sa kasal namin,” dahilan ni Justin sa nanunuksong tono sabay gigil sa baba niya. Natawa naman ‘yung wedding organizer at maging si Aubrey.
Para makapagpahinga siya, napagdesisyunan ni Justin na i-resume na lang ang pagpa-plano sa magiging ayos nung hall para sa wedding reception nila. Naiintindihan kasi nito ang kalagayan ni Aubrey bilang bride. Dahil ito mismo, aminado sa sobrang kaba na nararamdaman sa papalapit nang papalapit nilang kasal.
“How do you feel now?” Tanong sa kanya ni Justin nang makasakay na sila sa sasakyan nito.
Aubrey smiled, touched by her husband-to-be’s concern. “Okay na...”
Justin smiled back. “Tulog ka lang muna diyan.” At kinapa nito ang noo niya.
“Justin? Wala nga akong sakit.” Natawa si Aubrey at hinawakan ang kamay nito palayo. Ilang beses na ba kasing ginawa iyon ni Justin mula nung mahilo siya? Around ten times na rin. “Pagod at stressed lang talaga ako.”
“Hmm, naninigurado lang.” Binigyan siya nito ng isang mabilis na halik sa mga labi. Uulit pa sana ito kaso nag-ring ang phone nito at mas piniling sagutin ang tawag. “Yo, bro.”
BINABASA MO ANG
Haunting Aubrey (SEXY BLACK Duology Book 1)
Romance(𝐒𝐄𝐗𝐘 𝐁𝐋𝐀𝐂𝐊 𝐃𝐮𝐨𝐥𝐨𝐠𝐲 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟏) She is Aubrey de Vera, and she's gonna get "seductively" haunted. • 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ┊ 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟰 •