CH. 15

25 2 0
                                    

HYEONGJUN'S POV

Pumasok ako sa school ng maaga para nga mapagusapan na namin nila, Jinwoo at Donghyun yung gagawin namin mamaya sa library. Di pa man din ako nakakalakad ng malayo ay natanaw ko na silang dalawa, nilapitan ko sila at kinausap

"Ang aga niyo naman talaga" sabi ko

"Syempre, nakakahiya naman kung kami pa yung mahuli" sabi naman ni Donghyun

"So anuna?" tanong ni Jinwoo

"Hmm, bago ako magsimula wala ba talaga kayong ibang pinagsabihan? Kasi mamaya may umeepal na sa plano natin na di naman belong" sabi ko at nagisip silang dalawa

"Wala naman ako nasabi kay Yunseong at Minhee so, wala akong ginagawang kasalanan" paliwanag ni Donghyun kaya binaling ko ang aking tingin kay Jinwoo

"Di ko sinabi kay Jinhyuk hyung pati narin kay Wooseok hyung, wag ka magalala" sabi ni Jinwoo at umupo na ako sa tabi nila

"So anon a balak natin kay pres?" tanong ni Donghyun

"Hindi ko ito inisip ng mabuti pero, siguro kakausapin muna natin at tatanungin si pres then kapag matigas parin ang ulo, edi pangaralan na talaga natin" paliwanag ko at mukhang nagets naman nila

"So ano, yun na?" tanong ko para siguraduhing gets nila

"Game" sabi ni Jinwoo

"Pag ito talaga sumablay, babatukan ko na si Minkyu hyung kahit mas matanda siya sakin" Sabi ni Donghyun bago tumayo, dahil nandito na ang magaling naming president

"aga niyo naman" sabi ni Minkyu hyung habang busy tiganan kung ano man yung mga nakasulat sa papel na hawak niya

"Tara na?" tanong niya sabay tingin saming tatlo, tumango nalamang kami dahil di naman alam ang gagawin

Pumasok kais a loob ng library at doon kami naupo, sa kanan ko ay si Donghyun at sa kaliwa naman si Jinwoo sa harap namin ay si Minkyu hyung at ang mesa ay puno ng mga bond paper. Tinignan naming tatlo ang mukha niya at mukhang stress na stress na siya, parang wala ngang tulog eh. Nagtinginan kaming tatlo after inobserbahan si pres at parang pareparehas lang kaming nagdadalawang isip kung itutuloy pa ba namin. Huminga muna ako ng malalim bago sila sinenyasan na tuloy ang plano, tumango nalang silang dalawa at tumulong sa pagaayos ng mga nakalatag na Gawain sa lamesa samantalang ako naman ay naghahanap ng timing. Makalipas ang 1 oras, yes 1 oras ko tong pinagisipan, nagsalita na ako

"Pres" tawag ko

"bakit" taning niya ngunit din a siya tumingin sakin dahil busy siya

"anong tingin mo kay ate Crystal?" tanong ko at natigil siya, nagtaka naman kaming tatlo kasi parang nanigas siya sa kinauupuan niya na parang bang iniwan siya ng kaluluwa niya, nagtinginan kaming tatlo at pareparehas lang din kaming naguguluhan

"Pres?" tawag ko pero di siya kumibo

"Uy pres" this time si Jinwoo naman ang tumawag sakanya tinapik pa nga siya nito pero di siya kumibo

"Uy pres si ate Crystal" sambit ni Donghyun at biglang tumingin sa labas ng pinto si pres

Ngumiti naman si Donghyun bago nagsimulang gawin ang hininto niya kanina, basang basa ko sa mukha ni Donghyun na parehas lang kami ng iniisip

Si ate Crystal lang talaga ang makakagawa ng ganitong effect kay Minkyu hyung at di kaming tatlo nagkakamali doon

"Pres" tawag ko at tumingin siya sakin

"Ano na?" tanong ko uli at huminga siya ng malalim bago nagpatuloy magsulat, akala ko di siya sasagot pero may sinabi naman siya kahit papano

"Mabait siya, mapasensiya, at kakaiba" sabi nito at tumango nalang ako

"Bakit mo naman nasabi yun?" tanong ni Jinwoo

"Ewan, di siya nagpapatawa o ngumingiti pero napapasaya niya ako, matalino siya pero never niyang sinubukang ipagmalaki yun, kala mo cold siya pero napaka humble niya, binibigay niya yung time niya kahit na pwede naming magpahinga nalang siya, she never gets angry kasi ibang iba yung pasensiya niya sa ibang tao, she's different pero in a good way" paliwanag ni pres and this time huminto na talaga siya sa ginagawa niya at nakatitig na lang sa lamesa

