CH.5

37 4 0
                                    

CRYSTAL'S POV

Kinabukasan habang naglalakad ako papunta sa room nakarecive ako bigla ng Notification, kaya tinignan ko ang phone ko

'Reminder, today is the oath taking so walang malalate sainyo'

Nagpop out ito sa screen ko at pagkatapos nun tuloy tuloy nanaman ang notification sa phone ko. Sigurado ako nagiingay nanaman sila sa GC, pero di ko na sinubukan na tignan ang mga pinagsasabi nila at nagmadali na sa paglalakad.

Sa totoo lang maaga talaga ako pumasok pero dahil nasa fourth floor ang room namin, papunta palang ako sa room pababa na ang mga ibang students para sa flag ceremony.

Sa oras na nakarating ako sa room naabutan ko si Minkyu sa loob na busy na busy sa mga papel na siya lang nakakalam kung ano nakasulat. Sa una di ko nalang siya pinakealaman, nilapag ko yung bag ko sa upuan ko at naghanda nang bumamaba pero sadyang napaka galing talaga ni Minkyu dahil ang mga papel na hawak hawak niya ay nilapag niya sa lamesa kung saan nakatapat ang Electric fan.

Wala na akong ibang nagawa dahil lumipad ang mga papel at halatang halata naman na stress na si Minkyu kaya lumapit ako sakanya at tinulungan ko siyang pulutin ang mga papel na nagkalat sa sahig. Habang nagpupulot may nakakuha nang pansin ko kaya kinuha ko ito.

"Gumawa ka na agad ng action plan?" tanong ko sakanya at parang nagulat pa siya sa tanong ko.

"Ha? Ah oo, wala din naman ako masyado magawa kagabi kaya ginawa ko na" sabi naman niya

"Pero masyado pang maaga para gawin yan" sabi ko at ngumiti nalang siya habang ako nanatiling walang emosyon ang mukha

"Hayaan mo na, responsibilities are responsibilities, gawin ko man toh ngayun bukas o kahit kalian, by the end of the day kailnagan ko parin siya gawin" pagpapaliwanag niya at tumango nalang ako bago ibinigay ang mga napulot ko

"Eto oh ito yung kopya mo" sabi niya at nagabot ng kopya ng pledge

"Salamat" kinuha ko ang kopyang ibinigay niya at binasa ito pero di malakas

"Nakakapagtaka lang talaga kasi mukha ka naming mabait pero sabi nila cold ka daw" pagsisimula nanaman ni Minkyu at napa buntong hininga nalang ako

"Ikaw ba naman na makakkita ng babae na hindi ngumingiti at walang emosyon ang mukha, di ka ba mapapaisip na cold yung taong yun?" bawi ko

"Para sakin mas mukha payung robot kaysa cold" sabi niya at naoatingin ako bigla sakanya. Mag sasalita na sana ako pabalik ngunit biglang nagsara ang pinto, na ikinagulat naming dalawa

"Hala!" sigawa niya samantalang ako ay nakatayo lang sa kung nasan ako kanina at mukahng gulat na gulat

"Puta, sino nanaman ba gumawa nito! Magsisimula na yung flag ceremony!" Sigaw niya habang sinusubukang buksan yung nalock na pinto

Tumingin siya sakin na mukhang naiinis ngumit nung nagtama ang mga mata namin bigla nalamang siyang ngumiti na ikinagulat ko lalo

"Bat ka ngumingiti?" tanong ko sakanya at umiwas siya nang tingin

"Eto kasi yung unang beses na nakita kitang nagreact, alam mo yun? Yung kahit isang beses may emotion yung mukha mo?" sabi niya pero di ko alam kung puri bay un o pangaasar

"Tumigil ka na diyan at magchat ka sa GC" sabi ko sakanya ng muling bumalik yung walang emosyon kong Mukha

"Okay" sabi niya bago kinuha ang phone niya.

Smile ||Kim Minkyu Fanfic||Where stories live. Discover now