"she's beautiful even she doesn't smile, but I think it'll be better kung ngingiti siya" dagdag niya and by this moment alam na naming tatlo na tinamaan na siya, ayaw lang niyang aminin yun sa sarili niya

"Pres what are you afraid of anyway?" tanong ni Donghyun at tinignan siya ni pres

"What do you mean?" tanong nito

"Well no offense ha pero by the way you talk and descried ate Crystal, mukahang gusto mo siya pres, pero bat di mo inaadmit yun, no one is stoping you anyway" paliwanag ni Donghyun

"Dun ba pupunta itong usapan na toh? Alam niyo di ko gusto si Crystal okay, maissue lang kayo, di proket diniscribe ko siy ng ganon eh gusto ko na siya" napaka defensive nanaman ni Gago, ewan ko ba pero parang dapat na siyang pangaralan

"Alam naming mangyayari ito eh, ikaw nga Jinwoo kumausap ditto, nang gigigigil ako eh" sabi ko bago nagpatuloy sa ginagawa ko

"Alam mo pres, wag kang gagawa ng mga bagay na pwede mong pagsisihan, I mean wala naming mali kung gusto mo si ate Crystal eh, you two look good together, walang mali doon, grade 12 ka na pres you should've already know this by your age, stop deneying things" paliwanag ni Jinwoo.

Di man siya tinignan ni pres alam kong nakikinig parin siya dahil halata naman sa mga galawan niya

"Jinwoo is right hyung, Maganda si ate Crystal at maraming pwedeng magkagusto sakanya, sana naman wag kang aabot sap unto na kung saan mauunahan ka, wag mo sanang masamain pres, mas matanda ka saamin at di ka namin pwdeng kontrolin, may respeto kami sayo pero ayaw lang namin na marealize mo ang mga bagay na kung saan late na, it's up to you kung makikinig ka saamin o hindi pero di ka naman namin pipilitin kung alam naming mali eh, we can see something that you can't see kaya please pres listen" Dagdag ni Donghyun at mukhang tinamaan si pres sa sinabi niya

Huminga nalamang ng malalim si pres at nagpatuloy sa pagsusulat

"Alam ko naming wala kayong masamang intensiyon, pero di ko gusto si Crystal, sorry kung nasira ko yung ship niyo, pero hindi ko siya gusto" sabi ni Minkyu hyung at medyo nakakadisappoint isipin.

Natahimik nalang kaming apat at ginawa ang mga bagay na dapat ng tapusin, ni hindi na rin kami nakapagrecess dahil nga sa ang daming trinatrabaho, naguusap kaming apat pag wala kaming magawa sa buhay pero never naming ingbring si ate Crystal sa usapan, gawa nga nung kanina.

At dahil nga di namin magusapan si ate Crystal dahil nandito si Minkyu hyung sa harapan namin, nagpaalam kaming apat na bibili ng tubig para narin makalabas at magusap, pumayag namn siya at isnabing bumalik agad. Paglabas naimin imbes na sa canteen ang punta dumeretsyo kami sa pathway at naupa pareparehas na nakasalumbaba

"Ano na plano natin?" tanong ni Donghyun na nakatingin sa malayo

"Ewan ko na" sabi ko habang naktingin din sa malayo

"Solid naman yung explanation at pangaral natin sakanya eh, sure akong natamaan siya lalo na dun sa sinabi ni Donghyun, imposibleng hindi tinitignan ko siya at nakita kong natamaan siya" sabi ni Jinwoo, na isa ring nakatingin sa malayo

"Nadidisappoint parin ako ih" sabi ko naman bago sumimangot

"Kala mo ikaw lang?" sabi naman ni Jinwoo at umupo ng tuwid pero sa dulo bumalik siya sa pagsalumbaba

"sure ako matatauhan din siya sa tamang panahon, sangayun tigil muna tayo pero bukas o sa makalawa tutuloy tayo sa plano, di pedeng hindi" sabi ni Donghyun at tumango nalang kaming dalawa ni Jinwoo

"Kailangan nating tulungan si Kuya Minkyu na marealize yung mga bagay bago siya maunahan ni Kuya Z" dagdag ni Donghyun bago kami tinignan

"Kaya natin toh, matitigas ang ulo natin kahit si Kuya Minkyu ay di tayo kakayanin, fighting!" sabi ni Donghyun na nakatulong naman para medyo sumaya ako

"Fighting!" sabi namin ni Jinwoo ng sabay bago ngumiti sa isa't isa.

Smile ||Kim Minkyu Fanfic||Where stories live. Discover now